webnovel

Gitara Part 6

Guitara ; A Love Story part 6

-=CHAPTER 6=-

Janessa

Wahehehe... mu~g konti na lang eh mahuhulog na sa upuan nya si Joshua... wawa naman... Hala, malay ko bang sobra pala kung kabahan toh... Eh nananapak nga't lahat... Meet the family lang, matutunaw na! wahahahaha

Joshua: B-bakit ba ko nandito? Ipapa-assassinate yata ako eh!

Nyekz... ano raw? Hala, nagdedeliryo na...

Ako: Sira! Anong assassinate? (subo ng leche flan ko) Ehwan ko nga rin ba eh... Basta sabi ni mommy dalin daw kita..

Joshua: (napatingin sa'kin) Mommy mo nag-imbita sa'kin?

Ako: Yah... Sa tingin mo ba eh isasama talaga kita dito? Eh di naman kita bf noh... (silip sa likod nya) Husssh na... Nandito na sina tita...

Biglang nag-straighten ng upo si Joshua... Hmmmm... interesting... Mu~g mag-eenjoy ako sa panonood ng conversation na toh ah!

Baka dapat kumuha na ko ng balde para sa pawis ni Joshua...

Inubos ko na kagad ung leche flan ko, tungga ng tubig, sabay nagrelax sa upuan ko... Saktong dating nina Tita Lisa at ni mommy...

Ladies and gentlemen, please take ur seats... Magsisimula na ang show...

Tumungga rin ng tubig si Joshua nung naupo si mommy sa tabi nya, tapos si tita tumayo sa tabi ko...

Mommy: (ngiti kay Joshua) Ah, ikaw pala ung sinasabi ni Kristine na laging kasama ni Nessy...

Note to self: sakalin si Kristine...

Lokang un... itsismis ba ko sa nanay ko...

Tita Lisa: (tingin sa'kin) Janessa, lika, samahan mo ko sa mga lola mo, at kukunin ko na si Tristan...

HUwaaattt?!?! Kukunin mo ko and miss all this excitement??! Tita naman... Yaan mo na muna ung anak mo dun...

Wahehe... Bait noh?

Tumingin ako sa tita ko, tapos kay mommy, tapos kay tita uhlet -- wag na si Joshua...

Ako: But, tita...

Mommy: Sige na, Nessy... Don't worry, di ko naman kakainin tohng kaibigan mo...

Hala... Kainin mo na, bastah ba makita ko...

Syempre, dahil masunurin akong bata, tumayo ako at sumunod kay tita papunta sa kabilang dako ng room... Lumingon lang ako sandali para tingnan si Joshua...

Wahahahahaha... mu~g hihimatayin na oh! wahahahahaha... Kulang na lang sabihin, "Nessy!!! Don't leave me!" wahaahahahaha....

Tita Lisa: So, nakausap mo na ba si Kristine?

Hopia! Balik tingin...

Ako: About saan poh?

Tita Lisa: Sasama na sya sa'min pabalik ah

Ako: Ng States?!

Avah, wait a minit! Sasakalin ko pa un eh!

Tita Lisa: Yes... Gusto kasi ng lolo nya dun na sa States na sya mag-college... Kaya ahyun, pagbalik namin bukas, kasama na sya..

Aba'y lokang un! La man lang sinabi sa'kin!

Ako: Gosh...That means ako na lang mag-isa sa apartment...

Tita Lisa: (natawa) We'll see...

Hmmmm? Ohkkkkaaaaaaaaayyyyyyyyy.... Mu~g may na-miss ako sa mga discussions sa world ah...

Pagdating namin kina lola, nakipagchikkahan lang kame sandali, kinuha ung bulilit na si Tristan, tapos, umikot na para bumalik kina mommy...

Pagbalik namin, ngumiti si mommy kay Joshua, tapos tumayo na...

Mommy: (kay Joshua) It's really nice meeting you, Joshua... (tingin sa'kin) You, mag-uusap tayo mamaya sa bahay...

Pagkatapos nun, umalis na sila ni tita Lisa... Ako naman, syempre, halos madapa sa pag-upo katabi ni Joshua...

Ako: Anong pinag-usapan nyo? Ano nangyari?

Joshua: La na... Ulam na ko...

Ako: Ano?

Joshua: Langya, nilagyan ako ng manok, toyo, mantika, at tubig! Sandamakmak na tanong sa interview ang natanggap ko!

Ako: Eh?

Joshua: Oo nga! (hila ng konti ung sleeve ko) Nessy... Uwi na tayo... Kinikilabutan na ko eh...

Ako: Sira! Kakarating lang naten eh... Tsaka wag kang mag-alala... Mga nag-ffeeling close lang yang mga yan..

Sinimangutan ako ni Joshua, sabay balik sa pagkain nya... Ako naman, napatingin sa direksyon nina mommy...

Anoh nga bang nangyayari?

Janessa

Bandang 7 PM kame nagsi-uwian... Sina mommy at daddy dun sa isang kotse, tapos si Joshua, si Ate Janet, at si Kuya James nasa kotse ko... Si ate natutulog sa tabi ko, samantalang ung dalawang lalake eh nasa likod... Mga pasaway...

Naglalaro sila nung ung hinuhuli ung kamay nung isa para hampasin... Ang gulo nga eh... Ayaw kaseng magpatalo pareho, kaya un, ang ingay nila sa likod -- buti na lang nakatulog pa rin si Ate...

Pak!

Joshua: Wahahahaha!!! Panalo ako!!!

Kuya James: Hala! That's not fair! Di pa ko handa eh! Isa pa!

See what I mean?

At imagine, isang oras poh kameng nagbbyahe... Dalawang ma-ingay sa likod...

Buti na lang di pa napuputol mga kamay ng mga toh...

Pagdating namin sa apartment, pinapasok ni mommy si Joshua sa loob... Syempre, dahil sa takot, eh sumunod naman si horsey...

Pagkapasok na pagkapasok namen, eh inupo kagad kami ni daddy sa living room... Tapos sina ate at kuya, diretso sa kwarto na tinutulugan nila...

Teka... anong ginawa ko? Mu~g may sermon pa ko?

Ako: Okay, dad, kung ano man un, I didn't do it!

Daddy: Noh ka ba? Masyado kang defensive...

So wala akong ginawang masama... Bahket ako inupo dito? Kasama pa tohng horsey na toh sa tabi ko?

Joshua: (bulong sa'kin) Dinamay mo pa ko... Anong ginawa mo?

Ako: Sira! Wala akong ginagawa noh!

Pag-upo ni mommy sa tabi ni daddy, tahimik kami biglang dalawa...

Mommy: Okay... Janessa... Siguro naman alam mo nang sasama na pabalik si Kristine sa States?

Ako: Yah... kanina nga lang eh.

Joshua: Aalis na si Tin?

Ako: (tingin sa kanya) Kakasabi lang noh?

Joshua: Nililinaw ko lang... Bahket ba taray mo? (biglang tingin sa parents ko) Just stating the obvious...

Natawa si daddy...

Hala! Tama ba un?! Dapat ako kampihan nya ah!

Mommy: So anyway, pinayagan ka namin na dito mag-aral kasi may kasama ka sa apartment, and may magbabantay syo...

Hala, pinalaboy nga ako ni Kristine eh!

Mommy: And since aalis na si Kristine, you have two choices...

Uh-oh... I don't like the sound of this... L

Daddy: It's either babalik ka na rin ng Chicago --

Joshua: (napatayo) What?!?

Napatingin kaming tatlo bigla sa kanya...

Joshua: (dahan-dahang umupo) I mean, ahem, that's your call. So, uh, yeah... whatever...

Wahihihi... namumulang horsey! wahahaha...

Ako: (balik tingin kay dad) I don't want to go back yet...

Mommy: That's what we figured... So, we have another option for you... Take it or leave it...

Ako: Okay?

Mommy: Kinausap naming mabuti si Joshua kanina, trying to get to know him, and sa tingin naman namin eh, mabait naman sya, matino...

Matino?!?! Nababaliw na ba kayo?!? Anong matino dyan sa taong yan?!?

Wait nga, saan ba punta nito?

Daddy: So, ang other option namin is... (ngiti sa'kin) Is that you live with Joshua!

Ako at si Joshua: (napatayo) What?!?

Mommy: Isn't that great?

Oh my golay...

Ako na yata ang hihimatayin!

Joshua

Isa lamang itong masamang panaginip at maya-maya, gigising na ko...

Huy! ehto na ung oras na gigising ka!

Waaaaaaaaaaaaaahhhhh...ibig sabihin, gising na ko? totoo lahat toh?!

"Huy! Mas nagmumukha kang horsey pag ganyan mukha mo..."

Tiningnan ko ng masama si Janessa... Sasakalin ko na tohng babaeng toh eh... Horsey?!? Ang gwapo-gwapo ko!

Janessa: Ooooohhh... Ang taray ng look...

Lumabas na kami ng apartment nila para makauwi na ko... Ang tanging last time na ma-eenjoy ko ung apartment ko...bago ako ma-invade ng meatballs... huhuhu...

Janessa: Hey, don't feel so bad... It couldn't be that bad, lalo na since pinagkatiwalaan ka kagad ng parents ko, which is very weird considering that you're a guy...

Ako: Ano ka ba?! Di ka man lang ba na-papanic sa lahat ng toh?!

Janessa: (napaisip) Well, yah... R Pero mas ayoko naman bumalik pa ng Chicago noh... If that's the only way to stay, then kahit daga pa kasama ko sa bahay, titira pa rin ako dun!

Umikot kami sa isang kanto, sabay tumingin na ko sa kanya...

Ako: Sige na bumalik ka na... Baka mahaltak ka pa ng kung sino...

Janessa: (tinaasan ako ng kilay) Nakz, concerned si horsey?

Bubwit na babae toh!

Ako: Anoh?!? Hinde noh! Eh kung ako pa sisihin ng mga magulang mo pag nawala ka?! Umuwi ka na nga!

Janessa: (natawa) Hinga muna, hinihigh blood ka na eh... Sige poh, see yah tomorrow horsey!

Ako: Joshua! Joshua pangalan ko!

Tumawa lang uhlet sya tapos tumakbo na pauwi sa kanila... Pag di ka nga naman hinigh blood habang bata dun sa babaeng un...!

Tinitigan ko muna sya hanggang sa makapasok sya pabalik ng apartment nila...

Ngayon pa nga lang na sandali lang kame magkasama, tumataas na dugo ko,

Ano na kaya mangyayari kung titira pa kami sa isang bahay?

to be con't...