webnovel

Gun/Savior

Four years in the row nang consistent UNDER CLASS agent si Stanley Weller. Hawak lang naman niya ang pinaka mababang ranking sa hanay ng mga "Alter Agents" magmula nang pumasok siya sa Military Allied and Defense Forces of America, na mas kilala sa bansag na MADFA---ang pinakamalaki at pinakakilalang Military Organization sa bansa He's always been the BIGGEST LOSER among the losers... Disaster Maker... At palpak sa lahat ng bagay. But his fate comes into a totally different turn nang aksidente siyang ma-i-pares sa Top Rank, consistent STAR CLASS Agent na si Ruwi Nightroad--a man who was known for his exceptional intelligence, perfectionism, proficiency and good looks. However, he prefers to DO THINGS on his own... Cold Hearted... At walang pakialam sa ibang bagay maliban sa kaniyang sarili. Will these two completely different Alter Agents can create a perfect partnership? Gun/Savior ©2019 (©2006 From the Original Manuscript) Written in Tagalog/English Original Story: Written by Rosencruetz

Rosencruetz · Sci-fi
Not enough ratings
4 Chs

STRIKE 2: "Fateful First Encounter"

March 30, 3335, N.G.E (Neo-Galactic Era)

08:00 H, New York Central Army Division

Office of the Commander, MADFA Head Quarters

---

"Good morning, Commander."

Kapapasok lang ng kaniyang opisina ang pinakabatang Commanding Officer ng Military Allied and Defense Forces of America Head Quarters na si Commander Tatiana Oliva Vistula, na mas kilala ng lahat sa pangalan na "Commander Tatiana".

"Good morning, Genova." Tugon ng dalagang komandante sa kaniyang personal IVR o Interactive Voice Response na may system generated name na GENOVA.

"Please enter your DNA code"

Inilapat ng Commander ang kaniyang kamay sa clear screen na makikita sa gilid ng kaniyang mesa. Automatic na nag-scan ang DNA laser scanner para basahin ang kaniyang DNA identification code.

"Identified: Chief Commander Tatiana Oliva Vistula, DNA code number 145782-A."

Matapos ma-identified ng kaniyang personal IVR ay agad na nagbigay ng instruction ang dalagang komandante para ibigay sa kaniya ang lahat ng ulat.

"Any collected reports, Genova?"

Biglang nag-appear sa harapan ni Commander Tatiana ang isang hologram screen kung saan ipinapakita ang mga nakalap na ulat mula sa kanilang data base.

"Collected Reports as of March 30, 3335: 92% of the total mission cases has been distributed to our agents. 30% of them are completed. The investigation on the data leakage incident in MADFA D.C Army Division is ongoing. Probability of completion: 2 days"

"Dalawang araw pa?" medyo matapang ang naging reaksyon ni Commander Tatiana sa narinig niyang ulat. "Masyadong mabagal ang imbestigasyon nila. Mayroon na ba silang lead kung sino ang posibleng naglabas ng corps data sa branch na iyon?"

"Negative Commander." Sagot ng IVR.

Ang mga ganoong klase ng ulat mismo ang ayaw na ayaw na marinig ng dalagang komandante sa umaga. Kapag mga ganoong uri kasi ng ulat ang natatanggap niya ay hindi niya maiwasang kumunot ang kaniyang mukha na maaaring madulot ng maagang pagkakaroon niya ng mga wrinkles. Ingat na ingat paman din siya, lalo na't madalas siyang tuksuhin ng kaniyang mga tauhan na tumatandang dalaga dahil sa pagiging seryoso ng kaniyang mukha.

"Ughr...umagang umaga nakaka-stress na agad ang balitang matatangap ko." Ang sabi niya sa kaniyang sarili.

Hindi paman nakakabawi ang dalagang komandante ay isa na namang pampadagdag ng stress ang dumating sa kaniyang opisina. Pumasok sa silid niya ang isang lalaki; matangkad, maganda ang pangangatawan at may magandang asyanong mukha na binagayan ng kaniyang unipormeng pandagat na may ranggong Kapitan.

"Good morning, Commander!" masiglang sumaludo ang makisig na kapitan sa dalagang komandante.

"Ah, ikaw pala, Fenner..." medyo matamlay na sagot ng komandante sa kapitan na si Eros Fenner, ang kasalukuyang Naval Captain ng Special Warfare Unit ng MADFA-Army Naval SEAL. "Walang maganda ngayon sa umaga ko, okay? Kaya huwag kang pasaway ngayon."

Ngumiti lang ang kapitan at walang anu-ano'y umupo ito sa bakanteng upuan na nasa harapan ng mesa ng dalagang komandante.

"Ano na naman ang problema mo. Ang aga-aga nakakunot na naman ang noo natin ah? Bakit? Anong meron?"

Isa si Kapitan Eros sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Commander Tatiana sa sandatahan. Marahil dahil narin sa haba ng kanilang pinagsamahan bilang magkatrabaho sa International Alterian Armed Forces bago sila tuluyang nagkaniya-kaniya ng karera. Kaya naman palagay ang loob niya na sabihin sa kapitan ang lahat ng suliranin na mayroon sila sa kanilang Unit, lalo na sa nakaraang data thief incident nila sa isa sa kanilang mga Army Divisions sa New Washington D.C.

"Hindi parin kasi nila nalalaman kung sino ang may pakana ng nangyaring data thief sa New Washington Division natin. Ang alam lang nila ay nagkaroon ng ilang segundong interruption dahil sa pagpapalit ng Data Protocol, pero hindi ko makita ang rason kung paano nawala't nakuha ng kung sino ang mga impormasyon sa data base gayong secured ang system nila ng Voynich Encryption Security Access."

"Hm..." napaisip naman ng malalim ang kapitan sa mga sinabi ni Commander Tatiana. "Yun bang encryption security key na iyon...iisang tao lang ba ang pwedeng maka-access?"

"Hindi." Sagot ni Tatiana. Para maipaliwanag niya ng mabuti ang senaryo sa kapitan ay pinundot niya ang clear screen sa kaniyang mesa at saka nag-pop-up ang isang hologram sa harapan nila.

"3-way ang sistema para ma-crack ang encryption codes: through encoding, verbal at listening. Bawat isa may kaniya-kaniyang voynich codes, time limits at number of retries, kaya mahihirapan ang sinumang system hackers na masira yon."

"Wow," napapahangang sabi ng kapitan. "Ibang klase nga 'yan. Hindi ko alam na ganiyan na pala ka-higpit ang data security natin. Kung ganoon naman pala, ang hirap isipin kung paanong nanakaw ng walang kahirap-hirap ang mga impormasyon? Tingin mo...inside job yon?"

"Iyon nga mismo ang pinaiimbestigahan ko. Pero hanggang ngayon ay wala paring naibibigay na resulta sa akin ang Data Information Specialist nila. Aabutin pa raw ng dalawang araw bago nila maibigay sa akin ang lead."

"Oh, I see..."

Tumahimik bigla ang buong silid. Nagpapakiramdaman ang dalawa kung sino sa kanila ang mauunang magsalita.

Hanggang sa...

"Bueno," unang umimik ang kapitan na si Eros. "Hayaan na muna natin sa I.T nila ang problemang 'yan okay? Sa susunod na araw na ang pagtanggap natin ng mga bagong batch of Alter Agents. Ano? Volunteer ba ulit ako para maging examiner ngayong taon?"

"Ah, oo nga pala. Ang opening ng new batch..." bahagyang hinilot ni Commander Tatiana ang kaniyang na-i-stress na noo. "Oo, sige. Sa iyo ko i-a-assign ang isang 'yon. Siguruhin mo lang na matitino ang makukuha mo huh? Ayoko na ng dagdag na sakit sa ulo, sinasabi ko na sa iyo."

"Sus, ako pa? Ang galing ko kayang pumili ng Alter Agent? Tingnan mo na lang 'yong pinag-uusapang rookie ngayon na pumasa sa akin noong nakaraang taon. Isang guwapitong blondie, may I.Q na 245, excellent both in aerial, terrain and naval combats at - there's more! R.S (Rare Substance) Carrier siya, isang fire user. Siya lang naman ang kauna-unahang neophyte sa kasaysayan ng mga beginners na nakahuli sa notorious hacker na si Alias Growley na ilang taon nang hina-haunting ng mga agents natin."

"Ah, ang rookie na iyon?" hindi maganda ang reaksyon sa mukha ni Commander Tatiana habang ipinagmamalaki sa kaniya ni Kapitan Eros ang pinaguusapang rookie sa kanilang unit.

"Bakit? May problema ka ba sa batang 'yon?"

"Wala naman." matipid na sagot ng komandante noong una. Hanggang sa unti-unti ay nagbigay narin ito ng kaniyang komento tungkol sa sumisikat na binata. "Nakikita ko naman na mahusay siya, kaso nga lang..."

"Kaso nga lang...ano?"

Pinindot ni Commander Tatiana ang clear screen sa kaniyang mesa at binuksan mula sa 201 system ang personal data ng sinasabing mahusay na rookie.

"Mukhang siya ang tipo ng tao na hindi tatanggap ng tulong mula sa iba. Siguradong magiging problema ko balang araw ang ipapares na agent sa kaniya."

"Malay mo naman?" Biglang dugtong ng kapitan sa dalagang komandante. "Suwertihin ulit ako sa pagpili ng mga papasok na agents ngayong taon na tatapat sa star rookie na yan."

Napabuntong-hininga na lang si Commander Tatiana habang pinagmamasdan niya ang personal profile na naka pop-up sa ere.

"Talaga lang huh? At sino naman kaya ang pwedeng tumapat sa future Star-Class agent na ito?"

------

"Ako! Ako!"

Sinagad ni Stanley ang pag-unat sa kaniyang kanang braso nang marinig niya ang huling tawag ng Humanoid Train Operator ng San Francisco Train Station sa mga nais sumakay ng tren papuntang New York.

"Mangyari lamang po na pumasok na kayo sa loob. Ilang minuto na lang po ay aalis na ang tren."

"Okay!." isinukbit na ni Stanley ang kaniyang bag at hinila ang kaniyang maleta na kakatapos lang dumaan sa scanning para sa inspeksyon ng mga gamit. "Phew! Buti na lang at umabot pa ako! Kung hindi, siguradong maghihintay ako ng isang oras dito para lang sa susunod na biyahe ng tren!"

Kasama ni Stanley nang mga oras na iyon sina Rupert at Sister Judith para personal siyang ihatid sa estasyon.

"Sigurado ka na ba talaga sa pasya mo na mag-apply bilang agent? Alam mo na? May oras pa para umatras." Ang sabi ni Rupert sa binata na tila ba sinusubukan pang kumbinsihin ito na huwag ng tumuloy papuntang New York.

"Ano ka ba, Rupert. Wala nang atrasan 'to! Makikita mo, isa na akong ganap na Alter Agent pagbalik ko rito!"

Pagkatapos ayusin ni Stanley ang lahat ng kaniyang mga bitbit ay lumapit sa kaniya ang matandang madre na si Sister Judith para ibigay ang kaniyang pamamaalam.

"Dalangin ko na magtagumpay ka sa landas na gusto mong tahakin. Huwag mo sanang kalilimutan na dumalaw. Tiyak na matutuwa ang mga bata sa oras na bisitahin mo sila."

"Makakaasa kayo, Sister Judith!" Masiglang sagot ni Stanley. "Maraming salamat po sa sampung taon ng pagtitiyaga ninyo sa mga kapilyuhan at mga kapalpakan ko sa ampunan."

Ngumiti naman ang matanda sa pasasalamat na natanggap niya mula sa binata.

"Mag-iingat ka."

"Opo!"

Nagbigay na ng huling hudyat ang tren. Oras na para umalis. Inilabas na ni Stanley ang kaniyang I.D pass at sumakay na ng tren. Kinawayan niya ng pamamaalam sina Sister Judith at Rupert. Pinagmasdan n'ya rin sa huling pagkakataon ang siyudad ng San Francisco; ang matatayog nitong mga gusali, mga naggagandahang Green Parks at aerial fountains, at ang malawak na karagatang pasipiko kung saan makikita ang makabagong anyo ng Golden Gate Bridge na ngayon ay isa na sa pitong main vehicular teleportation gate ng California.

"Mami-miss ko ang lugar na ito." Ang sabi ni Stanley sa kaniyang sarili. Kumportable siyang nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan niya ang tanawin sa labas. Ilang sandali pa ay nagsalita ang IVR ng sinasakyan nilang tren kasabay ng paggana ng mga auto-seat belts. Hudyat iyon para sa mga pasahero na papasok na ang tren sa teleportation gate na ang destinasyon ay ang siyudad ng New York.

"AXZ Train Unit no. 416816 arriving at destination 1365-NS-AZ-1265 New York Central in three...two...one...."

Pagpasok ng tren sa loob ng teleportation gate ay agad itong nawala kasabay ng malakas na liwanag. Tatlong segundo lang ang binilang at alas! Nakarating na agad ang tren sa destinasyon nito, ang New York Central na kasalukuyang isa sa labindalawang Army Divisions ng Military Allied and Defense Forces of America o MADFA.

Paglabas ng tren sa loob ng teleportation gate ay muling nagsalita ang IVR ng tren at awtomatikong naalis sa mga pasahero ang auto-seat belts na ikinabit sa kanila kanina. Doon na nagkaroon ng pagkakataon si Stanley na sumilip sa binata. Sabik na sabik siya sapagka't iyon pa lang ang unang beses na makakarating siya sa tanyag na New York Central. Hindi tulad sa San Francisco kung saan siya matagal na nanirahan, ibang-iba ang level ng teknolohiya sa New York. Mas magagara ang mga gusali, mas maraming aerolanes na makikita sa ere na nagsisilbing kalsada ng mga aeromobils at aerocycles. Nariyan din ang mga naglalakihang hologram billboards na naglalabas ng iba't-ibang commercials at Robo-aides na katulong ng mga tao sa pangaraw-araw nilang gawain sa labas.

"Ang ganda!" humahangang sabi ni Stanley sa tanawin. "Lalo tuloy akong na-e-excite na manirahan at magtrabaho dito!"

Mula sa teleportation gate ay bumiyahe pa ng sampung minuto ang tren patungo sa unang estasyon. Paghinto ng tren ay masiglang lumabas ang binatang si Stanley kasabay ng kaniyang pag-uunat. Nilanghap pa nga niya ang hangin sa paligid na pinapanatiling malinis at sariwa ng mga Nano Air Filters, mga nanomachines na nakahalo sa hangin para panatilihin ang ganda ng kaledad ng oxygen sa paligid.

"Sa wakas, nandito na ako --- New York!"

Pagkatapos ipa-scan ni Stanley ang kaniyang personal ID pass ay agad na siyang lumabas sa estasyon at nag-abang ng masasakyang aeromobil. At habang naghihintay siya ng masasakyan, sinamantala na niya ang pagkakataon na alamin sa mapa na dala niya ang lugar na tutuluyan niya pansamantala.

"Hm...ang sabi ni Rupert ay malapit lang sa District 7 ang bahay na tutuluyan ko."

Seryosong tinitigan ni Stanley ang mapa. Titig lang. Mahabang mahabang pagtitig. Pero ni isa sa mga nakalagay na detalye sa mapa ay wala siyang maintindihan. Ni hindi nga niya alam basahin ang mga linya kung saan direksyon ba dapat siya pumunta.

"Anak ng kamatis!" Ang sabi niya sa kaniyang sarili habang panay ang pagkamot niya sa kaniyang anit. "Wala bang mas simplified na version ang mapa na ito? Ni isa wala akong ma-gets eh?"

At habang nasa kalagitnaan ng ganitong suliranin si Stanley ay isang magandang binibini naman ang nakapansin sa kaniya. Agad na pinuntahan ng magandang babae Si Stanley. Nakaporma ito ng ayos, mapang-akit ang mga hakbang at maindayog ng balakang.

"Hi, totoy cutie." pagbati ng magandang babae kay Stanley. "Mukhang naliligaw ka yata ah? Kailangan mo ng tulong?"

Agad naman na nakuha ng babae ang atensyon ni Stanley na noong mga oras na iyon ay nananakit na ang ulo sa kakabasa ng mapa na ibinigay sa kaniya papunta sa District 7.

"Ah...eh..." Minabuti narin ni Stanley na magtanong sa babae at sinabing... "Pasensya na sa abala pero alam n'yo po ba kung saan pwedeng sumakay papunta sa District 7?"

"Teka, po?" naka-highlight ang salitang "po" sa binigkas na salita ng babae. "Hindi ka ba marunong tumingin ng bata sa matanda? Totoy?"

"Ah...eh..."

Hindi naman makasagot si Stanley. Hindi rin naman kasi niya maintindihan ang nais ipahiwatig sa kaniya ng babae.

"Hay nako..." Pabuntong-hininga na daing ng babae. "Hindi na bale. Sumabay ka na lang sa akin."

Agad naman na ikinatuwa ni Stanley ang alok na kaniyang narinig.

"Eh?! Talaga! Papunta ka rin ba ng District 7?!"

"Well..." At ngumiti ang magandang babae sa binata. "...sort of."

"Naku! Naku! Salamat!" Tuwang tuwa naman si Stanley nang mga oras na iyon at walang pag-aatubiling pumayag sa alok sa kaniya ng babae na libreng sakay patungo sa kaniyang destinasyon. "Mukhang sinusuwerte ako! Makakalibre pa ako ng pamasahe papunta sa District 7!"

Isinakay ng babae si Stanley sa isang mamahaling AX-130 luxary-type aeromobil. Iyon ang unang beses na makakasakay si Stanley sa isang mamahaling sasakyan kaya mas lalo siyang nasabik. Pagpasok niya sa loob ng kotse ay namangha na agad siya sa napakagandang disenyo at kulay ng interior ng sasakyan, lalo na ang upuan ito na nakaka-relax sa katawan.

"Whoa..." Kulang na lang ay mahiga si Stanley sa upuan ng sasakyan dahil lambot na taglay nito. "Ibang klase, ganito pala ang pakiramdam na sumakay sa mamahaling sasakyan!"

"Nagustuhan mo ba? Totoy?" Tanong ng babae kay Stanley. Pinaandar na ng dalaga ang sasakyan at nagmaneho. At habang abala si Stanley sa likuran ng sasakyan at nagtanaw-tanaw sa bintana, pasimple naman na pinindot ng babae ang boton sa command layer ng sasakyan para sa car freshener ng sasakyan.

Sniff...Sniff...

"Ang bango naman..." Puna ni Stanley sa amoy na inilalabas ng car freshener ng sasakyan. "Amoy Lavender..."

"Ayos ba? Totoy?" Pangiti-ngiting tanong ng dalaga habang patuloy ito sa pagmamaneho papasok sa isang eskinita kung saan walang gaanong tao alters ang makikita. "Paborito ko ang scent na 'yan. Nagustuhan mo?"

Oo, nagustuhan ni Stanley ang amoy. Subalit parang may mali sa ginagamit na car freshener ng dalaga. Nakakaramdam siya ng pagkaantok, na tipong kahit gustung gusto ni Stanley na manatiling gising ay hindi niya magawa dahil parang pinupuwersa ang mga mata niya na pumikit at magpahinga.

"A--ang weird..." Hindi nagtagal ay nakaramdam na ng matinding pagkahilo si Stanley at gusto na sanang magpababa. Subalit napansin niya na wala na sa city ang ruta ng sasakyan kundi patungo na sa isang liblib na distrito kung saan makikita ang mga abandunadong gusali at warehouses.

"T--teka, i--ito ba talaga ang District 7? Bakit parang....haunted district ito?"

Hindi umimik ang dalaga at sa halip ay umismid ito ng kakaiba. Mabilis niyang iniliko ang sasakyan papasok sa isang warehouse at pagkatapos ay puwersahan niyang inilabas sa sasakyan ang nanghihina na si Stanley.

"Hindi manlang ako pinagpawisan sa iyo, cuttie." Ang sabi ng babae sa nakadapa na si Stanley. Gustuhin man ng binata na tumayo at tumakas ay hindi nito magawa dahil wala nang maramdaman ang buong katawan niya't wala na ring lakas ang mga ito para lumaban.

"Shit..." Naiinis na sambit ng binata sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon. "H--hindi ko maigalaw ang buong katawan ko! Inaantok ako, p--pero hindi ako puwedeng makatulog! Lalo akong mapapahamak kapag ginawa ko iyon! Malas! Niloko ako ng babaeng ito!"

Hindi naglaon ay lumabas rin sa eksena ang iba pang kasabwat ng babae. Pitong lalaki na mukhang mga kasapi ng isang sindikato at ang boss nila na isang matabang lalaki na balbas sarado. Nakatakip ang mukha ng mga tauhan ng master mind ng itim na fiber cloth kaya walang paraan para mamukhaan ni Stanley ang mga lalaki. Ang isa sa mga lalaking iyon ang lumapit sa kaniya hawak ang isang DNA Substance Analizer na ang hitsura ay katulad ng sa isang blood sugar tester. Kinuhanan ng lalaki si Stanley ng blood sample gamit ang karayom sa dulo ng hawak nitong tester para analisahin. At mukhang magandang balita ang resulta ng analysis dahil sa kakaibang ngiti na gumuhit sa labi ng lalaki na agad niyang ipinakita sa kaniyang mga kasama.

"Mukhang naka jackpot ka sa Alter na ito ah! Rare Substance Carrier s'ya at mukhang maibebenta natin sa mas mahal na halaga!"

'T--teka...ibebenta?'

"Aba, akalain mo iyon?" Komento ng babae na siyang dahilan kung bakit nasasadlak ngayon sa alanganing sitwasyon si Stanley. "Hindi halata sa batang ito na mataas ang value n'ya. Mukha kasi siyang ordinaryong Alter eh."

'Ano kamo? Mataas ang value? Ano bang sinasabi ng mga ito? At saka anong ibebenta? Ako? Ibebenta? Saan?!"

"Good job!" Papuri ng boss sa magandang babae. "Bago ka pa lang pero napatunayan mo na agad na mahusay kang magtrabaho."

"Then you should pay me more." Ang sabi ng babae. "I think 70% of the price is enough. Makatuwiran na ang presyo na iyon compared to your previous dealers na low quality ang ibinibigay na resulta."

"Well, Wala naman akong nakikitang masama sa hinihingi mong additional fee." Kinamayan ng boss ang magandang babae para isara ang kanilang kasunduan.

Nag-uumpisa nang mataranta si Stanley noong mga oras na iyon, lalo na no'ng dumating ang isang itim na closed van kung saan plano siyang isakay papunta sa lugar na pagbebentahan sa kaniya.

"Halika na cutie! Oras na para ibenta ka sa market."

Nilagyan ng babae si Stanley ng limiter sa kaniyang leeg at pagkatapos ay iginapos siya gamit ang isang makapal na nylon rope.

"B--bitawan n'yo ako!" Pilit na nagpumiglas si Stanley sa kabila ng panghihina ng kaniyang katawan at matinding antok. "H--hindi ako papayag na dalhin ninyo sa kung saan!"

"Wala ka nang magagawa, cutie. Kung ako sa iyo, sumakay ka na lang."

Parang sako ng bigas na binatibat ng mga lalaki si Stanley papasok sa itim na van. Gusto niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan, subalit sa tuwing nagtatangka siya ay sumisikip ang limiter sa kaniyang leeg at nahihirapan siyang huminga.

"Hindi...ito p'wede!" Gustong maluha ni Stanley sa sobrang inis. Daig pa niya ang isang inutil na walang magawa para matakasan ang mapanganib na sitwasyon. Mayroon nga siyang kapangyarihan, pero hindi naman niya ito magamit. Ngunit ang mas ikinasasama ng loob niya ay ang katotohanan na walang kahirap-hirap siyang nauto dahil masyado siyang naging kampante. "Nakakainis!"

Dumungaw naman mula sa driver's seat ang nagmamaneho ng van; isang lalaki na nakasuot ng itim na sombrero, itim na face mask at tinted eye glasses. At nang tiyak na nang driver na nakasakay na si Stanley sa van ay saka nito biglang hinarurot ang sasakyan palabas ng gusali na ikinabigla naman ng boss at ng mga tauhan nito.

"What the...?!"

Maski si Stanley na sakay ng van ay nabigla sa mabilis na pag-andar ng sasakyan. Para siyang bola na sige ang talbog sa loob ng van habang nanganganib ang buhay niya sa mga kamay ng kaskaserong driver na bigla na lang tumangay sa kaniya.

"Waaaah!"

Dali-dali naman na nag-utos ang boss sa kaniyang mga tauhan para habulin ang tumakas na van tangay ang binatang alter na nakatakda sana nila ngayon na ibenta.

"Huwag kayong tumunganga d'yan! Habulin n'yo! Habulin n'yo ang driver na iyon! Madali kayo!!!"

Nagmadaling sumakay ang mga tauhan ng boss sa kanilang mga anti-gravity motor cycles at hinarurot ang mga ito para habulin ang tumakas na van. Ngunit sadyang pinaghandaan ng driver ng van ang lahat dahil hawak niya sa kaniyang kamay ang isang detonator na magpapasabog sa lahat ng bomb patch na inilagay niya sa mga haligi ng abandunadong warehouse.

"Hindi n'yo ako maiisahan."

Walang pag-aagam-agam na pinindot ng driver ang bomb detonator at pagkatapos lang ng ilang segundo ay sunud-sunod na ang malalakas na pagsabog na yumanig sa buong gusali at nagpabagsak sa kalahati ng mga armadong lalaki na humahabol sa kanila.

"Anong pagsabog 'yon!" tarantang tanong ng boss matapos niyang magulat sa sunud-sunod n malalakas na pagsabog sa loob ng warehouse.

"Boss! Hindi ito maganda!" ang ulat ng isa sa kaniyang mga armadong tauhan. "Hindi na po kayang habulin ng mga tao natin ang van!"

"Damn it!" galit na saad ng boss na kulang na lang ay magwala ito dahil sa tindi ng kaniyang inis dulot ng pumalpak nilang transaksyon. "Hindi tayo p'wedeng pumalpak ngayon! Ang laki na ng ginastos ko para lang dito! Hindi p'wedeng makakatakas sa atin ang alter na 'yon! Kahit na sino sa inyo! Do something!"

At sa gitna ng nagngingitngit na galit ng boss ay kalmadong lumapit ang magandang babae at nagwika...

"Hahabulin ko iyon para sa iyo. As long as kaya mo akong bayaran ng malaking halaga." hinawi ng babae ang kaniyang mahaba at makintab na itim na buhok na kulang na lang ay sabihin niyang sisiw lang sa kaniya ang trabaho.

Kaya naman...

"I'll give you anything!" ang sabi ng boss. "Basta't patayin mo lang ang taong 'yon na tumangay sa ikakalakal ko!"

Ngumiti ng matalim ang babae at itinaas ang kanan nitong kamay at sumagot...

"Okay. Sabi mo eh."

Walang anu-ano'y nag-iba ang kulay at tekstura ng balat ng babae. Naging kakulay ito ng makintab na bakal at pagkatapos ay naghiwa-hiwalay sa maliliit na particles ang katawan niya't mabilis na bumulusok sa ere para habulin ang van na tumangay sa pinaghirapan niyang kalakal.

"Hindi ka makakatakas sa akin!"

Patakas na noong mga oras na iyon ang van kung saan sakay sa loob nito ang binatang si Stanley. Dumaan sila sa isang masikip at paliku-likong eskinita para makarating agad sila sa highway.

"Aray! Aray!" Sige naman ang daing ni Stanley dahil sa panay na pagtalbog ng katawan niya sa likuran ng van. "Alam kong nagmamadali ka mamang driver, pero hindi ba kaba marunong magmaneho na hindi nasasaktan ang pasahero mo!"

Hindi umimik ang driver at sa halip ay itinutok niya ang kaniyang daliri kay Stanley. Bahagya namang natakot ang binata kaya agad itong nanahimik. Subalit laking gulat niya na bigla na lang nagliyab ang nylon rope na nakagapos sa kaniya. Dahil sa katarantahan dulot ng nagliliyab niyang gapos sa katawan kaya nagpagulong-gulong si Stanley sa van para mamatay ang apoy.

"Waaah!!! Sunog! Sunog! Nasusunog ako!"

Pero unti-unti ay natauhan si Stanley matapos nitong mapansin na hindi nakakapaso ang apoy na tumutupok sa lubid sa kaniyang katawan.

"Eh? Hindi ako....napaso?"

Matapos lang ang ilang sandali ay tuluyan nang naging abo ang lubid at nakalaya narin sa wakas si Stanley.

"Ah...eh..." Magpapasalamat sana ang binata. Ngunit naudlot iyon nang muling nagturo ang abalang driver sa loob ng van.

"May limiter remover na nakatago sa maliit na tool box sa kaliwa."

Napakurap ng tatlong beses si Stanley.

"Ha?"

"Kunin mo 'yong remover!" Bahagyang nagulat si Stanley na nakakasindak na pagtaas ng boses ng driver kaya muli siyang nataranta habang dali-dali sa paghahanap ng limiter remover sa loob ng tool box. At nang matagpuan na ni Stanley ang pinapahanap sa kaniya ay agad niya itong ibinigay sa driver at nagwika...

"Ito na oh!"

Subalit hindi kinuha ng driver ang limiter. Walang anu-ano'y bigla nitong inihinto ang sasakyan na kamuntikan nang ikabangas ng mukha ni Stanley.

"Owww...!" daing ng binata matapos niyang sumubsob sa unahan ng van. "Nakakahilo 'yong ginawa mong 'yon huh!"

Agad na nilingon ng driver si Stanley.

"Baba."

Muli, nagtaka si Stanley sa utos sa kaniya ng driver.

"T--teka, ano?"

"Ang sabi ko, baba!"

Ikinabigla ulit ng binata ang pagtataas sa kaniya ng boses ng driver. Agad siyang bumaba ng van ngunit galit niyang tinalakan ang driver pagkatapos.

"Ano bang problema mo?! May problema ka ba sa akin huh?! Naliliitan ka sa akin! Hindi porke't sinagip mo ako eh may utang na loob na ako sa iyo!"

Bumaba ng van ang driver ngunit hindi para patulan ang si Stanley.

"Takbo!" nagmamadaling utos ng driver kay Stanley.

"Teka, ano?"

"Ang sabi ko, TAKBO!"

Ayaw sanang sumunod ni Stanley ngunit napilitan siyang tumakbo dahil narin sa ura-uradang utos sa kaniya ng driver ng van na tila ba may paparating na panganib.

At hindi nga siya nagkamali...

Dahil ilang segundo lang matapos tumakbo ni Stanley ay lumitaw ang mala-ipu-ipong buhangin na gawa sa bakal at inatake van na kanilang sinasakyan. Mabuti na lang at nakaalis agad sila bago tuluyang dinurog ng buhanging bakal ang nasabing van.

"A--ano ba ang...nangyayari dito?" nangangambang tanong ni Stanley sa kaniyang sarili. Hindi nagtagal ay nasagot din ang mga tanong ng binata nang dahil sa paglitaw ng kanilang kalaban; ang babaeng dumukot kay Stanley na isa pa lang SS-carrier type na Alter.

"Akala mo siguro hindi kita maaabutan ano?" ang sabi ng babae sa driver ng van. Pagkatapos ay bigla na lang nagbagong-anyo ang kanang kamay ng babae at naging isang matigas na bakal. "Humanda ka sa akin! Pupulbusin kita sa maliliit na piraso!"

Parang bala sa bilis na nagsilabas sa kamay na bakal ng babae ang napakaraming metal spikes na may haba na dalawang pulgada para atakihin ang driver ng van.

"Hindi! Umiwas ka!" pasigaw na sabi ni Stanley sa driver ng van. Ngunit imbis na umiwas ito ay walang takot na sinalubong ng lalaki ang mga spikes gamit ang nagngangalit na apoy na harang na bigla na lang lumitaw para protektahan ang lalaki mula sa pag-atake. Sa tindi ng init ng apoy ay walang kahirap-hirap itong natunaw hanggang sa ito'y maging likido. Nabigla naman ang babae at agad na napa-atras dahil sa ipinakitang kapangyarihan ng lalaking inakala niya na ordinaryong alter lang.

"T--teka..." nangangatal nitong wika. "A--apoy? Isang RS-carrier type?!"

Kusang nawala ang apoy na nakapalibot sa lalaki. Doon na ito nagpasiyang inilantad ang kaniyang hitsura sa kaniyang kalaban.

Isang lalaki na may magandang mukha at kulay asul at singkiting mga mata. Taglay niya ang presensya ng isang bayani, isang sundalo na walang anumang kinatatakutan. Pinagliyab niya ang kaniyang mga kamay tulad ng sa isang sulo ngunit hindi manlang nito tinupok ang kaniyang mga kamay.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makasaksi si Stanley ng isang Alter sa aktuwal na laban. Labis siyang namangha, na umabot pa sa puntong halos ayaw nang kumurap ng kaniyang mga mata para titigan ang kamangha-manghang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan.

"Para siyang...isang hero, isang savior!" iyon agad ang unang bagay na kaniyang naisip. Kaya imbis na matakot ay lalo pang nakaramdam ng pagkasabik ang binatang si Stanley na panoorin ang sunadlong Alter sa pakikipag-laban na gagawin nito sa babaeng gumagamit ng bakal.

"Huwag na nating patagalin 'to." walang takot na isinulong ng lalaki ang kaniyang isang paa habang nakahanda naman sa pag-atake ang kaniyang nagliliyab na mga kamay. "Simulan na natin 'to nang matapos na..."

TO BE CONTINUED...

END OF CHAPTER TWO