webnovel

Bloodbath

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1528: Masaker

Pinalibutan ng isang grupo na nakaitim ang kwarto.

"Sino kayo para istorbohin ako?! Maghanda kayo!" sabi ng lalaki na parang lider. Mukhang lasing siya.

Pagkatapos niya sabihin ito, tinutukan siya ng baril sa noo. "Sumuko ka samin, kundi mamamatay ka."

"Ikaw… Sino kayo? Kilala niyo ba ako? Ako ang boss ng White Tiger Section ng Qing Xuang Gang. Ako…"

Umalingawngaw ang putok ng baril. Naiwan ang madugong butas sa noo ng lalaki at nahulog siya sa sahig. May silencer ang baril, kaya medyo natakpan ang tunog nito pero sapat ang pwersa nito para mamutla ang lahat ng nasa loob.

"M-May namatay…"

"Boss!"

"Nako! Pinatay nila si Wang Hu!"

… 

"May reklamo ba?" Tiningnan nang masama ang mamamatay-taong nakaitim ang lahat ng nasa kwarto.

Walang nagsalita.

Inekis ng isa pang nakaitim ang nakasulat na "White Tiger Section" sa isang papel...

"Next."

… 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com