webnovel

Han Xiao: Even If I'm Enemies With The World

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1190: Han Xiao: Even If I'm Enemies With The World

Pagkatapos umalis ng Regal Riveria Hotel, naglakad si Han Xiao kung saan naroon ang pinakamalaking mausoleum parks sa Imperial, ang Imperial Qianshan.

'Di malaman kung dahil ba nakita niya ang mga dati niyang disenyo sa bahay ni Ning XI kayat 'di maiwasan ng isip niya na alalahanin ang matagal na panahon sa nakaraan. Nakalimutan na nga niya kung kailan niya huling inalala ang nangyari noong mga nakaraang taon.

Pitong taon na ang nakalilipas, sa kalaliman ng mga bundok, nakapaligid ang mga patay na puno at maririnig ang mga atungal ng mababangis na mga hayop, pero mabilis itong napalitan ng mga pagputok ng baril.

Sa unahan, may ilang mga taong tila nakayakap sa mga lantang puno at kung titignan nang malapitan, pinagbabaril sila na parang salaang maraming butas. Isang makisig na lalaki ang biglang tumakbo at bahagyang umangat sa hangin ang mga tuyong dahon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com