webnovel

Little Bunny, You Know How Too?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 749: Little Bunny, Marunong Ka Ba?

Nang makarating sila, nasurpresa si Ning Xi. Hindi niya inasahan na ganito kalaki ang shooting range. Nasa 1500 square feet ito at mayroong dalawang standard multipurpose shooting ranges, pareho silang mayroong siyam na professionally designed targets. Isa pa, kumpleto rin ang koleksyon nila ng baril.

Mayroon pang naka-display na weapon exhibition na may iba't ibang klase ng handguns, rifles, machine guns, at iba pa. May mga sundalo na pumupunta doon para mag-ensayo.

Tumitingin lang sa paligid si Ning Xi at hindi sa harap niya. Kung hindi siya ginagabayan ni Lu Tingxiao, tiyak na mauuntog siya sa poste.

Tama ang pinsan ni Lu Tingxiao nang sinabi niya na bine-baby masyado si Ning Xi. Palagi niyang iniiwan ang utak sa bahay kapag kasama si Lu Tingxiao. Sa totoo lang, sinusundan niya lang ang bawat hakbang ni Lu Tingxiao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com