webnovel

(Havoc Gangsters Arc) Chapter 69 - The First Gang Gathering, The Mchavoc Family

Andrew Crimson Point Of View

That bitch. I never felt an intense aura like that before. Matapos ang ilang sermon sa amin ni Headmaster Rodeo, dinismiss niya din ako palabas sa Headmaster's office.

Nauna niyang sinermonan si Shannon Petrini na kanina pa umalis.

Sa inis ko. Nagtungo ako sa hideout ng Gang ko at sumakay sa isang kabayo na nakatali doon. Pinatakbo ko ang kabayo patungo sa Mchavoc City kung saan ako nakatira.

Nang makarating ako sa Mchavoc palace, padabog kong binuksan ang pinto ng office ni lolo kung saan nakita ko si mama rito. As usual, may paperwork's silang ginagawa.

"Hello 'ma. Hello 'lo." Bati ko sa kanila. Umupo ako sa isang couch.

"Oh anak. Umabsent ka ata sa afternoon class."

"Tss.....yes 'ma. Bad trip." Tugon ko naman.

"Ano bang nangyari apo? Gang fight na naman? Bakit ba kasi hindi ka na lang tumigil sa mga gang-gang na 'yan. Ilan na ba ang napatay mo dahil diyan?" Ayan na naman si lolo.

"Tss.....ayoko 'lo. Gangster ako at 'yun ang gusto ko."

"Eh bakit kapa nag-aaral sa Academy kung 'yun lang din ang punta mo?" Tanong niya na naman.

"Dahil gusto kong magtapos. Baka dumating yung araw na mabored ako sa pagiging Gangster at sumunod sa yapak ng favorite apo mong si Mary Mchavoc, na isang Adventurer." Bulalas ko.

"Anak. Don't talk about like that on your late cousin. Ang tabas ng dila mo." Saway sa akin ni mama na nainis sa sinabi ko.

"Siya nga naman hijo. Patay na nga ate mo."

"Hindi ko nakita nang personal kahit isang beses sa buhay ko na 18 taon si Mary Mchavoc." Angal ko naman.

"Bastos ka talagang bata ka. Kung hindi dahil sa pinsan mo, wala sa ating mga taga Vlade Empire ngayon ang kung ano mang buhay na mayroon tayo. Tigil-tigilan mo nga 'yang pagiging Gangster mo na iyan Andrew. Napapalihis kana sa tamang pangangatwiran." Sermon ni mama.

"'Ma, hindi ako titigil sa pagiging Gangster ko. Sorry kung ganon ang naging dating sa inyo ng sinabi ko patungkol kay Mary Mchavoc."

"Ate Mary Mchavoc!" Pagkoreksyon ni lolo.

"Ate." Sabi ko naman agad.

"Hays nako apo." Sabi naman ni lola na pumasok sa silid. Umupo siya sa tabi ko. Nagmano naman ako sa kaniya. "Alam kong idolo mo 'yung ate mo kaya ka naging Gangster. Kaya Mayrick, Misha anak hija, huwag kayong mainis sa apo ko. Siguradong inspirasyon niya naman talaga noon ang magkapatid na sina Mary at Arsah."

"Pasensya na po ma. Iba lang talaga ang naging dating sa akin." Sabi ni mama kay lola.

"Me too dear. Sorry." Sabi naman ni lolo.

"Si kuya nga pala. Nasaan?" Tanong ko naman sa kanila. My big brother was supposed to be in here because he's suspension just ended three days ago.

"Saan paba? Kasama ng papa mo si Andrei sa Minwell City. Alam mo naman na ang kuya mo ang successor ng House Of Crimson na siyang namamahala sa siyudad na 'yon." Tugon ni mama sa akin.

"Hah. Mabuti na lang talaga at pangalawang anak ako." Nagalak na sabi ko naman. But deep inside, I'm frustrated that he's not present in here. Pupuntahan ko siya bukas sa Minwell City, I need his help. Kailangan kong pataubin ang Havoc Gang.

They are my family. My mother, Misha Mchavoc Crimson. She have a white curly hair, white asian eyes, white eyelashes, white s-shape eyebrows, nubian nose, uneven lips, heart shaped head, alabaster skin tone. She's sweet and loving.

Dalawang taon lang ang agwat ni mama kay Mary Mchavoc kaya para lang daw silang magkapatid imbes na magtita, sabi ni mama. Mother is turning 41. Si Mary Mchavoc naman ay turning 39 if only she's still alive, baka nagretiro siya sa pagiging Adventurer niya at nandito ngayon sa palasyo.

Sadly, sabi ni mama may pagkamaka-kalimutin si Mary Mchavoc. Baka daw nga nung mamamatay ito ay nakalimutan niyang may tita siya at pinsan na nabubuhay.

My grandfather, Mayrick Mchavoc. He's kind and caring. He also have white hair, white eyes, black eyelashes, black high arched eyebrows, snub nose, full lips, diamond shaped head, sand skin tone.

My cousin, Arsah who visits us here every month who is also responsible for training me is calling grandfather cheesy gramps. Grandfather is handsome when he was young. Sabi pa nga ng iilan ay dahil kay lolo naganap ang jealousy war dito sa Mchavoc City matapos dalhin sa bahay ni lolo ang maraming mga babae na siyang ikinagalit ng mga lover ng mga ito noong kabataan ni lolo. Matanda na si lolo. He's turning 90 pero kahit ganon, sobrang lakas pang kumilos at nagagawa ng maayos ang role niya bilang hari ng Mchavoc City.

My grandmother, Mavery Mchavoc. Kung ibabalik si lola sa kaniyang kabataan, pagkakamalan silang kambal ni mama ng mga tao. Grandma was a loving person. Maintindihin siya at kalmado palagi. Siya daw ang nagbabantay kay Arsah noong bata pa ito. Grandma turn 89 two months ago.

May iba pa kaming family members. Si papa. Si kuya Andrei. Si tito Mavin Mchavoc, kapatid ni mama na 57 years old na, ang late uncle kong si tito Rox na 72 years old na kung siya ay nabubuhay pa. Yung yumao kong pinsan na namatay noong 3 years old palang siya na hindi ko alam ang pangalan. Si Mary Mchavoc na 38 years old na ngayon kung nabubuhay pa siya at si Arsah na ngayon ay 31 years old na at isang malakas na Adventurer.

Kahit na hindi ko namana ang apelyido ng Mchavoc family, isa parin akong Mchavoc at ang isang Mchavoc ay hindi dapat natatakot kahit kanino.

Ang naramdaman ko kanina sa aura na ipinalabas ni Shannon Petrini ay talagang nakakatakot. Sigurado akong may itinatagong lihim ang babae na iyon at aalamin ko 'yun. Lalo na yung Mikey na umatake sa akin kanina. May naramdaman ako kanina sa batang 'yon. Parang may koneksyon kaming dalawa sa isat-isa.

Matapos ang ilang saglit na pakikipag-usap ko sa pamilya ko ay lumabas ako sa office at nagtungo sa kwarto ko. Binuksan ang drawer at kinuha ang first aid kit.

"Mabuti na lang at hindi nila napansin ang sugat ko sa ulo. Tarantadong bata na 'yun. May araw din siya sa akin." Inis na sabi ko sa hangin tsaka ginamot ang sugat kong natuyaan na malamang ng dugo.

*****

Third-person Point Of View

Dahil sa nangyari sa Academy kaninang lunch break, nag-anunsyo si Shannon ng Gang meeting kay Zayn na kaagad nitong ipina-alam sa mga miyembro ng gang.

Nag-tipon kinagabihan ang lahat sa headquarters ng Havoc Gang kung saan si Shannon na lamang ang wala. Dahil hindi alam ni Shannon ang lokasyon ng headquarters nila, kinailangan siyang samahan ni Zayn papunta sa lugar.

Nakarating si Shannon sa gusali kasama si. Nagulat si Shannon nang pumasok siya sa loob ng nito, mayroong isang malawak na iisang silid lamang sa first floor. Sa dulo ng malawak na silid ay mayroong stage na nakapagitna at sa magkabilang gilid nito ay hagdanan papunta sa ibabaw na mga floor na kung saan mayroong maraming kwarto naman na maaaring matuluyan.

Binigyan siya agad ng daan ng maraming taong nasa loob. Umakyat si Shannon sa stage, nakaharap siya sa mga miyembro na si Zayn ang responsable sa pag-recruit.

"Magandang gabi sayo, boss!" Bati ng mga ito sabay yuko.

"O-okay...s-salamat." Sabi naman ni Shannon sa kanila. Umigham siya. "Raise your heads." Utos niya na siyang ginawa naman ng mga ito. (Where and how the fuck Zayn manage to gather this number...)

"You fucking rude idiots...you lots are not allowed to call her boss, that's disrespectful for members like you...do your greetings again, call her 'Ma'am President!! Don't be so casual or else I'll sent you to hell." Biglang sumigaw si South.

Hindi naman siya binigo ng mga miyembro. Binati uli nila si Shannon. "Magandang gabi sayo, Ma'am President."

Bumuntonghininga naman si Shannon. (Ok. When did South became this terror idiot? Don't develop superiority complex now.) Sabi nito sa kaniyang sarile. "Tonight's the first time we are having our gang's gathering. This is the first time I'm meeting all of you...and I will take this chance to change and permanently announce the position of the higher-ups...those names I'm calling, please step forward...Vice President and number 2 of the gang, Rialyn Madzua. President's Wingmen and number 3s, Senju Fanah and South Avalo. He's not present here for a spying mission and not of you here met him yet, but I want you to know that he is the gang's spy and number 4, Star Voided. The Gang's Advisor and Business General and number 5, Zayn Erwan. Now for the unit leaders...1st Unit Captain, Rum Costco and his Vice-captain, Frosh Beelze. 2nd Unit Captain, Devorah Sullivan and her Vice-captain, Alena Waiters. 3rd Unit Captain, Meryl Davis and her Vice-captain, Tinzel Zacha. 4th Unit Captain, Que Zickayn and his Vice-captain, Moon Bay. 5th Unit Captain, Gemmalyn Baldonado and her Vice-captain, Johnbhel Santiago. Lastly, Isda who holds the position same with the Vice-captains." Umakyat sa stage ang mga tinawag ni Shannon.

Nagpalakpakan naman ang mga miyembro sa pagakyat ng mga mamumuno sa kanila.

"Our Gang, is going to bring down the 5 Dons!! Our first step from attaining a equal and peaceful land to live with." Muling nagsalita si Shannon at sumigaw naman ang mga miyembro sa kanilang narinig na nagustuhan nila nang husto.

"Havoc! Havoc! Havoc!" Malakas nilang isinigaw ang pangalan ng kanilang gang.

Sumenyas naman si Shannon sa mga tauhan niya na tumigil naman agad sa pagsigaw.

"Ngayong gabi, pag-uusapan natin ang patungkol sa Crimson Orange Gang..." Matapos itong sabihin ay biglang umupo sa sahig, sa stage si Shannon. "To be honest, I'm irritated by that gang because there are lots of narcissist in there." Muling nagsalita si Shannon. (They're reminding me of that man.)

"Pabagsakin ang Crimson!!" Bigla namang may miyembro na sumigaw. Kaya mayroong gumaya at paulit-ulit na isinigaw ang katagang ito.

"We won't do that shit." Natahimik sila sa sinabi ni Shannon na ito. "They are just bunch of clueless kids that don't know the world of gangsters. Wala kahit isa sa inyo ang papatol sa mga Crimson Orange gangsters, we need to prepare for battling the Dons, not them." Natahimik ang paligid saglit ngunit ito ay napalitan din kaagad ng sigawan na naman.

"Havoc! Havoc! Havoc! Ma'am President Shannon! Ma'am President Shannon!" Sigawan ng mga miyembro.

Nakangite naman na nakinig sa sigawan ng kanilang mga tauhan ang mga higher ups ng Havoc Gang.

Lumipas ang ilang minuto, nagsagawa ng celebration ang Havoc Gang, kaya sila nagsikain ng mga handa na si Zayn ang nag-asikaso bago ang meeting. Nag-hire siya ng mga tauhan na itinago at binantayan muna sa second floor ng building ang mga mesa at pagkain na ibinaba ng mga ito sa first floor kung saan naroon ang mga Havoc Gangsters. Nagsalo-salo ang lahat ng masaya, naginuman na din ang mga ito.

Matapos namang mabusog at malasing ng ilang mga miyembro, sa third floor ay pinasama ni Shannon ang mga high ranking officers ng kaniyang gang, dahil hindi pamilyar sa gusali, si Zayn ang naging guide nila.

Hindi nagpaligoy-ligoy si Shannon, sa kanilang pagupo lahat sa mga sofa na nasa isang office na maluwag, ipinaliwanag ni Shannon sa mga ito ang layunin ng Havoc Gang. Maging ang patungkol sa mga compass piece, Giftia at pati na ang pagkakaroon niya ng sampung Magic Abilities. Hindi niya sinabi sa mga ito ang patungkol sa tunay niyang pagkakakilanlan bilang si Mary Mchavoc.

Nagulat ang lahat sa narinig nilang sinabi ni Shannon sa kanila, subalit naging determinado at seryoso din ang mga ito kalaunan dahil sila ay nais naman na makamtan ang isang mundong patas ang lahat at mapayapa. Kung ang pagtalo sa mga Don at paghahanap para protektahan ang Giftia ang isa sa mga hakbang na dapat nilang gawin para matupad ito, kailangan nila iyong gawin ng buo at may lakas loob.

Hindi naman nagsisi si Shannon na sila ay napili at naging miyembro ng Gang nito. Dahil wala ni isa sa mga ito, ang kaniyang nakikitaan sa mata na mayroong pagaalinlangan na gawin ang layunin ng Havoc Gang.

Subalit, pinagbilinan ni Shannon ang mga high ranking officers na bawal sabihin sa mga unit members ang patungkol sa mga compass pieces at Giftia dahil ayaw niyang mayroong mamuong malakas na pagkaganid sa kalooban ng mga ito.

*****

Shannon Pretini Point Of View

The next day, after our first gang gathering last night, siyempre balik eskwela parin kami.

"Today's lesson is about the Hypuke Herb. It's the herb which is commonly used by Potion Brewers to create healing Potions which can heal wounds like slash wound on skin or mid difficulty poisoning." Pag-tuturo ng teacher namin sa 2nd Period ngayong afternoon class.

Grabe ang antok ko. Sobrang dali ng tinuturo sa amin. "Rialyn..... inaantok ako." Bulong ko kay Rialyn.

"Bare with it. Matatapos na." Sabi naman niya ng pabulong pabalik sa akin.

Pinilit ko namang manatili na nakadilat ang mga mata ko. Matapos ang ilang minuto, "class that's it for today. For your assignment, I want you to bring bunches of Hypuke Herbs tomorrow. We will brew Healing Potions in the lab. Remember, I can tell if you bought a Hypuke Herb products. I want you to search and collect the herbs for yourselves." Pagbigay ng teacher ng assignment sa amin. "Goodbye." Lumakad na siya paalis.

Agad ko namang ibinagsak ang ulo ko sa mesa ko. "Antok." Sabi ko saka ako natulog.

Next subject is Sheina's subject to teach, and I doubt that she'll wake me up from my beautiful slumber.

Itutuloy.