webnovel

I Have Good News

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 321: I Have Good News

Kinabukasan.

Dahil sa lalim ng tulog niya, nanatili lang tulog si Ning Xi hanggang sa natural siyang nagising.

Naalala niya saglit ang nangyari kagabi at pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat.

Hanggang…bumangon na siya at nagpunta sa walk-in closet…

 'Di niya na isinara ang kwarto kagabi, iniwan lang niyang bukas kaya nakta niya agad ito nitong umaga nang walang pakundangan.

Walang masabi si Ning Xi.

Mukhang 'di pala panaginip ang nangyari kagabi…

Akala niya nung una, maliit lang ang halaga ng mga 'to kaya niya tinanggap. Pero ano pang magagawa niya ngayon?

At itong closet…

Medyo masakit pa ang ulo ni Ning Xi nang mag-ring ang cellphone niya, si Ling Zhizhi.

 "Hello, Sister Zhizhi?"

 "Naka-leave ka ngayon 'di ba? Free ka ba? Kung wala kang gagawin, dumaan ka sana saglit sa office."

 "Wala naman masyado. Pupunta agad ako diyan!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com