6 Ang Sparkling Golden Prince

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 6: Ang Sparkling Golden Prince

"President Lu, itong…" nauutal ang may-ari ng bar at sinubukang magpaliwanag ngunit 'di rin niya naiintindihan ang nangyayari at kung paano umabot sa ganito ang sitwasyon.

Tiningnan lang ng masama ni Lu Tingxiao ang kahina-hinalang babaeng manager. Tapos nakita niya ang hagdan na nakatabi sa skylight sa kisame, sakto lang para sa isang bata ang butas. May hula na siya kung ano ang nangyari.

Pinaalis niya ang lahat bago lumakad sa loob at binuhat ang babae.

Sa kanyang mga braso, bumalik ang banayad at preskong bango at lalo pa itong naging tiyak.

Nakita ni Little Treasure ang pagbuhat ni Lu Tingxiao sa babae, pero parang labag sa kalooban niya ang nangyari. Para bang gustong sabihin ng bata na kung 'di lang siya maliit masyado para buhatin ang babae ay siya na ang gumawa.

Sa First People's Republic Hospital sa B City.

Umaga na nang magising si Ning Xi.

Pagmulat ng mata niya, may nakita siyang lalaking nakaupo sa silya malapit sa bintana.

Kaswal lang na magka-krus ang mahahabang binti ng lalaki. Nakasuot ng slim-fitting na suit kaya't nabigyang-diin ang malapad nitong mga balikat at maliit na bewang. Nakabutones hanggang sa kwelyo ang puting polo nito. Matindi ang sikat ng araw sa kanya pero parang matinding lamig ang pumapaligid sa kanya. Mukha tuloy siyang isang ancient emperor sa kalmado at malamig niyang pagkilos – para siyang estatwa.

Napansin ng lalaki na nakatitig siya at tumingin din ito nang malalim sa mga mata niya. Maginaw ang pagtitig ng lalaki na parang tumatagos sa kanya.

Parang nanghihimaosk ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Pakiramdam ni Ning Xi ay may surgery knife na nag-dadissect sa kanya sa mga maliliit na piraso - nakakapanginig ng buto.

'Di nagpatalo si Ning Xi at nakipagtitigan rin, 'di siya papayag na matalo siya ng lalaking 'to at ng nakakailang nitong pagtitig. Mataray niya tuloy itong tinanong, "Sir, kung pwedeng malaman, pa'no ho ako nakarating dito? May nakita po ba kayong batang lalaki? Nasa four to five years old, 'di nagsasalita tapos maputi at malambot pero medyo dull.

Dull…

Napataas ang kilay ng lalaki sa pagkakalarawan ng babae at lumingon sa kanan, nakakapanlamig ang boses niya tulad ng pustura niya. "Si Little Treasure ba ang tinutukoy mo?"

Sinundan ni Ning Xi ang tinitignan ng lalaki at nakita ang pamilyar na batang sioapao na nakahiga sa maliit na kamang nasa tabi niya.

"Tama! Siya nga 'yan! Little Treasure ang pangalan niya?"

Nakahinga ng maluwag si Ning Xi at inabot ang noo ni Little Treasure para kapain. Nawala na ang lagnat nito.

Kahapon ay medyo nagsisi siya na hayaan ang batang makalabas. Musmos pa kasi at may lagnat sa isang magulong lugar tulad ng bar, ano na lang ang gagawin niya kung may nangyari sa bata?

Napabaling muli si Ning Xi sa estatwa. "Ikaw ba ang…?"

Pagkasabing pagkasabi, naisip niya ring 'di na niya kailangang itanong.

Mukhang pinagbiyak na bunga ang lalaki at ang bata. Halata namang mag-ama sila.

Sumagot pa rin ang estatwa, "Tatay."

"Hi magandang binibini, buti gising ka na. Ako nga pala ang tito ni Little Treasure."

Biglaang may malaking mukhang papalapit sa kanya na halos mapaatras siya nang makita ang mukha ng lalaki at napatigil. "Lu… Lu Jingli?"

Siya ang second prince ng Lu Corporation – kilala ring boss ng Glory World Entertainment. Pero maliban sa kagwapuhan at kung anu-anong titulo, isa siyang playboy. Mas marami pa atang eskandalo sa media 'tong lalaking 'to kaysa sa mga celebrity at artista.

Hindi magkakamali si Ning Xi sa pagkilala sa mukha niya.

Kung tatay ni Little Treasure ang estatwa, at si Lu Jingli ang tito ni Little Treasure…

Ibig sabihin, kuya ni Lu Jingli ang estatwa na nagngangalang Lu Tingxiao?

God of Fortune kung tawagin sa Jing City si Lu Tingxiao. Halos hari na nga siya, wala lang korona.

Sino namang mag-aakalang 'yung batang iniligtas ni Ning Xi ay ang mysterious illegitimate son ni Lu Tingxiao, ang sparkling golden prince...

avataravatar
Next chapter