webnovel

An Unexpected Ending

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 401: Ang 'Di Inaasahang Pagtatapos

Hinayaan ni Ning Xi ang sarili na mapangiti habang maingat na pinapagpag ang alikabok sa damit. Tsk, ngayon kailangan niya itong labhan dahil sa dumi ng mga kamay nila...

Regalo ito ng kanyang boss!

Paano niya ito mabibigay kay Su Yimo bilang kabayaran?

Kailangan niya pa rin itong bayaran kahit mawala ito sa kanya.

Nang umalis si Su Yimo, nagsimula ang mga bulung-bulungan mula sa mga taong nanonood sa kanila...

"Uh, 'yun na ba?"

"Alam ko nang mangyayari 'to noong una..pero hindi ko inasahan na ganito magtatapos…"

"At akalain mo 'yun, sa huli kailangan lang umuwi ni Ning Xi, sagutin sila, tapos okay na. Wala na siyang babayaran…"

"Oo nga!"

...

Nang magsialisan ang mga tao, bumalik si Bai Lu sa kanyang isip, at balisang lumapit kay Ning Xi, "Ning Xi…"

"Hmm? Sis Bai Lu!" Maayos na tiniklop ni Ning Xi ang nightgown saka isinilid sa kanyang bag.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com