webnovel

A Deeper Kiss

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 246: Mas malalim na halik

Tinitigan ni Ning Xi at pinandilata ng mata ang singsing na nasa plato, kasing laki ng bumbilya ang mga mata niya at bakas sa mukha niya ang matinding gulat.

F*ck me!!!

Ning! Xi! 'Yang! Bunganga! Mo! Talaga!

Tama pala ang hula niya…

Naging maingat siya sa paligid ni Lu Tingxiao buong oras! Sa isip-isip niya, inaasahan niyang isang enggrande at matalinong plano ang meron ang Big Demon King sa pagkuha sa isang babae at mahirap bantayan. Pa'no nga naman niya aasahan ang isang…isang napaka-makalumang paraan!

Pero sa huli, imposible pa ring mapaghandaan niya.

Sinadya ba ng Big Demon King na kumilos sa kabaligtaran ng karaniwan niyang ginagawa?

Sa oras na 'to, ang pinagsisisihan ni Ning Xi ay bakit 'di na lang niya nilunok 'yung singsing para sirain ang ebidensya…

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com