webnovel

I Don’t Believe That I Can’t

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1398: Sigurado Akong Mahahanap Ko Siya

Nitong mga nakaraan na araw, kabado ang lahat sa Lu Corporation.

Malapit na ang annual general meeting. Pupunta sa Imperial lahat ng managers at supervisors mula sa bawat business sa ilalim ng Lu Corporation at aabot ng isang linggo ang meeting.

Sa loob ng panahon na ito, walang pwedeng magkamali.

Kakatapos lang ng meeting ng direktor at nagsimula nang mag-alisan ang mga tao. Ang natira na lang sa kwarto ay sina Lu Tingxiao at Lu jingli.

Sumandal si Lu Jingli sa upuan niya, pagod na pagod. "Parating na ang pinakanakakatakot na panahon!"

Tuwing annual meeting, bukod sa business, madalas nagpapakilala ng mga babae ang mga tao sa kapatid niya.

Syempre, marami ring nagpapakilala sa kanya.

Hindi niya gusto ito kahit mahilig siya sa mga babae. Pero mas matindi pa para sa kapatid niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com