webnovel

I'll Pick You Up From The Airport

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 487: I'll Pick You Up From The Airport

Biglang sumigaw nang malakas ang character sa niallaro ni Ning Xi: GAME OVER!!!

Nakasuot ng putting polo, light blue na pantalon at puting sapatos ang lalaking ninenerbyos na nakatayo sa harap niya. Maikli na ang buhok niyo at kita na ang malinis na noo, maputing kutis, at mahiyain ngiti.

Nabanggit nito na lagpas isang taon pa lang nang makagraduate siya sa university pero mukha pa rin siyang bata. Sa suot niya ngayon, kasing-fresh niya pa ang isang estudyante na paalis pa lang ng eskwelahan.

Tinitigan siya ni Ning Xi nang matagal bago tumayo at inikutan ang lalaki nang ilang beses. Puno ng gulat ang mukha nito. "Wow…sinong magaakala! Akala ko isa ka nang kawawang mama. Eh mukha ka palang pretty boy!? 'Di na kailangan ng endorser ng studio natin sa future. Pwede ka na!"

May napulot siyang random na tao sa kalye at lumalabas na isa pala siyang makisig na binata! Ang swerte naman!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com