webnovel

Gatecrashed a Tycoons’ Party?

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 121: Gatecrashed a Tycoons' Party?

"May babae ba naman kasi sa bansang 'to na ayaw maikama si Lu Tingxiao?" sagot ni Ning Xi.

"Well, lahat din naman ng babae sa bansa gusto akong ikama ah, ikaw lang may ayaw!" sabi ni Jiang Muye.

Tumaas na ang boses ni Ning Xi bago nakasagot ulit, "Pa'no mo namang nasabing ayaw ko?"

Nagulat si Jiang Muye at biglang namula ang mga tenga niya.

Sa sumunod na saglit natawa na lang nang malakas si Ning Xi.

Napagtanto ni Jiang Muye na naisahan nanaman siya kaya nagalit ito. "Ning Xi! Tama na! 'Di pa 'ko tapos sa'yo!"

Kung 'di lang dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila, baka tuluyan niya nang nasigawan si Ning Xi.

Napansin din ni Ning Xi na nasagad na niya ang pasensya ni Jiang Muye, kaya ikinumpas lang niya ang kamay niya bago tumakbo papuntang restroom.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com