webnovel

Hog Him To Herself

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 531: Angkinin Siya

Hindi naisip ni Lu Jingli na dadating si Zhuang Keer ngayong gabi. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko 'to kasalanan, hindi ko siya inimbita!

Kahit nakakalungkot na ang kanyang sitwasyon, tumingin sa paligid si Lu Jingli at mas nagulantang pa...

My gosh, ano ito? Bigla niyang nakita na sa lahat ng mga magagandang babaeng narito ngayon, kalahati sa kanila ay palihim na nagnanakaw ng sulyap sa kanyang kapatid. Ang ilan sa kanila ay kasali sa matchmaking list na ginawa ng magulang nila.

Kahit hindi niya inimbita ang mga taong ito, hindi niya mapipigilan ang ibang bisita na isama ang mga kaibigan nilang babae. Lahat sila ay matalik niyang mga kaibigan, kaya hindi niya basta bastang tanggihan ang pagsama nila ng ibang tao.

Isa pa, kung mayroong dapat sisihin para sa mga uninvited guests, ito ang kanyang kapatid...sa huli, siya lang naman ang nakakaakit ng mga bubuyog at paru-paru…

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com