Naked under this sheet, mas inilapit ko pa ang sarili ko kay Siggy habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa paglalaro sa aking buhok. Ako naman ay nakatingin lang sa maamo niyang mukha.
"May gagawin ka mamaya?" I asked out of nowhere.
Naagaw ko ang atensiyon niya kaya napatigil siya sa ginagawa at salubong ang kilay na napatingin sa akin.
"May aasikasuhin kami ni Jaka mamaya. Isasama sana kita. Why?"
Umiwas ako ng tingin at napanguso dahil sa sinabi niya.
"Hmm, puwedeng hindi muna ako sumama? May birthday gig kasi ang Mikaneko mamaya. Mikan invited us to be there kaya pupunta sana ako?"
I always ask permission kay Siggy kung may pupuntahan ako. Lahat naman ng lakad ko ay pinapayagan niya. Minsan nga inihahatid niya pa ako pero never niya akong nasamahan, hanggang hatid lang talaga. And vice versa.
He is that supportive with me na kahit walang nakakakita sa amin sa public ay okay lang. Pareho kami ng prinsipyo sa buhay. Pareho naming gusto ang privacy ng aming relationship. Pareho naming gusto na kapag magkasama kaming dalawa, dapat kaming dalawa lang talaga. Kung me time ay me time. Kung babe time ay babe time. Kung friends time ay friends time lang. We set each other's boundaries.
"Sige, ikaw bahala."
Napangiti ako sa sinagot niya at more relax na ako ngayon. Umiwas na rin ako ng tingin at tinanaw na lang ang madilim pa rin na kalangitan. Madaling araw na at katatapos lang namin sa alam mo na.
"Dito ka ba matutulog mamaya pag-uwi mo?"
"Hmm… subukan ko."
"Sabihan mo lang ako kung dito, ha? Baka kasi gabihin kami. Diretso na kasi kami sa Katipunan after ng class. At saka don't worry about me, ihahatid ako nina Nigel pag-uwi."
"Okay. Just text me kung uuwi ka na."
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya and silently thank heavens for giving me this kind of boyfriend. Hindi possessive, super supportive pa. Ang laki talaga ng trust namin sa isa't-isa. Kahit na alam kung mala-diyos ang mukha nitong boyfie ko pero I trust him that much na hindi naman siya papatol sa iba. Grabe, aayawan niya pa ba ang ganitong klaseng mukha? Ganitong klaseng katawan? Ganitong klaseng babae? He's a catch. But I'm also a catch. Sandreanna Millicent lang malakas!
I woke up late. Putol-putol ang naging tulog ko kasi nagising ako kanina nang magpaalam si Siggy na aalis na for his class. Since one PM pa naman ang class ko, nanatili akong nahiga at binawi ang walang tulog kong magdamag. Hindi na lang muna ako nagpahatid since Friday ngayon at during MWF, it's understandable na hindi matchy-matchy ang schedule namin.
As I was preparing for my class, nagpi-prepare na lang din ako para sa susuotin ko mamaya since diretso na nga kami after ng class. Sinuot ko 'yong black band shirt ng Mikaneko. Ito 'yong official merch nila. Bigay lang din 'to ni Mikan, 'wag kang ano. M-in-atchy ko na lang ng boyfriend jeans at sneakers. Ragged sling bag galing Baguio lang ang ginamit ko. Not the usual type of Sandreanna but I look like a fanatic of indie bands. Nagsuot na rin ako ng choker para perfect na ang get-up ko.
"You look good in any dresses, Sandreanna," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa full-length mirror ng penthouse.
Nag-perfume lang ako and I'm good to go. Nag-commute na rin ako papuntang school.
The usual afternoon classes went on. It went as usual, seems normal.
Pero habang naglalakad sa open field ng campus, may mga naririnig akong usap-usapan na kumakalat around the campus. While nagpapahinga with my friends, I took that chance to ask them about the commotion that's roaming around the area.
"Are they that excited para sa Inuman Session ng Mikaneko mamaya?"
I really thought so na dahil sa exclusive and special gig ng Mikaneko ang naging usapan nilang lahat. 'Yon din kasi ang usap-usapan sa social media ngayon.
"I think it's not. I heard from the other block 'yong tungkol sa Battle of the DJs na magaganap mamaya sa may Katipunan din," biglang sabi naman ni Georgia.
"Battle of the DJs? Ano 'yon? 'Yong para sa radio-radio na 'yan? 'Yong announcer sa radio ganoon?"
"Hoy, girl! Sa'n bukid ka galing? DJ! As in disc jockey! 'Yong nagganoon-ganoon sa mga records sa isang nightclub."
"Gaga, Georgia! Tama naman kasi si Sandi. Tama ka rin naman. Pero tama 'yong explanation ni Georgia sa DJs na involve sa Battle of the DJs," back-up na explanation ni Tim na sinabayan niya pa ng pamababatok sa kawawang si Georgia.
"Pasensiya na woy. Probinsiyana kasi ako, 'no? At saka, DJs? Enlighten me nga? Anong ganap d'yan?"
Salitan sila pag-i-explain sa akin kung ano 'yong Battle of the DJs na usapan na rin sa buong campus. Isa itong prestigious competition ng isang sikat na brand ng beer. Different people from different genders, ages, social eras, and schools ay magpapasiklaban sa mga mixes nila at kung anu-ano pang pinagsasabi nila kanina. Basta ang naintindihan ko lang ay may sumali raw na galing sa campus namin kaya naging matunog din ang competition na iyon. Hindi ko nga lang kilala kung sino. Maybe from other college department.
I am not fond with it kaya pinilit ko na lang na pakinggan ang naging explanation nila sa akin. I am not a fan of party music kasi kaya hindi ako ganoon ka interesado. I've been to some party na ganiyan pero nawawalan agad ako ng interes, e.
Sa huli, tumango na lang ako at sh-in-ift ang topic sa pupuntahan naming Inuman Session mamaya.
Hours went by and now we're here sa Route 196. Hindi pa dumadating ang Mikaneko pero punuan na ang place. Ang setting ng stage ay parang nasa kalye lang. Sa likuran ng mga instruments na gagamitin ng banda ay may sari-sari store at may isang lamesa na nakalagay sa tapat ng tindahan. May mga beer at pulutan din na nakalatag sa lamesa. May mga banderitas na animo'y may pista sa kalyeng iyon. May mga upuan din katabi naman ng mga instruments. May mga gulong pa na nakakalat sa sahig. The back draft was the tall buildings of Manila.
Parang tambayan lang ng isang banda na nagsisimula pa lang at tumutugtog lang malapit sa mga tindahan at kasama ang mga tambay. It feels like home. Napaka-comfortable ng ambiance. Maski nga kami na audience ay nakapanood.
At since marami na ang nandito nang makarating kami, pumuwesto na lang kami sa may gilid, tagong part na ng bar, pero malapit naman sa stage. Six hundred pesos ang bayad sa ticket ng Inuman Session na ito at special gig din ito para sa mga fans talaga ng Mikaneko dahil birthday ni Mikan ngayon. Hindi pa nga ako naka-greet kasi gusto kong personal na batiin siya mamaya. Babatiin ko rin siya mamaya sa social media kapag nakasalang na sila sa stage. Gagamitin ko 'yong picture na p-in-ost niya last January one, 'yong candid photo naming dalawa na c-in-aption-an niya ng "Millie."
Naging usapan nang panandalian ang picture naming iyon lalo na't na tag niya pa ako. Dumami rin ang naging followers ko nang dahil sa kaniya. Pero he cleared in the comment section na mag-bestfriend lang kaming dalawa kaya natahimik din naman agad ang panandaliang issue. Kaya ngayon, halos alam na ng mga fans niya na ako ang magiting niyang bestfriend. Instant sikat si Sandreanna nang dahil kay Mikan.
May nakakakilala na nga rin sa akin nang makarating kami sa bar, e. But I like them kasi they kept their cool. Hindi pareho no'ng nakasalubong ko sa mall no'ng nakaraan, talagang nagpa-picture pa at sinabing sabihin ko raw kay Mikan ang pangalan niya. Aba't antipatika! Ano ako, messenger? Siyempre, hindi ko ginawa 'no. Hindi na rin naman kami nagkita ni Mikan.
After minutes of waiting and while indulging ourselves with the free drinks from one of their sponsors ay dumating na sa wakas ang members ng Mikaneko. They were acknowledged. Pero walang formal na intro, pagkarating nila, agad din silang sumampa sa stage at binati ang lahat ng dumalo sa Inuman Session na ito.
Pareho kami ng suot ni Mikan ngayon. The other members of the band wore the different style naman of their merch.
Walang paligoy-ligoy, matapos batiin ni Mikan ang lahat ng magandang gabi, agad ding sinimulan ang first set nila. Una nilang pinatugtog ang Tama.
Kalmado ang lahat. Kahit ang sarap makipagrakrakan sa kanta nilang Tama, nanatiling chill ang lahat. Matapos naman ang unang kanta nila, nakipagtagayan pa si Mikan sa lahat. While holding our own glasses and bottles, we animated a cheers with him then he hitted their next song: Can't Stand.
Lahat ng songs nila sa first studio album nila ay naka-set sa playlist nila. And some songs from their second album ay iparirinig na nila sa fans. Hindi nga lang alam kung ano 'yong una at huling ipatutugtog.
It was a night full of beers, laughters, stories, and music. Humorous din naman si Mikan kaya he entertained well their fans. Salitan din sila minsan ng ibang members na magsalita. But over-all, ang galing niyang makipag-interact sa mga fans nila. Animo'y mga kaibigan lang nila ito. He is indeed the little brother of Teagan Verm Osmeña.
Nasa-second to the last set na sila. It was my cue to got up of my seat and puntahan ang improvised back stage nila.
Isa ito sa mga pakulong s-in-uggest ko para sa surprise birthday nila kay Mikan. The original plan is ipatitigil muna ang song at babatiin si Mikan ng birthday song na may kasamang cakes, balloons, and other gifts. But Nesto interrupted the plan and suggested na bakit hindi raw mag-act out kami na may portion sila na request-request ng song. Tapos may magri-request daw ng isa na isang duet song between a girl and a boy. Kakanta raw ako out of nowhere. Then after no'ng song, doon na papasok ang surprise plan ko. That's it.
Nesto, Auwi, and Koko executed the plan. Ako naman ay nag-prepare na sa back stage. Hawak ko na 'yong mic na para sa akin at naghihintay na lang matapos ang iilang unnecessary conversation nila sa gitna.
Mikan's busy with the crowd kaya hindi niya sigurong napansin na nandito na ako malapit sa kaniya.
Succesful ang naging execution nila sa request-request part. May isang 'kasabwat' na nag-request ng isang kanta na legendary sa mundo ng OPM.
Kinanta na niya ang part ng lalaki which is the first part. Normal naman ang lahat. And I braced myself nang ako na ang isasalang.
For the last minute, I twisted the plan. Dinala ko ang cake habang kumakanta.
"Ang hirap maging babae… kung torpe 'yong lalaki. Kahit may gusto ka, 'di mo masabi. Hindi ako 'yong tipong… nagbibigay motibo. Conservative ako kaya… hindi maaari."
Narinig ko ang hiyawan nila pero mas rumehistro sa akin ang gulat na reaksiyon ni Mikan.
"Happy birthday, Mik-mik!" bati ko in between songs. Inilapag ko muna ang cake sa table na malapit since dapat ay mamaya pa 'yon pero t-in-wist ko nga ang plan ng surprise kaya santabi muna siya.
Our duet went on. Mababakas pa rin ang gulat sa kaniya. Siguro nagulat na nakipag-jam ako sa kaniya. Matagal na rin no'ng last time na nag-jam kaming dalawa in the same stage.
He hugged me in the middle of the song. Natatawa ko namang tinugunan iyon.
"Pangarap lang kita…" and we both ended the song.
Agad ding tumugtog ang birthday song, band edition. Then everybody's singing with us. Kinuha ko ulit ang cake na agad sinindihan ni Koko. Lumapit ako sa kaniya para ma-i-blow niya ang candle ng cake.
Magkaharapan kaming dalawa ngayon. I still hold the cake, waiting for him to blow the lone candle. Ngumiti siya sa akin bago siya panandaliang pumikit at saka hinipan ang kandila. Saktong pagdilat niya ng mata ay napatingin agad siya sa akin at seryoso akong tiningnan.
The crowd cheered and I heard the band played again but I remained standing in front of him.
"What did you wish?" curious na tanong ko.
Umiwas siya sa akin ng tingin at kinawayan ang mga taong nandito.
"Hiniling ko lang na mapasa-akin na ang dapat ay sa akin."
Natawa ako sa naging sagot niya.
"Mayaman ka na, sikat pa. For sure, makukuha mo na 'yon."
Ngumiti lang siya sa akin at muling kinawayan ang lahat. Inilapag ko ang cake sa lamesa at yumuko sa lahat. Medyo na-realize na nakakahiya ang ginawa ko. Lalo na no'ng ipakilala ako ni Mikan sa lahat bago ako um-exit sa stage.
The last set continued at nakabalik na ako ngayon sa puwesto namin ng friends ko. Kinakantiyawan nila ako sa nangyari pero binalewala ko lang.
Hanggang sa natapos na ang buong Inuman Session, nakangiti lang ako. It lasted for about two hours yata.
I am so proud of my bestfriend. Na-achieve na niya ang ganitong klaseng gig at the age of twenty-one. Ang wish ko sa birthday niya, more gigs to come and sana mapasali sila sa mga legendary OPM bands, na sana makahilera nila ang dati'y idol lang nila.
Invited na naman kami sa after party/birthday party ng Inuman Session at ni Mikan. Kaya hinintay namin na matapos ang lahat para makasabay kami sa kanila papunta sa venue ng party.
Pero kung hindi pa natapos ang Inuman Session, hindi ko pa malalaman na nandito pala ang pamilya ni Mikan. His father and mother are here, even his cousins. Kaya binati ko sila't nakipagkumustahan din sa kanila. Kaso it was short-lived kaya ang continuation daw ay sa party na.
Paalis na sana kami ng venue nang bigla kaming may nakasalubong. Nakilala ko siya agad dahil hindi ko pa naman siya nakakalimutan at saka siya na mismo ang unang nakapansin sa akin. Hindi ko nga rin napigilan ang biglang beso na ginawa niya.
"Sandi! Finally at nakita na rin kita! I've been wanting to meet you since last week pa!"
Mr. Hector Garcia, the talent manager I met last year but the supposed to be meeting with him became a flop, is in front of me. Ilang segundo pa akong nagpakurap-kurap dahil sa gulat sa presensiya niya at sa mismong sinabi.
"Hi po, Mr. Hector."
"Sandi, how are you!"
"O-Okay lang po, Mr.Hector."
"Now that you're here-"
"Is she the one you're talking about, Sir Hector?"
May bagong dumating, galing sa likuran ni Mr. Hector. There's a man. He was oozing with appeal. He's taller and leaner compared with anyone. And he's cool. Medyo intimidating nga lang.
"Um, Sandi, this is Mr. David Scott, CEO of BNS."
Handa na sana akong i-abot ang kamay ko sa kaniya for a shakehands pero hindi man lang siyang gumalaw. Sinipat lang niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka siya lumingon kay Mr. Hector.
"Okay. Sabihan mo lang si Direk Katigbak. Ipa-test mo na rin kung pasok sa standard niya. I'll approve you this one, Mr. Garcia." 'Yon lang ang sinabi niya at tumalikod na agad, hindi man lang ako hinayaang makapagsalita.
"You heard that, Sandi? Pa-kunswelo ko ito sa naudlot na contract signing sana noong nakaraang taon. I need to have a one on one conversation with you para sa future endeavors mo."
Hindi ko halos maintindihan kung anong nangyayari pero naibigay ko rin naman kay Mr. Hector ang bagong cell phone number ko. Masiyadong magulo ang mga pinagsasabi niya. Siguro nakainom din kasi lahat ng um-attend sa venue, for sure nakainom ng nakakalasing na inumin.
Sobrang saya ng mga kasamahan ko pero nakarating na lang kami ng venue, hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong sinabi ni Mr. Hector at lalo na no'ng 'medyo' mayabang na si Mr. David Scott. Aba, ewan!
Nagkaroon ako ng chance na makausap si Mikan after hours of celebrating his birthday. Masaya ang lahat, nandito ang mga close loved ones ni Mikan. Nagkumustahan ulit kami and they asked saan daw akong nanggaling at kung anu-ano pa. And as usual, Kiara's MIA.
Sh-in-are ko kay Mikan ang tungkol sa sinabi ni Mr. Hector sa akin kanina. Pinatapos muna niya ako bago siya nagkomento.
He chuckled then he sipped on his glass of rum.
"It means your dreams are finally coming into life, Sandi. Maaaring naudlot pero heto na't nasa harapan mo na."
Pero mas lalo yata akong nagulo dahil sa sinabi ni Mikan. Ewan ko ba! Ang gulo ng mga tao.
"Kuya Mik, the Lizares brothers are here."
Our talk was interrupted by Mikan's cousin and sabay din no'n ang pagtingin ko sa may entrada ng venue.
But he wasn't there.
~