webnovel

It’s Too Late

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1299: Huli Na Ang Lahat

"Mommy, napagod ka ba?" bati ng bata sa kanyang ina habang inaabot niya ang tsinelas nilang pambahay. Sweet na bata!

"Nawala ang pagod ko pagkakita ko sayo!" binuhat ni Ning Xi ang bata, at natuwa siya na bumigat na ito kumpara sa dati.

Bumalik na ang katawan ni Little Treasure sa kalusugan. Dahil sa training niya kasama si Tang Lang, lumalakas na ang katawan niya. Dati sakitin siya, pero ngayon wala na siyang problema.

"Mommy, binigyan ako ni teacher ng homework na kailangan gawin kasama ka!" pahayag ni Little Treasure.

"Talaga? Ano yun? Tutulungan kita!" sagot ni Ning Xi.

May kinuha si Little Treasure mula sa bag niya at ipinakita ito si Ning Xi sa palad niya.

Isang maliit na cardboard na may isang dosenang itim na mga tuldok.

Natanto ni Ning Xi kung ano ito. "Oh, gusto ng teacher mo magpalaki ka ng silkworm babies?"

Silkworms dapat ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com