Chapter 380: Malas o Swerteng Bituin?
"Xueluo, bakit mo siya sinisisi, walang ginawang masama si Xiao Ling!" Si Zhuang Lingyu ay hinila ang kamay ng kanyang anak at tumingin sa namumutla nitong maliit na mukha, ang kanyang puso kumikirot. " Hindi ako makapaniwalang may ganitong mangyayari, nagdusa ka talaga!" Si Ning Xueluo ay nagpakita ng mukhang puno ng pagtitiis at pagkahina at sinabi, " Nanay, hindi ko naramdaman na ako ay nagdusa. Hindi ko naman talaga iniintindi ang nangyari ngayong gabi. Hangga't si Bro Yan ay taos pusong mabait sa akin, wala akong pakielam sa ugali ng ibang tao at kung paano nila ako nakikita. Mahal ko talaga si Bro Yan, at hindi ko siya ginagamit na bagay lamang para ipagyabang! Si Ate lamang...kung paano siya umakto ngayong gabi...ay talagang pinalungkot ako...Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako kailangang tratuhin na ganito…"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com