webnovel

(Havoc Gangsters Arc) Chapter 70 - Herb Search, Into A Different Dimension

Shannon Pretini Point Of View

"Ang init ayoko na!" Angal ni Alena sa amin habang naghahanap kami ng Hypuke Herbs para sa gagawing Potion Brewing bukas.

"Alas kwatro na kaya ng hapon, Alena. Pinagsasabi mo?" Angal kay Alena ni Tinzel.

"Heler, nasa loob tayo ng kagubatan eh..." Angal ulit ni Alena sa kaniya pabalik.

"You two idiots, bakit ba kasi kayo sumama dito sa amin?" Sabi naman sa kanila ni Devorah.

"Hah? It's okay 'diba? Since nagdo-dorm na ako dito sa Palkia City." Nakangite na sabi ni Alena kay Devorah na bumuntong hininga.

"Well I'm into collecting the Herbs. I don't have time for tomorrow kung sa kagubatan malapit sa bayan natin pa ako maghahanap." Katwiran naman ni Tinzel.

"Boss. Okay lang ba kayo?" Tanong naman ni Senju sa akin. Inabutan niya ako ng bote ng tubig.

"Thank you I'm fine." Sabi ko sa kaniya. Tinanggap ko ang bote at kaagad na ininom ang tubig na laman nito. "South! Ipasan mo'ko!!" Sigaw ko naman kay South na nasa malayo, talagang he's into searching Hypuke Herbs.

Lumapit naman si South sa akin at inihanda ang kaniyang sarile. "S-Sure boss." Pumasan naman ako sa kaniya.

"Sayang hindi sumama si Rialyn." Sabi ni Devorah.

"Pati na sina Que at Moon." Sabi naman Senju.

"Busy sila sa mga Houses nila kaya wala kayong magagawa." Singit naman ni Meryl sa usapan. Himala na sumama sa amin ang babaeng 'to. Though she's reading a book while walking.

"Tss. Meryl, paano ka makakahanap ng Hypuke Herbs kung patuloy ka sa pagbabasa ng libro na 'yan." Angal sa kaniya ni Devorah.

"I'm reading a book about Hypuke Herbs." Paliwanag naman ni Meryl sa kaniya.

"Meryl's a studyholic." Reaksyon naman ni Tinzel.

"Look guys. I found one." Hyper na sabi naman ni Alena sa amin. Naka-hanap siya ng isang maliit na Hypuke Herb.

"Wah. Ang swerte naman." Reaksyon ng mga kasama namin sa kaniya.

"Saan banda mo nakuha 'yan?" Tanong ni Devorah.

"Oo nga Alena." Sabi naman ni Tinzel.

"That's a little Hypuke Herb. No wonder." Mahinang sabi ko naman na si South lang ang nakarinig.

"What do you mean boss?" Tanong niya sa akin.

"Mas lumalaki ang mga Hypuke Herbs sa lugar na malapit sa bodies of water at madilim na lugar. Mas epektibo ang mga malalaking Hypuke Herbs keysa sa mga maliliit na common na kinukuha ng mga Herb sellers sa mga kagubatan at ibinebenta sa market na binibili ng mga Potion Brewers." Paliwanag ko sa kaniya.

"So saan tayo maghahanap boss?" Tanong niya.

"Walk into East from where you're standing. Don't stop walking until we reach our destination. Nevermind those guys, we're gonna find Hypuke Herbs." I instructed him na agad naman niyang ginawa.

Iniwan namin ni South ang mga kasama namin at nagtungo kami sa direksyon kung saan naramdaman ko sa hangin ang presensya na malamig, simoy ng hangin na galing sa isang batis.

Ilang minuto na naglakad si South patungo sa batis. Agad akong bumaba at tumalon para maligo sa batis nang makarating kami.

Ang daming Hypuke Herbs ang nakita namin na masayang binunot ni South habang ako, nagsi-swimming.

"Jackpot boss." Sabi niya sa akin.

"Jackpot ka diyan. Dagdagan mo ang kukunin mong Hypuke Herbs. Pati yung mga kasama natin bibigyan natin." Sabi ko naman sa kaniya. Nilangoy ko ang maliit na isla na nasa gitna ng batis na mayroong magandang puno na matingkad na berde ang mga dahon.

"Boss. Mag-iingat ka po." Sigaw naman ni South sa akin.

"I'm not a kid idiot. Magbunot ka lang ng Hypuke Herbs diyan." Asar na sabi ko naman sa kaniya.

Kakaiba ang naramdaman ko sa puno, kaya hindi ko ito hinawakan. Lumangoy na lang ulit ako at umahon, tinulungan ko si South na kumuha ng mga Hypuke Herbs.

Matapos naming mangolekta ni South ng Hypuke Herbs ay bumalik kami sa kinaroroonan ng mga kasama namin at umalis sa kagubatan, pabalik sa Palkia City. Mayroon na kaming ipapasa sa assignment namin bukas.

*****

Pagkatapos naming kumain ng hapunan nina Senju at South sa bahay na aming tinitirhan, nagpaalam ako sa dalawa na mayroon akong kailangan na gawin. They are worried that it might be urgent, but I just told them to calm down and wait for my return.

Bumagabag sa akin ang nakita ko na puno sa batis kanina na pinuntahan namin ni South.

Ewan ko ba kung papasa pa ba ako sa kalokohan kong ito. Ang dami ko ng absent. Mabuti na lang at hindi naiinis sina Senju, South at Rialyn sa pagaabsent ko madalas dahil lang sa pansarile kong interes.

Bumalik ako sa batis, gumawa ako ng apoy na pakpak at lumipad at pinuntahan ang maliit na isla na nasa gitna nito kung saan nakatanim ang puno.

Hinawakan ko ang puno at hinimas ang hindi naman magaspang na balat ng katawan nito. Hindi ko inaasahan na bigla itong nagliwang at isang malakas na pwersa ang kung ano mang humila sa akin sa isang tila portal na nagmula sa puno.

Sa isang iglap ay napunta ako sa ere at nahulog sa isang ilog. Agad akong umahon at pinagmamasdan ang paligid.

Damn it, Palkia sure has many mysterious wonders, this is a Mana Zone.

Makulay ang mga halaman. Blue na blue yung tubig ng ilog. Sinundan ko ang daloy ng tubig nito at nagulat na nakitang mayroon itong hangganan. Hinawakan ko ang hangganan ng ilog at nahawakan ang isang invisible na pader na nandito.

"What the hell is this?" Takang sabi ko sa hangin.

Naramdaman ko naman ang biglaang pag-atake sa akin ng kung sino mang nasa ilog. Umilag ako at nagtungo sa kabilang bahagi ng ilog. Yung umatake sa akin ay nasa kabilang bahagi naman.

Isang babae na mayroong blonde na buhok. She have black eyes, black eyelashes, black flat eyebrows, nubian nose, uneven lips, inverted triangle shaped head, porcelain skin tone.

She's wearing a white dress. She's holding a long sword which she used to attack me.

"Stage 2." Sabi ko naman nang aking malaman ang kaniyang stage rank.

"Intruder." Sabi niya sa akin. "Water Swordstyle, Whirlpool Slash Cannon." May tubig na namuo at nagpa-ikot-ikot sa kaniyang espada. Iwinasiwas niya ito sa aking direksyon at kumalawa ang mala buhawi na tubig na sumugod sa akin.

Gumawa naman ako ng fire barrier at nagawa kong masalag ang atake ng babae sa akin.

"Listen to me. I'm not a intruder. I don't even know where am I." Paliwanag ko naman sa babae na nagtaas ng kilay sa akin.

"Kung ganon anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"May puno akong hinawakan tapos bigla na lang ako nitong hinigop papasok dito."

"Kung ganon, malakas kang Magic Wielder kaya ka nahigop ng puno na siyang gate ng mundong ito at ng pisikal na mundo." Paliwanag niya sa akin.

(Magic Wielder? 'Yun ba ang tawag nila sa mga Magus dito?) Asar na sabi ko sa aking sarile.

"It's not safe to be here. Sigurado akong papunta na dito ang mga tauhan ng reyna." Saad niya. Tumalon siya palapit sa akin at hinawakan ako sa aking pulsuhan at tumakbo papasok sa kagubatan. Umalis kami sa ilog.

"Hindi ko pa naipapakilala ang sarile ko. Ako si Mariel, isa akong Dryad." Pagpakilala niya bigla sa akin.

"Dryad?" Takang sabi ko naman. Umihip ang hangin at hinawi nito ang buhok niya. Nakita ko ang matulis na tenga ni Mariel.

"We Dryads are the only monster race who are still alive." Dagdag na sabi niya. Nakakita kami ng isang kweba at pumasok kami doon.

Tinahak namin ang daanan na masikip, pababa. Nang makarating kami sa paroroonan namin, isang napaka-gandang kwarto na mayroong mga furniture sets ang tumambad sa akin.

"This is my cave house, feel at home." Sabi niya sa akin. Dumiretso siya sa kitchen area ng lugar na ito. "I'll brew you some tea." Sabi niya pa.

Umupo naman ako sa isang sofa na ang lambot. "Ang lambot naman ng sofa na 'to." Reaksyon ko.

"Gawa 'yan sa Brize Cotton. Dito lamang sa Dryaland makikita ang bulak na 'yan." Paliwanag naman niya sa akin.

Natapos na siyang magtimpla ng tea at inabot ito sa akin. Maingat kong hinawakan ang tasa at uminom ng tea.

"By the way, ano ang pangalan mo?"

"Shannon Pretini."

"Lie." Nagulat ako sa sinabi niya. "I can tell if you're lying. Your eyes says it." What the hell...

"Mary Mchavoc." Pagpakilala ko sa kaniya.

"Ang ganda ng pangalan mo Mary. Nice to meet you." Masaya na sabi niya sa akin.

"Same." Tipid na sabi ko saka ko inubos inumin ang tea ko. "Mariel. Alam mo ba kung paano ako makakalabas sa lugar na 'to?" Tanong ko sa kaniya.

"Alam ko. Pero baka mapahamak ka." Alalang sabi niya. "It's so rare for me to see a female human to enter in this place. Kamusta ang lagay ng pisikal na mundo Mary?"

"Magulo. Maraming mga masasamang tao ang nabubuhay ngayon sa mundo. Kaya gusto ko ng makabalik at wakasan ang Kasamaan nila."

"Makakabalik ka lamang sa pisikal na mundo kung mapapapayag mo ang reyna." Sabi niya sa akin sa paraan.

"Kung ganon, dalhin mo ako sa kinaroroonan ng Reyna."

"Hindi nga lang 'yon ganon kadali." Lumungkot naman ang kaniyang ekspresyon. "Dahil isa din akong nagtatago na Dryad mula sa reyna."

"Bakit ka naman nagtatago sa kaniya?"

"They are nuts. Bawat taong napadpad sa mundong ito ay pinapahirapan nila nang husto. Galit ang reyna sa mga tao dahil sila lamang ang hindi naapektuhan sa ginawang Great Cleansing noon sa pisikal na mundo."

"Are you talking about the Destruction of Abundant Magic and Monster Races?" Curious na tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.

"H-How did you know that?" Tanong niya pabalik sa akin. "The first

15,000 years of the physical world's history was completely erased. There's no such thing that can give you information about the first 15000 years history."

"There is something. It even granted me the power to protect it from the hands of evil. I cried, smiled, laugh, felt hype for the beginning history of this world. I'm glad that such thing exist to tell the amazing past of the Monster Races who save this world before against the Real Demon Rulers. The Great Demon Lord's ideals is my inspiration." Malungkot na natutuwa na sabi ko kay Mariel.

"Amazing. Even I don't know much about the beginning history of the physical world. It must be the greatest day of your life, knowing the truth about this world."

"Yeah. It's the greatest day of my life." Ngumite naman ako ng walang halong kaplastikan. "Kaya Mariel. Sana, tulungan mo ako na makabalik ako sa pisikal na mundo. Kailangan kong protektahan ang Giftia."

"Ako'ng bahala. Tutulungan kitang makalapit sa reyna." Pagpayag naman niya. "Sana huwag kang mapahamak." Pahabol na sabi niya.

"Huwag kang mag-alala. Malakas ako." Madiin na sabi ko naman

Itutuloy.