webnovel

It’s Brother Who Kissed A Guy, Not Me

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 546: Si Kuya Ang Nanghalik Ng Lalaki, Hindi Ako

Sa susunod na umaga.

Habang nananaginip si Lu Jingli ng magagandang babae, biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Bam!

Anong nangyari?! Sino iyon?!

Bwisit, nakahubad pa man din siya matulog! May manggagahasa ba sa kanya?

Ang unang reaksyon ni Lu Jingli ay magtaklob ng kumot, saka niya nakita ang mas kahindikhindik pa sa isang bangungot. Parehong magulang niya ang nakatayo sa tabi ng kama, parehong mukhang galit na parang mambubugbog sila katulad noong pinagtripan niya ang isang beehive.

Takot na takot si Lu Jingli at nawala ang kahit anong bahid ng antok niya.

"Uh...Ma, Pa...anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?"

"Hayop ka! Papatayin kita!" bigla siyang inatake ni Yan Ruyi ng walang paliwanag. Sumali rin si Lu Chongshan at pinagpapalo siya ng walking stick.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com