webnovel

Her Heartache

I was doing good already, I have a life. I have friends and family. I have a good job. I am happy when suddenly things happen that would bring me back from the past. The pain, the tears, the heartaches all came to me at once when I saw him. I laughed sarcastically at myself. Really self? That's the impact of the guy who broke your heart? Hearing him speak already weakens your knees? Guard your heart, I remind myself. You gifted him your heart before and what he did? He crushed it in front of you and in front of everybody else. Don't fall for him again.

xxmrsleexx · Teen
Not enough ratings
5 Chs

Chapter Three

Chapter 3

Bella's POV

Hays. Eto ako ngayon nakapangalumbaba tapos nakatulala. Katunayan oras ng trabaho ngayon pero lahat ng binigay na gawain samin for today eh tapos ko na. Napakabagal rin ng oras! Kanina pa ako atat na atat mag lunch, eh pano kasi yung mga alaga ko sa tiyan nag aalburoto na.

Naalala ko naman bigla yung tawag niya kaninang madaling araw. What's that for? Why bother calling at midnight? He used to do it when we are still in a relationship. But now we're not.

He was my first love and unfortunately my first heartbreak too.  I never had any serious relationship before and after our break up.

I did love him very much. You know, the idea of first love, first kiss, first date, the kilig you get just by simply being with someone you love, he was the first one to made me feel those things. And it was great. Especially were just starting our relationship where everything is nice and sweet.

But love at a young age is love that is still immature. And when you are bith immature things happen that is beyond your control. Emotions over rationality. In our case emotions overwhelmed us.

The foundation of a good relationship which are faith, trust, and communication are not there. Maybe that's why we didn't work out. But still, it hurts a lot big time. And lot of regrets too.

Araw-araw akong walang ganang kumain noon, mukhang tangang nakatulala at umiiyak nung naghiwalay kami. Gabi-gabi din akong umiiyak, iniisip kung anong maaring nangyari kung pinakinggan lamang ako nito noon.

Hanggang sa nabalitaan ko na nga lang na pumunta na si Clyde sa Korea. Para dun na manirahan.

Ako naman nangibang bansa din sinama ko si Carla pinayagan naman sya ng parents nya. Sila Mama't Papa ang gumastos para sa mga ticket namin papunta sa Amerika. Doon namin ipinagpatuloy yung pag-aaral namin at doon rin kami nakapagtapos sa Stranford University.

Nung nalaman din ng pamilya ko yung mga nangyari saamin halos isumpa nila sa impyerno si Clyde sa sobrang galit. Ni hindi pa nga nila ito nakikilala ay nag break na agad kami. Well, hindi ko naman inexpect na yung first na taong minahal ko ay magiging first heartbreak ko rin pala kinalaunan. Kung alam ko lang edi sana nung umpisa pa lang di ko na siya sinagot.

Pero makalipas ang mahigit apat na taon bigla-bigla na lang itong magpapakita at guguluhin ang sistema ko.

Nagulat na lang ako ng may kamay na  dumampi sa noo ko. Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harap ko ngayon dahil di pa nag sisink in sa utak ko ang mga nangyayari.

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya.

Teka..

CLYDE..

Si CLYDE?!

"H-ha? A-ano? A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong dahil di ko malaman ang sasabihin ko.

"I'm doing my rounds. And sadly, a worker is not working and her mind is somewhere else. " napa ngiti na lang ako ng pilit at pinigil ang sarili kong tumaray ang mga mata ko. Obviously he was talking about me.

"I'm sorry Sir." I simply said and set my eyes on my computer.

But then he put his hand again on my forehead.

Pinalis ko ito at medyo naiirita na ko.

"What?!" medyo inis kong sabi rito.

Lumingon ako sa paligid at tama nga ang hinala ko ang mga chismosa kong workmates nakiki osyoso sa amin buti na lang may kaniya-kaniya kaming table kaya hindi gaanong naririnig ang pag-uusap namin ni Clyde.

"Marami pa po akong gagawin. And I have no time to talk to you. And please umalis ka na bago pa may kumalat na chismis dahil sa mga makakating dila sa paligid." sabi ko rito pero binalewala lang nito ang sinabi ko at hinila ako patayo.

"Ano ba!" sigaw ko sakanya. Napahinto naman ito at hinarap ako. Napaisip naman ko sa ginawa ko kaya tumingin ako sa mga kasama kong kanina pa nakatingin sa amin at nag bubulungan na ang mga ito.

Napatungo na lang ako at napapikit ng mariin. Gusto ko mang sila sigawan at sabihing anong tinitingin nyo dyan?! pero di ko naman magawa.

"Everybody, go back to your work!" malakas at may awtoridad na sabi ni Clyde. Nag si balikan naman sila lahat. Maski ako nagulat sa paraan ng pagkakasalita nito.

"Inuutusan mo yung BOSS mo?!" bulong ngunit madiing sabi ni Clyde saakin. Idiin nya talaga yung word na BOSS! Inirapan ko na lang ito tapos nag smirk lang sya at nag patuloy na sa pag haltak sakin.

Nagtungo kami sa isang exclusive na restaurant. Hindi ko alam kung saan ito pero medyo malayo sa opisina which is good thing na rin dahil walang empleyadong makakakita saamin.

As if naman walang nakakita sainyo na haltak haltak ka niya palabas ng kumpanya.

Sigaw ng utak niya.

Tahimik lang itong nag order ng pagkain ganoon din ako. Hanggang sa kumakain na kami wala pa ring nagsasalita sa amin. Wala akong balak magsalita bahala siya sa buhay niya. Hinaltak niya ko dito peeo di ko sinabing kakausapin ko siya.

"Bella."

"Bell.." ulit nito.

"What?" pabalang kong sagot dito. Umismid naman ito.

"Yes?" sabi ko sa pormal na tono.

"How are you?" casual na tanong nito.

"What's with the question? Of course I'm doing alright." nakakunot noo kong sabi rito. Hindi ko alam bat naiinis ako sa mga tanong niya. Nakakainis wala na ba siyang sasabihing maganda?

Nakatingin lang ito sakin matapos kong sumagot at pilit ngumiti at saka huminga ng malalim.

"Can I ask about our past?" nananantiyang tanong nito.

What the heck.

"Definitely not. And what past? We have nothing to talk about, come on. Grow up. We were so young back then and things like what happened to us, happens to other people too. So no need. I'm good, you too. We're fine. Stop bringing about that past, whatever it is." medyo di ko na napigil kumawala ang inis sa boses ko. I don't really know why he's getting into my nerves. How could he asked so casually?

It fucking hurts before. He knows I am so in love with him, did he really think wala lang sa akin ang nangyari non?

"I'm sorry." he simply said ng nakayuko.

"Sorry for what?" natatawa kong sabi. At napatingin naman ito sakin.

"Oh sorry. You've done things and I don't know what you are sorry for." dagdag ko at tinuloy na ang pagkain ko.

"Bell, come on. I just want to clear the air between us. I want us to have a closure regarding what happened. Because whether or not it affects you, it matters to me." serysong sabi nito.

And oh. Closure. That's what all he needs. A closure.

Did I actually expect something else? What the heck.

"Oh closure. Alright. Allow me to say this for our closure. If you trusted me, hindi sana tayo naghiwalay, sana naging masaya tayo and we spent more years together but I think we will still break up soon because were not meant for each other. " casual lang ang pagkakasabi ko habang nakatingin sa mata niya.

Bakit may kirot pa rin sa dibdib ko? Bakit sa mga sinabi ko parang para sa akin din lahat yon?

Napayuko ito.

"Bella please, be nice to me." napangiti ako ng mapakla. Be nice to him?

"I'm being nice to you. That's the closure you want. Of course we cannot have closure if I can't tell you what's on my mind regarding this matter right? Sabi ko naman kasi sayo eh, wag na natin pag-usapan. "

"No, you're rude. " giit nito. Napa pikit ako ng ilang beses dahil nakikita ko sa mga mata nito na nasasaktan ito. Kahit ngayon lang plese, ayokong maging mabait, ayokong maawa.

"Really? Well maybe I cannot really be nice to you because you became so rude to me before." I answered. Saglit itong natigilan ngunit bago pa ito magsalita ay inunahan ko na ito.

"I lost my appetite. Kailangan ko ng umalis. And don't you dare na sumunod pa sa akin. This is where we end. We have no relation other than the relationship of a boss and an employee. " malamig kong saad. Tumayo na ako at lumabas ng restaurant. Agad kong pinara ang taxi na nakita ko.

I am proud of myself. Nakaya ko siyang talikuran.