webnovel

I’ll Feed You

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 160: Susubuan kita

"Pwede ka nang tumigil," para pigilan ang sarili niya na mawalan ng kontrol kapag nagpatuloy pa 'to, pinatigil ni Lu Tingxiao ang ginagawa sa kanya.

"Oh,"'di masyado inisip ni Ning Xi. Tinuloy lang niya ang pag-aaral sa baril at tumingin sa direksyon ni Lu Tingxiao habang nag-aalangang nagtanong, "Itong baril pala… ibinibigay mo na ba talaga sa'kin 'to?"

Lu Tingxiao: "Birthday gift ko na sa'yo."

Espesyal na birthday gift 'yun…

Maingat na hinawakan ni Ning Xi ang baril. "Thank you, nagustuhan ko. Sobra!"

Mas maganda nga ang safety performance ng baril saka low-key lang ang itsura kaya 'di madaling malaman kung anong klase ng baril maliban na lang kung i-dismantle. Mas convenient ding gamitin.

Habang pinagmamasdan ni Ning Xi, 'di niya naiwasang maluha. "Lu Tingxiao, thank you…wala pang naging ganito kabuti sa'kin…"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com