1797 I’m Already Married

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1797: Kasal Na Ako

Pasensya na, hindi ko pwedeng gawin yun… 

Hindi pwede… 

Namutla ang mukha ni Ning Xi nang marinig niya si Lu Tingxiao at mukhang nabigla siya. Ginamit niya ang buong lakas para kumalma, tapos pinilit ang sarili niyang tanungin, "Bakit?"

Inalis ni Lu Tingxiao ang kamay niya mula sa palad ng babae at pinakita niya ang likod ng kamay niya.

Sa ilalim ng liwanag ng araw, nakita ni Ning Xi ang isang simpleng singsing sa ring finger ni Lu Tingxiao.

Yun ba ay… wedding ring?

Sobrang daming posibilidad ang dumaan sa isip niya bago nito, pero hindi niya inasahan na ganito ang mangyayari.

Si Lu Tingxiao… ay kasal na?

Sobrang simple lang ng itsura ng singsing na hindi niya napansin hanggang ngayon.

"Ka… kasal ka na?" Hindi alam ni Ning Xi kung paano niya kinaya tanungin ito.

"Oo." Binigyan siya ni Lu Tingxiao ng matatag na sagot.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter