webnovel

My Dear Sister-in-law

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1815: Mahal Kong Sister-in-law

Binato ang kawawang kuneho sa sahig, kanina lang masaya itong bitbit. Mukhang nagulat ito sa tabi ng paa ng lalaki na puti ang buhok. 

Nanatili lang doon si Ning Xi, parang may nakita siyang multo. 

"Ikaw… ikaw… ikaw…" Nauutal si Ning Xi at hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Nakakatakot talaga makita bigla ang lalaking ito! 

Nilalaro ng lalaki ang isang rosas na may hamog sa mga petals nito at sinabi niya nang parang nagrereklamo, "Paano ako? Gusto mo ba ako ibato pagkatapos kunin yung dowry ko, mahal kong… Sister-in-law?" 

S-Sister-in-law? 

Nagulat si Ning Xi. "Ikaw…'Wag ka magbiro! Anong 'Sister-in-law'?" 

"Mali ba ako?" Tumaas ang mga kilay ng lalaki habang hawak niya ang rosas sa kamay niya, parang mabilis at maliit na dwende. 

"Uhh…" Walang nasabi si Ning Xi. Alam ba ng lalaking ito na kasal na siya kay Lu Tingxiao? 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com