2 STRIKE 1: An Absolute Trance

The year is 3065, Neo-Galactic Era -- the year in which the world embodies the highest ideals of humankind. Citizens of the Earth could find the best at every country's service system, magmula sa pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at edukasyon hanggang sa pinaka-advance na uri ng libangan na maaaring gawin ng tao. Nangyari ang lahat ng mga pagbabagong ito dahil sa sunud-sunod na major advances na naganap sa larangan ng siyensya at teknolohiya. It was indeed a breakthrough, especially for mankind to reach the highest peak of Advance Artificial Intelligence.

Subalit hindi lang basta nagtapos doon ang mas malalim na pagtuklas ng tao sa kanilang limitasyon.

Minsang pinangarap ng tao na alamin ang kapasidad at hangganan ng buhay. Isa 'yong misteryo na sinubukang tuklasin ng sangkatauhan. Sinimulan nila iyon sa pamamagitan ng pagtuklas sa limitasyon ng mga cells at tissues, hanggang sa kakayahan nitong mag-duplicate at gumawa ng makabagong uri ng life form.

Then finally, a discovery has been described as 'masterpiece' in Advance Biogenetic Engineering -- a specially made substance that can replace human life with artificial life. Tinawag nila iyon na "Substance Core" - a progressive type of multifaceted chemically engineered D.N.A substance that permits human cells to regenerate and mutate, allowing its bearer to attain supernatural ability, including the skill to control the nature's "elements".

In year 3115, unang ipinakilala sa mundo ang first generation of Substance Core carriers na tinawag nilang Advance Lysogenetically Transmuted, Extrasomatically Re-engineered Superspecies or simply, "A.L.T.E.R". Maraming bansa ang nagkainteres sa mga Alters. Bumili ang bawat bansa ng kani-kanilang mga prototypes at ginamit iyon bilang advantage para palakasin ang kanilang military defense. Hindi nagtagal ay nagkaniya-kaniya na ang bawat bansa ng pag-aaral tungkol sa mga Alters at naging kapaki-pakinabang ang mga ito pagdating sa siyensiya, edukasyon at ekonomiya.

Subalit hindi lahat ng mga pagbabagong ito ay nagbunga ng positibong resulta. Dahil sa 'di pangkaraniwang abilidad ng mga Alters, marami sa mga bansa ang umabuso sa kanilang mga kakayahan. Ginamit ang karamihan sa mga Alters sa paggawa ng mga ilegal na transaksyon at kung anu-ano pang masasamang gawain. And because of the fact that they're not humans, they were treated differently by the human society. Alters didn't have the freedom or the right, as if they were objects na pwede mong itapon sa isang sulok kapag wala nang pakinabang. Dahil doon kaya marami sa mga First Generation Alters ang nagrebelde laban sa mga tao, hanggang sa umabot ito sa deklarasyon ng unang digmaan.

Year 3235 -- naganap ang unang digmaan sa pagitan ng mga tao at mga Alters na tumagal ng tatlo't kalahating taon. Tinataya na humigit-kumulang na limang bilyon ang naitalang casualties, both from the Alters and the humans. Nagresulta ang digmaan sa malawakang pagbagsak ng kabuhayan, kalidad ng pamumuhay at kawalan ng kaayusan. Parehong nakita ng mga tao at Alters ang resulta ng tatlo't kalahating taon ng walang tigil na digmaan. Dahil doon kaya nagpasiya sila na bumuo ng isang kasunduan na magbibigay ng pantay na karapatan at pagtrato sa parehong lahi.

Ang Treaty of Peace ay nilagdaan noong 3239 na siyang nabibigay karapatan sa mga tao at Alters na mamuhay ng mapayapa bilang isa. Kapwa ito nilagdaan ng Human Federation na kumakatawan sa mga tao, at ng Society of Superspecies para naman sa mga Alters. Nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng pantay na karapatan at pagtrato sa lahat ng bagay upang maiwasan ang anumang sigalot na maaaring magbunga ng isa na namang digmaan sa pagitan ng dalawang magkaibang lahi...

*****

"At magmula nga noon, pantay nang namumuhay ang mga Alters at tao sa daigdig ---- the end!"

Isinara na ng binatang si Stanley ang aklat na hawak niya pagkatapos niya itong basahin sa mga bata. Ngayong araw kasi ay siya ang naka-toka para bantayan ang mga bata sa ampunan habang hindi pa dumarating ang guro ng mga ito na si Sister Judith. Naisip ni Stanley na malilibang ang mga bata kung babasahan niya ang mga ito ng libro, pero mukhang nagkamali siya ng akala. Panay lang ang hikab ng mga ito, papikit-pikit at kung anu-anong libangan pa ang ginagawa sa kanilang mga mesa habang siya naman ay tuyo na ang ngala-ngala sa humigit kumulang na isang oras na pagbabasa at pagpapaliwanag ng kasaysayan.

"Ang boring naman ng kuwento mo, Kuya Stanley!" Daing ng isa sa mga bata habang nakapasak ang hintuturo nito sa butas ng kaniyang ilong para mangulangot. "Wala na po bang iba?"

"Oo nga! Oo nga!" Segunda ng iba pang mga bata. "Maglaro na lang po tayo! Boring kang mag kuwento eh!"

"Ah...eh..." napakamot ng kaniyang ulo ang binata. "Pinagbawalan na kasi tayo ni Sister Judith na maglaro. Gusto n'yo ba na mapagalitan na naman ako?"

"Sanay ka naman do'n, Kuya!" at sabay-sabay na nagtawanan ang mga bata sa loob ng silid-aralan. Namula naman ng bahagya si Stanley sa panunukso sa kaniya ng mga bata.

"Kayo ha! Huwag n'yo nga akong tinutukso!"

At habang nakapamaywang si Stanley na nakikipag diskusyon sa mga bata, isang nakakuyom na papel naman ang biglang tumama sa ulo niya.

"Anong?"

Napatingin si Stanley sa pinakadulong bahagi ng silid kung saan nagmula ang ibinatong papel sa kaniya. Napikon siya, kaya kahit wala sa plano niya na patulan ang biro ng mga bata ay napilitan siyang gumanti ng isa ring kalokohan.

"Ah..." ang sabi niya. "Hinahamon n'yo talaga akohuh! Sige, pagbibigyan ko kayo!"

Ang hindi alam ni Stanley ay kanina pa pala siya pinaghandaan ng mga bata. Inilabas ng mga ito ang kanilang armas, mga binilog na papel at basang bubble gum.

"Giyera na!!!"

At nagsimula nang magkagulo sa loob ng silid-aralan ng mga bata. Naghagisan ang nga ito ng gamit tulad ng mga binilog na papel, tetra packs, mga lumang libro at iba pa. Hindi naman nagahuli si Stanley laban sa mga bata. Inipon niya ang tubig sa hangin at binuo ito sa magkabila niyang kamay. Humulma ang tubig sa mga kamay ni Stanley na parang kanyon at saka niya iyon itinutok sa mga bata.

"Humanda na kayong mabasa!!!"

Pinakawalan ni Stanley ang naipong pressure ng tubig sa kanyon. Literal na naligo sa tubig ang mga bata na imbis na ikagalit nila ay lalo pa nilang ikinatuwa.

"Woo! Sige pa Kuya Stanley!!!"

"Ang sarap ng tubig!!!"

Natuwa naman si Stanley sa reaksyon ng mga bata. Kaya mas pinatindi pa niya ang excitement sa pamamagitan ng...

"Snow!"

Walang kahirap-hirap na pinatigas ni Stanley ang tubig sa paligid para maging isang snow. Mas lalong natuwa ang mga bata at agad silang nagbatuhan ng snow sa isa't-isa. Napuno ng halakhak ang buong silid, habulan, batuhan, at kung anu-ano pa. Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang kasiyahan dahil dumating na ang magpapatahimik sa kanila.

"Mga kasama!" Hangus na hangos na sabi ng isa sa mga bata. "Nandyan na si Sister Judith!"

Agad na nagsibalik ang mga bata sa kani-kanilang mga upuan sa kabila ng makalat na kapaligiran. Pero si Stanley na hindi pa umaawat sa kasiyahan ay patuloy parin sa paggawa ng nyebe na para ipang-snow fight sa mga bata.

"Okay! Heto ang sa inyo!"

At biglang...

"Stanley Weller!"

Nagulat ang binata sa matinis ngunit malakas na tinig ng anim na pu't pitong taong gulang na si Sister Judith, na saktong kapapasok lang ng mga oras n iyon sa silid-aralan ng mga bata. Dahil sa pagkabigla, naibato ni Stanley sa mukha ng madre ang inipon niyang malaking bola ng snow na dapat sana ay para sa mga bata na nag-resulta sa pagbasak ng madre sa sahig.

"N---naku po!" Kabado at tarantang lumapit si Stanley sa madre na balot ng nyebe ang katawan para tulungan ito na makabangon mula sa sahig. "Sorry po, Sister Judith!"

Mamula-mula sa inis na bumangon ang matandang madre. At mas lalo pang nadagdagan ang kaniyang inis nang makita niya kung gaano karumi ang buong silid-aralan ng mga bata sa kanilang maliit na bahay-ampunan.

"Stanley!" May gigil na sambit ng madre sa kabadong binata. "Linisin mo ang lahat ng kalat sa silid na ito! Ngayon na!"

At mabilis pa sa alas kuwatro na sumaludo ang binata.

"Yes Ma'am!"

Dali-daling inumpisahan ni Stanley ang paglilinis habang pigil na pigil naman ang mga bata sa kanilang pagtawa.

"Haha! Lagot na naman si Kuya Stanley kay Sister!"

"Haha! Oo nga!"

At habang inaalis ng binata ang lahat ng kalat ay muling tinawag ni Sister Judith ang atensyon niya.

"Stanley," Tinawag ng madre ang atensyon ng binata. "Pagkatapos mo riyan, pumunta ka agad sa opisina ko."

"P--po?"

"Hihintayin kita. Kaya bilisan mo ang paglilinis." hindi na nagdagdag pa ng kung anu-anong salita ang madre. Umalis din ito agad bago pa ito sipunin dahil sa lamig.

"Naku po..." Napakamot na lang si Stanley ng kaniyang ulo. Sigurado na naman siya mamaya sa mahaba-habang sermon na may kasamang pagninilay. "Patay na naman ako nito...."

Wala nang nagawa pa si Stanley kundi ang sumunod. Tinapos niya agad ang paglilinis sa silid-aralan ng mga bata at pagkatapos ay dumiretso na agad siya sa opisina ni Sister Judith.

"Ah...eh..." Hiyang hiya na humarap ang binata sa matandang madre. Bagama't na-practice na ni Stanley ang paghingi niya ng tawad kanina bago siya pumunta sa opisina ng madre, sa tuwing malalagay naman siya sa aktuwal na senaryo ay mabilis niyang nalilimutan ang mga gusto niyang sabihin.

"Kasi...'yong kanina...'yong snow at mga kalat..." Pagpapatuloy pa ng binata. "Ano kasi 'yon, uhm...napagkatuwaan kasi namin na mag-laro at...at alam ko na pinagbawalan n'yo na ako na gamitin ang kapangyarihan ko sa kalokohan pero yung mga bata kasi..."

"Stanley..." Biglang awat ni Sister Judith sa binata. "Hindi kita pinapunta rito para kausapin ka tungkol sa kalokohang ginawa ninyo ng mga bata sa silid-aralan."

"P---po?" Medyo nabuhayan naman ng mukha si Stanley na hindi pala siya pagagalitan ng madre sa mga nagawa niya kanina. "Hehe, naku salamat po, Sister Judith! Ang bait po ninyo talaga!"

"Pero..." Pahabol na wika ng madre na nakapag pahinto kay Stanley pansamantala. "Kailangan nating pag-usapan ang pananatili mo rito sa bahay-ampunan, Stanley."

Tuluyan nang hindi naka-imik ang binatang si Stanley sa mga sinabi ng madre sa kaniya.

"A--ano po ang...ibig ninyong sabihin?"

Huminga muna ng malalim ang madre at saka nito ipinaliwanag kay Stanley ang ibig niyang ipaliwanag sa binata.

"Nasa tamang edad ka na, Stanley. Ayon sa patakaran ng ating ampunan, sa oras na tumuntong na sa hustong gulang ang mga bata ay kailangan na nilang humiwalay dito sa ampunan. Para matulungan namin ang mga bata na makapag-sarili, hinahanapan namin sila ng lugar kung saan maaari silang kumita at mabuhay. Kaso nga lang, sa kaso mo Stanley, marami sa mga pinagdalhannamin sa iyo na tao ay ayaw nang tumanggap sa iyo. Alam mo ba kung bakit?"

"A--alam ko po, Sister" sagot ng binata. "Pero maniwala kayo sa akin! Ginagawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko sa mga pinagtrabahuan ko pero..."

"Parati kang nakakadisgrasya." Dugtong ng madre sa mga sinabi ng binata. "Kung hindi disgrasya, puro naman mali ang mga ginagawa mo. Hindi na namin alam kung saan ka namin maaaring ilagay?"

"Alam ko naman po iyan, Sister." sagot ni Stanley na inuunawa ang nais iparating sa kaniya ng matandang madre. "P--pero...hindi po ba p'wedeng dito na lang ako magtrabaho sa ampunan? Tingin ko po mas okay ako rito!"

"Alam mo naman na hindi maaari 'yang gusto mo." giit ng madre sa kaniya. "Gusto ka namin dito, totoo. Kahit madalas kang pumalpak sa trabaho at maraming pagkakamali, hindi ko naman matatawaran ang pasensya't determinasyon mo lalo na sa pakikisama mo sa mga narito at sa mga bata. Pero anak, kailangan mong humiwalay at matutong sa sarili mo. Pagkakataon mo na ito para hanapin ang gusto mo sa buhay. Mas makakabuti sa iyo 'yon. Maniwala ka."

Hindi na nakasagot pa si Stanley pagkatapos ng mga sinabi sa kaniya ni Sister Judith. Wala rin naman kasi siyang magagawa dahil iyon ang patakaran ng ampunan. Iyon nga lang, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala na siyang mga magulang, at wala ring iba pang mga kamag-anak. Bukod doon, kakambal niya parati ang disgrasya at kamalasan. Kahit anong bagay yata ang gawin niya'y parating palpak ang resulta. Hindi rin siya matalino, at wala rin siyang mga katangi-tanging abilidad na pwede niyang maipagmamalaki sa iba.

"Ang meron lang naman ako ay ang kapangyarihan ko, 'yon lang." ang sabi niya sa kaniyang sarili. Nakahiga siya sa kaniyang kama nang mga sandaling iyon at nakatulala lang na nakatitig sa kisame. Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng sigla sa katawan niya, na tipong kahit gustuhin niyang magbasa ng paborito niyang komiks para maaliw siya ay hindi niya magawa.

"Saan na ako pupunta ngayon?" iyon naman ang sumunod na tanong na sumagi sa isip niya. Iniisip niya kung magiging maayos ba siya paglabas niya ng ampunan lalo na't parating palpak ang mga nagagawa niya.

Naisip tuloy niya, "May balat ba ako sa puwet? Eh kasi naman, lahat na lang yata ng mapuntahan ko, inaayawan ako." iyon ang sabi niya. Masakit, pero iyon ang katotohanan. Hindi lang naman ang bahay-ampunan ang unang lugar na kinalakihan niya. Matapos mamatay ng mga magulang niya sa isang aksidente ay doon na siya nagsimulang magpalipat-lipat ng tirahan. Iyon nga lang, sa bawat tahanan na mapuntahan niya ay parati siyang nagkakaproblema. Madalas, dahil sa mga kapalpakan niya (o katangahan) at dahil doon kaya hindi niya makita ang kaniyang sarili na magtatagumpay sa isang larangan.

Humilig si Stanley sa kaniyang kanan kung saan kita niya ang mga koleksyon niya ng paborito niyang komiks na"Savior Robin". Isa iyong uri ng babasahin na may mga larawan. Naka-imprenta ito sa papel hindi tulad ng mga modernong Microelectronic Books na downloadable sa mga Web Book Stores. Bata pa lang si Stanley ay tagahanga na siya ng librong iyon. Tungkol ang kuwento sa isang astig, ubod ng talino, malakas, makapangyarihan, kahanga-hanga at may paninindigang savior na lumalaban sa mga masasama gamit ang kaniyang kapangyarihan. Madalas pa ngang gayahin noon ni Stanley ang nasabing karakter sa komiks, at minsan narin niyang pinangarap na maging isang savior tulad ng hinahangaan niyang komik super hero.

Iyon nga lang...

"Hindi naman ako kasing talino at kasing astig mo, Savior Robin." muli na namang nagbitiw ng malalim na buntong-hininga ang binata. Kinuha niya ang paborito niyang komiks na nasa mesa at pinagmasdan ito na may bahagyang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ang sabi ni Sister Judith, kailangan ko na raw hanapin ang bagay na gusto ko sa buhay. Eh ang gusto ko talaga sana ay maging tulad mo! Maging isang savior! Gusto ko ring makatulong sa mga tao gamit ang kapangyarihan ko! Tingin mo posible 'yon sa papalpaking tulad ko?"

At nang inangat ni Stanley ang libro para pagmasdan ito ay may isang maliit na pamphlet ang nalaglag mula sa pagitan ng mga luma nitong pahina. Naintriga naman si Stanley sa pirasong iyon ng papel kaya agad niya itong pinulot. Napukaw agad ang interes niya sa kaniyang nabasa. Isang public invitation pala ang nasabing pamphlet para sa mga Alters na mag-apply sa Military Allied and Defense Forces of America na mas kilala sa tawag na "MADFA" bilang support personnel ng kanilang Agent Deployment Unit. Sinasabi na ang MADFA ang pinaka malaki at pinaka mahusay na Alter-based military unit, hindi lamang sa Amerika, kundi maging sa buong mundo.

"Wow..." napahangang sambit ni Stanley habang nakapako ang tingin niya sa pamphlet. Marami na kasi siyang narinig na maganda tungkol Military Agency na iyon. Tumutulong sila sa mga tao, lumulutas ng mga problema at humuhuli sa mga masasama. Pero higit sa lahat, marami sa mga Alter Agents na nagtatrabaho sa agency na iyon ay maihahalintulad sa mga astig na super hero, isang bagay na noon paman ay pangarap ni Stanley na magkatotoo para sa kaniyang sarili.

"Ito na 'yon..." jackpot  ang tingin ni Stanley sa pamphlet na hawak niya. Ngayon na lang ulit kasi nag-anunsyo ang MADFA ng imbitasyon sa mga Alters na magtrabaho para sa kanilang unit sa loob ng humigi't kumulang napitong taon. "Mukhang nagsawa na ang kamalasan sa akin sa wakas! Ito na ang hinihintay kong suwerte! Papasok ako sa MADFA, at magiging Alter Agent ako!"

At iyon nga ang plano ni Stanley. Papasok siya sa MADFA para maging isang Alter Agent. Mukha lang madali? Iyon ang akala niya...

"Hindi mo ba alam na mahirap makapasok sa Military Agency na iyon huh, Stanley?" duda at diskumpiyadong komento ng isa sa mga batang helper ng bahay-ampunan na si Rupert. Kasalukuyan silang naghahanda ng almusal sa kusina para sa mga bata nang ibinahagi ni Stanley sa kaniya ang plano nitong pagpasok sa MADFA paglabas na paglabas nito ng bahay-ampunan. "Gagawin mo lang na katatawanan ang sarili mo doon! Mag-isip ka nga?"

"At bakit naman?!" nakikipag-talo nang sagot ni Stanley kay Rupert. "Matagal ko nang pangarap na makapasok sa isang trabaho kung saan magagamit ko ang pagiging Alter ko. Isipin mo nga! Palpak ako sa mga pantaong gawain. Baka yung pang Alter  na trabaho ang perfect para sa akin!"

"Hahaha!" tinawanan lang ni Rupert ang ideya ni Stanley. Hindi naman sa pang-iinsulto, pero para kay Rupert, si Stanley ang tipo ng tao na kahit saang trabaho mo ilagay ay siguradong papalpak. "Pustahan tayo, Stan, hindi ka tatagal doon! Akala mo ba simpleng pagbabalat at paghihiwa lang ng sibuyas at bawang ang gagawin mo doon gaya ng ginagawa mo ngayon? Wala sa hitsura mo ang magliligtas ng tao, dude! Disaster maker, pwede pa siguro. Number one ka doon, believe me!"

"Grabe ka sa akin, Rupert! Akala ko pa naman kakampi kita!" samang-sama ang loob ni Stanley na iginisa ang sibuyas at bawang sa mainit na kawali na may mantikilya. Sa paggigisa na lang niya idinaan ang hinanakit sainsultong narinig niya sa kaniyang kaibigan. "Ah basta! Papasok ako roon! Tutal naman, may clearance na ako kay Sister Judith na umalis rito sa ampunan. Paglabas na paglabas ko rito sa makalawa, sa San Diego na ako didiretso!"

Tinaasan ni Rupert si Stanley ng kilay, sabay sabi na...

"Alam mo ba talaga ang sinasabi mo?"

"Oo naman!" kumpiyansang sagot ni Stanley habang sige parin ito sa paggigisa ng sibuyas at bawang.

"Talaga lang, huh." Sagot ni Rupert. "Nasa New York ang Head Quarters ng MADFA at wala sa San Diego, Stanley."

Natigilan sandali si Stanley sa paggigisa niya.

"T—talaga? Nasa New York ba?"

"Kita mo na?" ang sabi pa ni Rupert sa binata. "Simpleng address na nga lang kung saan ka pupunta, 'di mo na alam. Paano pa kaya ang maging isang Alter Agent? Hindi ka matatanggap doon! Masasaktan ka lang kapag nabigo ka."

Bahagyang napahiya si Stanley. Bagama't alam niya ang gustong iparating sa kaniya ni Rupert, pero mas nananaig parin sa kaniya ang kagustuhan na gawin ang sa tingin niya'y magbibigay ngkahulugan sa kaniyang buhay.

"Ah, basta!" giit ni Stanley sa kaniyang kasama. "Kahit saan pa 'yan! Wala akong pakialam! Pupunta parin ako sa MADFA at makikilala ako ng lahat bilang ang pinaka magaling na Alter Agent! Tandaan mo 'yan!"

Napatawa na lang si Rupert nang mga sandaling iyon. Hindi para insultuhin si Stanley, kundi para hangaan ang 'di matatawarang determinasyon nito sa kabila ng katotoohanan na wala itong kapaga-pag-asa na magtagumpay sa plano nitong pumasok bilang Alter Agent sa MADFA.

"Hay, ewan. Bahala ka na nga. Basta huwag kang uuwi rito na umaatungal ka dahil nabigo ka. Pagtatawanan talaga kita."

"Hehe, ako pa! Wala yata sa bokabularyo ko ang salitang sumuko no!"

"O sya, o sya!" kinuha na ni Rupert ang inihanda niyang sandwiches para sa mga bata. "Intindihin mo muna 'yang pagluluto mo nang maniwala ako sa iyo. Kanina ka pa gisa ng gisa d'yan eh, sunog na yang niluluto mo."

Natauhan naman bigla si Stanley sa sinabi ni Rupert tungkol sa niluluto niya, lalo na nang maamoy nito ang nasusunog na bawang at sibuyas mula sa ginigisa niya.

"Waaa! Sunog! Sunog!"

Napatay naman agad ni Stanley ang apoy bago pa tuluyang magliyab ang niluluto niya. Pero tulad ng inaasahan, hindi na mapapakinabangan pa ang ginisa niyang sibuyas at bawang.

"Hay, naku naman! Uulitin ko na naman ang paggigisa nito!"

Sa kabila ng mga nangyari ay saya parin ang makikita mo sa mukha ng binatang si Stanley. Buo na kasi ang loob niya na maging isang Alter Agent. Bagama't naroon ang posibilidad na mabigo siya, handa naman siyang gawin ang lahat para mapagtagumpayan ang mga bagong hamon na magpapabago ng malaki sa buhay niya.

"Tama. Magiging mahusay na Alter Agent ako – ipinapangako ko 'yan!"

END OF CHAPTER ONE

avataravatar
Next chapter