79 Adorable Bunny Ears

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 79: Adorable Bunny Ears

Pagtapos ng trabaho, nakahanap ng pagkakataon si Jia Qinqing na gumawa ng hakbang. Ang maganda pa nito, wala si Ning Xi, kaya nahihiya niyang nilapitan si Jiang Muye. "Kuya Muye, sa'nn tayo kakain? Kung sa Rivers Hotel kaya para may seafood? Member si daddy dun, pwede natin gamitin yung VIP room!"

Nag-inat lang si Jiang Muye na parang walang sigla "Forget it, 'di ako sasama, masyado akong napagod ngayon!"

Nag-alala si Jia Qingqing nang marinig ito. "Ah? Pero first day mo sa set, dapat mag-celebrate tayo kahit ano'ng mangyari!"

Nandilim nang bahagya ang mukha ni Jiang Muye. "Sino bang may gawa ng rule na dapat magcelebrate with a meal kapag first day? Kung gusto mong kumain, pumunta ka mag-isa mo!"

Sa totoo lang, alam ng lahat in private na may kainitan ang ulo ni Jiang Muye.

Kung nasa good mood siya, magiging good-natured siya. Kung bad mood naman siya edi…

Halatang bad mood nga siya ngayon.

Nagulat sa pagsagot ni Jiang Miye, namula ang mga mata ni Jia Qingqing. "Akala ko lang kasi 'yun 'yung tamang gawin. Kuya Muye, pa'no mo nagawang sabihin yan…"

Sino ba yang Kuya Muye mo?

Naiinis na si Jiang Muye at sasabog na sa galit. Napansin ni Guo Qisheng mula sa tabi na masama na ang takbo ng sitwasyon at namagitan siya bigla. "Siguro sa ibang araw na lang. Mukhang napagod talaga si Muye ngayon eh. Dapat pinagpahinga ko muna siya kanina para maging pamilyar sa environment ngayong first day, sino'ng mag-aakalang ang dami pala natin ginawang scenes ngayon. Everyone! Maaga na lang tayong umuwi ngayon para makapahinga, 'di naman tayo nagmamadali na magkaroon ng dinner party!"

"Alright…" nag-aalangan pero tumango rin si Jia Qingqing dahil nabigyan na siya ng pagkakataong makaiwas sa gulo. Pero sa panahong 'yun, lalong namuo ang galit niya kay Ning Xi. Kasalanan ni Ning Xi dahil masyado niyang inubos ang oras ni Kuya Muye kaya napagod ito at ni ayaw nang kumain!

Napayuko na lang si Jia Qingqing at pasikretong nag-browse ng mga pictures sa cellphone niya bago ngumiti nang masama.

'Maghintay ka lang Ning Xi, tignan natin! Magbabayad ka!'

Sa Lu residence.

"Andito na 'ko, darling!" nang makauwi si Ning Xi, napawi ang lahat ng pagod niya mula sa buong araw na 'yun.

Nang marinig ang boses ni Ning Xi, kaagad namang tumakbo si Little Treasure papunta sa kanya at may hawak na baso ng malamig na fruit juice.

"Aw ang sweet mo talaga, darling! Love you!" kinuha ni Ning Xi ang inumin at nilagok nang isang inuman. At masaya niyang sinabing, "Halika, bibihisan ka ni tita nang maganda kasi kakain tayo ng hot pot mamaya!"

Dati agad siyang tumatakbo papunta sa attic tuwing sasabihang aalis sila, pero ngayon masunuring pumayag ang munting siopao na dalhin siya ni Ning Xi sa kwarto.

Sa kwarto, pinabayaan niya si Ning Xi na bihisan siya ng iba't ibang outfit.

"Ang plain naman nito, ito naman ang dull, ito parang walang imagination… my god! Sino'ng bumili nito? Ano ba namang taste yan! 'Di ko na pala kailangan itanong, for sure, si daddy mo 'yun! Nalimutan niya bang five years old ka lang at hindi 35?"

Habang hinahamak ni Ning Xi si Lu Tingxiao, ipinagpatuloy niya ang pagkakalkal hanggang may nahanap siya sa ilalim ng cabinet, may nakita rin siyang magandang outfit. "Wow! Ang cute naman nito!"

Nakakita si Ning Xi ng puting short-sleeved shirt na may dalawang mahabang bunny ears sa hoodat may kapares ding jumper na may malaking bulsa sa harap parang ka Doraemon.

"Itong style na 'to, mukhang si Tito Lu Jingli mo ang bumili nito! At least mapagkakatiwalaan naman siya sa ganito, dapat talaga cute at masigla ang mga pambatang suot!" kuntento si Ning Xi sa nakita at napatango bago nagtanong, "Kumusta, darling? gusto mo ba 'to? Kung hindi, maghahanap pa si tita ng iba."

'Di nalilimutan ni Ning Xi na tanungin pa rin ang opinyon ni Little Treasure kahit na lagi naman 'tong sumasang-ayon sa kanya.

Syempre, tumango lang ang munting siopao nang walang alinlangan.

Kaya masayang binihisan ni Ning Xi si Little Treasure.

avataravatar
Next chapter