Ang buhay ay parang apoy. Kapag maliit, madaling patayin. Kapag malaki, mahirap patayin. Pero hindi gan’on ang tunay na buhay—dahil kahit maliit ka man o malaki, madali ka pa ring patayin. Hindi natin pagmamay-ari ang buhay na meron tayo ngayon pero sadyang may mga taong handang wakasan ang kanilang buhay para sa inaasam-asam na kapayapaan sa sakit na nararamdaman. Meron namang binawian ng buhay na hindi naman nila ginusto, lalo’t na ang pagkitil ng isang buhay na hindi mo naman pagmamay-ari. May mga taong gusto mabuhay, pero hindi nabigyan ng pag-asang mabuhay. Alam nating lahat na ikaw at ako ay magkaiba. Dahil tayo ay ginawa ayon sa gusto ng Diyos, ngunit tatanggapin mo ba ang buhay na hindi naman dapat sa ‘yo? O pababayaan mo na lang dahil hindi mo ito gusto at pagmamay-ari? O gagamitin mo ito para sa iyong paghihiganti? Isang araw na akong walang tulog dahil sa mga pangungutya ng mga kaklase, guro, at mga tinuring kong totoong kaibigan. Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin pa. Yesterday, my friends told me to do the dare. Sabi nila, katuwaan lang. I don’t know kung bakit ko ginawa ang katangahang bagay na ‘yon. “Hara, you must do the dare. I promise, he truly likes you.” Nahihiya akong gawin ang dare kasi malalaman nila na meron pala akong tinatagong nararamdaman sa isa sa mga gwapong, magaling, at babaerong sikat na MVP Basketball player sa Cor Jesu College. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya na, everytime mo sya na makikita ay ngumingiti siya ‘tapos dagdag mo pa ‘yong mapupula niyang labi at ‘yong thick eyebrows niya. “Okay, I’ll do the dare, but make sure na hindi ‘to malalaman ng iba.” Sila ‘yong mga babaeng grupo sa school namin na nagkaisa para takutin ang mga babae at bakla sa school namin na ‘wag lalapitan o kausapin ang kanilang prinsipe raw. Nakita ko si JM sa labas ng room namin kung saan siya lang mag-isang nakaupo sa isang white plastic chair habang hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Nasa harap ko na siya pero ang mga kamay, paa, at katawan ko ay parang ayaw nang humakbang papalapit sa kaniya pati na ‘yong anino ko gusto nang umurong. “Sige na, Hara!” boses ni Christian sa likod ko na nagtatago sa may pintuan ng room namin. Lumingon ako at sininyahasan ko na gagawin ko na ang dare nila. “JM, ahm… ano k-kasi,” nauutal ako. Hind ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Ang mga bibig koy tila parang may nakadikit na glue na parang ayaw na nitong bumuka. Subalit, nilakasan ko ang aking loob upang matapos na ito. “Bakit, Hara?” tanong ni JM, kita sa mukha niya ang pagkalito sa kilos ko. “Dare lang ‘to, huh. Sana ‘wag mong masamain. Can I kiss you?” Hindi ko namalayan—ang pinkish, smooth, at nakakaakit na labi ni JM ay nakadampi na pala sa inosente kong labi. Saglit akong natigilan. His lips... were on mine. Para akong kidlat na tinamaan sa kalmadong gabi—walang babala, walang panahon para umiwas. Ang patak ng ulan ay tila pluma ng tadhana, dahan-dahang sumusulat ng eksenang hindi ko kailanman inasahan. Sa bawat segundo, parang umiikot ang mundo nang mas mabilis—para akong nasa Ferris wheel na nawalan ng kontrol, lumulutang sa pagitan ng takot at pagkamangha. Ang lamig ng paligid ay unti-unting natunaw sa init na hindi ko maipaliwanag, parang apoy na biglang sumiklab sa gitna ng bagyo. I was barely clothed—what I had on was torn to shreds. That’s the only way I could describe myself when they found my body behind the abandoned school comfort room. Makalipas ang ilang taon, tuluyan nang naglaho ang usapan tungkol sa pagkamatay ko. Wala nang balita, wala nang tanong. Siguro’y pinasara na ang kaso dahil wala silang ebidensiyang nakuha, at wala ring makapagsabi kung sino ang pumatay sa akin. Ang lumabas na lang sa balita: suicide. Dahil daw nalulong ako sa droga. Dahil daw sa stress—sa school, sa bahay. But now I’m back… And they’ll pay… For treating me like some toy—something to break, to use, to discard when they were done.
coming soon