webnovel

Gitara Part 5

Guitara : A Love Story part 5

-=CHAPTER 5=-

Janessa

"NEsssSSYyyYYY!!! Gising na!!!! Tulog mantika ka!!!"

Bubwit... Sino ba tohng aga-aga eh nambubulabog?

Binuksan ko ung isa kong mata, sabay biglang napatalon nung nakita ko kung sino ung nakasilip sa'kin...

Ako:WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Horsey?!?!?!

Joshua: Anong horsey?!? Langya, umagang-umaga, nang-aaway ka nanaman...

Ako: Ano bang ginagawa mo dito?!?!

Tingin ako sa paligid... Nasa kwarto ko naman ako, so di ako nakitulog sa apartment nya...

Joshua:

Ano ka ba?! Walang pasok si Kristine ngayon, sabi ko syo, susunduin

kita, sabi mo okay... Ano ka ba?! Nauulyanin ka nanaman...

Binato ko sya ng unan...

Ako: Anong ulyanin?!? Sira! Bagong gising lang ako! Lumabas ka na nga!

Joshua: (sinalo ung unan sabay tawa) Mu~g mali ang gising mo ah... Sungit..

Ako: Che!

Lumabas na sya ng kwarto, sabay ako naman, tumayo na rin... Bubwit talaga ung si Joshua... Panira ng araw eh...

Binuksan ko ung closet ko, at tinitigan ung mga damit.. Bakit ba feeling ko eh may nakakalimutan ako? Hmmmm...

*gasp!

Bigla akong napatakbo palabas ng kwarto, at hinanap si Joshua...

Ako: (sigaw) Joshie!!!

Joshua: (napatakbo sa'kin may dalang kawali) Oh?! Bahket?! Anoh?!

Napatigil ako, sabay tingin dun sa hawak nyang kawali...

Ako: Ano yan? Bakit mo dala yan?

Joshua: (tingin rin dun sa hawak nya) Ehto? Eh di kawali... Magpprito ako ng itlog eh... (tingin uhlet sa'kin) Teka nga, bakit ba nagsisigaw ka dyan?

Ay, oo nga pala... Panicked nga pala ang emotion ko dito...

Ako: Ano ka ba?!? Alam mo ba kung anong araw ngayon?!

Joshua: (ngiti sa'kin) Ah! Monthsary ba natin ngayon?

Ako: Neknek mo! Anong monthsary-monthsary ka dyan?!? (binatukan sya) Ano

ba?! Ngayon i-pperform ung project sa Theater kay Prof Adik! Ano ka

ba!?? Wala pa tayong nagagawa! Oh my golay! Babagsak tayo!

Joshua: Nessy, chill out... Nag-ddrama queen ka nanaman dyan

Tiningnan ko sya ng sobrang sama na napa-stepback sya... Oh di va? Ibang klase ang kamandag...

Joshua: Wag kang mag-alala...(ngiti sya) May lucky charm ako dito, di tayo babagsak...

Ako: Ano?

Joshua: Sa swerte ko ba naman na toh, for sure, may mangyayari para di matuloy ung performance na un...

Langya! Iasa ba sa "lucky charm" nya?!?

Ako: (lapit kay Joshua) Makinig ka...

Joshua: A-ano n-nanaman

Ako: Pag tayo lang bumagsak dahil dyan sa performance na yan, ipunin mo na

lahat ng "lucky charms" mo dahil pag nakita kita, ipapakain kita sa mga

buwaya sa manila zoo!

Pagkatapos nun, umikot na ko para maligo at magbihis for school... Narinig ko si Joshua na humabol ng sigaw sa'kin...

Joshua: Inaaway mo ko?!! La kang scrambled eggs![center]

Joshua

Nung dumating ako sa Theater class ko, nakita ko si Janessa na

nakikipag-usap kay Richie... Mu~g nagiging close na sya dun sa baklang

un... Tumabi ako kay Janessa...

Ako: Oi...

Janessa: (tumingin sa'kin) Oi... Ano?

Ako: Wala lang... Tumatabi lang... Masama ba?

Janessa: Bakit?

Ako: Ayaw mo kong katabi?! (mukmok) Kala ko pa naman masaya ka pag katabi mo ko...

Janessa: Ano? Uy, okay ka lang? (tumingin sya kay Richie) May sinabi ba ko?

Richie: (tumawa) Nako, masyado lang yan nagiging sensitive...

Ako: (tingin kay Richie) Hoy! Anong sensitive?!? Umalis ka na nga dito! Bumalik ka na dun sa lungga mo!

Tumayo si Richie na tumatawa tapos bumalik na nga sa kabilang dako ng room kung nasan ung mga ka-federasyon nya...

Janessa: Bakit mo naman sinigawan si Rich?

Bago ako maka-sagot, biglang may pumasok na teacher... Hindi si Prof Adik...

Syempre, napatingin kaming lahat...

Mysterious Teacher: I'm Prof Cruz.. (lagay ung gamit nya sa table) I'll be your

new Theater teacher since we won't be seeing Mr. Acosta from now on...

Janessa: (bulong sa'kin) Ano nangyari?

Ako: Aba, malay ko!

Tumingin sya sa'kin...

Ako: (napatingin sa kanya) Ano?!

Janessa: Anong ginawa mo kay Prof Adik?! Pinasugod mo sa mga lucky charms mo noh!

Ako: Ano?!? Nababaliw ka na ba?! Eh malay ko kung anong nangyari dun!

Prof. Cruz: I won't lie to you... What Mr. Acosta did was very unappropriate

for a mentor... Pati tuloy education ng isang estudyante naapektuhan...

hay... Anyway...

Janessa: Ahhhh...

Ako: Anong "aahhhh"? Anong nangyari?

Tingin ako dun sa prof na nagsasalita bout mga expectations nya, tapos kay Janessa...

Ako: Anong nangyari?

Janessa: Di mo getz? Huh Ang slow mo talaga...

Ako: Hala! Anoh ba?!

Janessa: Never mind na lang... Ay, teka, nga pala...

Ako: Hmp! Ano?!

Janessa: (natawa) Nakz, nagtatampo na si horsey...

Ako: Anong horsey?!? Bakit ba horsey?!??

Prof Cruz: Ano nangyayari dyan?

Napatahimik akong bigla, sabay umayos ng upo...

Ako: (sagot kay sa prof) Wala poh...

Nung mawala na ung atenston nya sa'min, humarap uhlet ako kay Janessa...

Ako: (bulong) Pinapahamak mo pa ko!

Janessa: (ngiti sa'kin) Kaw naman... Ingay mo kase eh...

Ako: Ano bang gusto mo?

Janessa: Sa Sabado, may family reunion kami... Uuwi dito sina mommy and everyone na nasa States...

Ako: O? Ngayon?

Parang di ko gusto toh ah...

Janessa: I'd like you to come with me...

Ako: Anoh?!?

Napatingin ako sa harap... Binigyan lang ako ni prof ng matinding titig, tapos balik na sya sa sinasabi nya...

Ako: (tingin uhlet kay Janessa) Nababaliw ka na ba!? Ano nanaman gagawin ko dun!?

Janessa: La lang... Sige na, (hila nya ng konti ung sleeve ko) Sama ka na... Please?

Bubwit... Ano bang meron dito sa babaeng toh at konting please lang eh bibigay na ko?!

Ako: Oo na... Sige na...

Janessa: Yipee!!! Sasama sya!

Bumalik na ung atensyon ni Janessa dun sa bagong prof... Haaaaaaayyyy... Nakalabas nga ako sa trouble ng pagbagsak sa subject na toh, tapos pinasok naman ako ni Janessa sa isa pa...

Meet the family huh...

Pero di naman kame!

Sa Sabado... Okay lang naman di ba?

Pero pano kung ilayo rin nila sa'kin si Janessa?

Ano na lang mangyayari sa'kin?

Janessa

Lumipas ang linggo ng kundi man mabilis, eh di rin naman mabagal... Pero ahyun

na nga, at Sabado na... Dumating sina mommy, daddy, ate, at kuya (oh diva, one big happy family kami!) nung Thursday ng gabi, kasabay ung parents ni Kristine...

Dito na natulog sina mom, and then sina tita, kumuha ng apartelle dun sa kabilang ibayo ng city... Syempre, dun natulog si Kristine...

11 AM, Saturday, all set na ko... all ready to go... Hinihintay ko lang ung bitbit ko -- si Joshua... Langya, ang tagal eh!

ding! dong!

After 10 years...

Tumakbo ako sa pinto at pinapasok si horsey...na looking oh-so-lala sa kanyang

white shirt, faded jeans, at medyo magulo na hair... Okay... I know... Walang ka-charm-charm ang suot nya, eh gwapo sya eh, kaya pagbigyan nyo na ko..

Joshua: Bakit nakaputi ka rin?!

Napatingin ako sa damit ko -- white blouse, and black pants... Tapos tingin sa kanya...

Ako: Bahket? Inangkin mo na ba kulay white ngayon?

Joshua: (bulong) La naman akong ibang sinasabi ah... (tingin sya sa likod ko) Nasan parents mo?

Ako: (punta sa kwarto para kunin ung susi ng apartment at kotse) Wala na...

Nauna na sila para tumulong sa pagkain... Kasama na nila sina ate at

kuya...

Sumunod sa'kin palabas si Joshua

Joshua: May kapatid ka?

Ako: (ni-lock ung door) Yup, si ate, si kuya, at si--

Ako: ..at ako...

At ako lang...

Ako: Halika na...

Hinila ko si Joshua paputa sa parking lot kung san naka-park ung kotse ko..

Joshua: Wait lang! Alam mo ba kung san un?

Ako: Hinde.

Joshua: Anoh!??!? Eh pano tayo pupunta dun?!?

Nilabas ko ung binigay ni Kristine na bond paper sa'kin... Ang kanyang proudly-made na mapa papunta dun sa rented na villa...

Ako: (inabot kay Joshua ung papel) Kaya nga tayo aalis ng maaga eh... Para kung mawala man tayo, may oras pa para maghanap...

Joshua: Anoh?!?

Tinulak ko sya papasok sa kotse, tapos ikot para pumunta sa driver's seat...

Joshua: (bulong) I can't believe na sa dinami-dami ng away at gulo na napasok ko, matatapos lang pala ang buhay ko dahil maliligaw kami, mawawalan ng pagkain, tubig, damit! Tapos pati hangin!

Anoh ba toh? High ba toh?

Ako: Exagge ka naman, horsey... Di tayo mawawala noh... Ako pa!

Joshua

Pagkain! Pagkain! Nasan ang pagkain?!?

"Horsey?!"

Halos patakbo akong pumasok dun sa villa na, sa wakas!, ay narating din

namin! Papasok pa lang ako nang maramdaman ko ung kamay ni Janessa sa

braso ko..

Janessa: Uy... Okay ka lang?

Napatigil akong bigla, sabay tingin sa kanya...

Ako:

Nessy... 8 AM ang huli kong kain.. Umalis tayo snyo, 11... (tinapat sa

mukha nya ung relo ko) Tingnan mo nga ung oras! 3 PM na!

Janessa: (napangiti) Really? Ang tagal pala nating nawala...

Uhmpf! Pigilan mo sarili mo, Joshua... Wag mong sasabunutan yan...

Hinila ako ni Janessa sa loob...

Janessa: Sige na nga, lika na... Gutom na rin ako eh...

Pagkapasok

namin, biglang sumalubong ang sandamakmak na tao sa mukha ko! Whoa!

Anoh toh? Buong angkan?!? Nawala yata gutom ko...

"Nessy!!!"

And, bago pa kami makarating sa ginto, sa oasis sa desert, sa hot chocolate

sa snow -- okay, sa lamesa ng pagkain, ahyun, napaligiran na si Janessa

ng mga tao from all shapes and sizes...

Janessa: (dun sa isang gurl na mu~g mas matanda sa kanya ng konti) Oh this guy? This is Joshua... Joshua, meet my cousins... Nicky, Autumn, Kelly, and Naomi...

Waaaaahhhhhh... Tatandaan ko ba un lahat? Hihimatayin na ko sa gutom! Waaaah!!!

Janessa: Do you mind if we eat first? We're starving from that roadtrip!

Kelly (yata): Got lost again huh?

Janessa: No! That was called "exploring"...

Exploring?!? Kahit si Christopher Columbus bibigay dun sa "exploration" na un!

Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Janessa palayo papunta dun sa pagkain... Pagkain!

Ako: (nag-sstock na sa plato) Pinsan mo lahat un?

Janessa: (naglalagay na rin ng pagkain) Yup... at least, sila lang ung kilala

ko... Bukod kay Kristine na bumibisi-bisita sa States, ung mga un lang

ung talaga nakilala ko, coz most of my cousins, dito nakatira...

Ako: Ahhh...

Kakaupo lang namin sa isang side nang bigla namang may lumapit na isang babae tsaka lalake...

Ayaw nila akong pakainin...

Janessa: Ate... Kuya...

Ate? Kuya?

Ate: So this the guy? (upo sa tabi ko)

Janessa: Yup... Josh, this is my Ate Janet... and this... (turo dun sa guy na tumabi sa kanya) is my Kuya James.

Teka, ung puso ko... masyadong napapabilis ang takbo..

Kuya James: How old are you?

Ako: 19 poh

Kuya James: (natawa) Bakit mo naman ako pino-poh?!

Ate Janet: (tingin dun kay Kuya James) Coz ur old!

Langya, nakiki-ate at -kuya naman ako noh?

Nag-usap-usap muna silang tatlo, ako naman, sinamantala ko na! Aba, tinatawag na ko

nung lechon sa plato ko oh! "Joshua! Kainin mo na ko!" raw!

Janessa: (tumayo) Babalik ako... I'll just get myself some...hmmm... whatever it is on that box!

NOoooo!!!! Wag mo kong iwan!!!

Pero ahyun na, at diretso na sya dun sa box sa mesa... Sumulyap ako dun sa dalawa na nakatingin lang sa'kin... *gulp* Hyperventilating...

Ate Janet: So you're 19? Wow, we're the same age!

Joshua: Really?

Uh yah... 18 nga lang pala si Janessa...

Kuya James: Are you and Nessy dating?

Whaaa----?!?

Janet: Yeah! Are you!?

Ako: N-no...

Janet: Really? Bakit?

Anong bakit?

Ako: Uh, coz...we're just friends...

Janet: R-rreealllly? (tumawa) I think you two look so cute together!

Langya, anoh ba toh?!

Kuya James: Bakit ka nya dinala dito if you're not dating?

Ako: I don't know either... (subo muna, palipas oras)

Kuya James: At wala ka naman bang balak na manligaw?

Ako: Huh!? W-wala poh...

Janet: Awwww... why naman?

Eh kaseh...

teka...

bahket nga ba?

Because!

Janet: You know, you should.. Date my sister, I mean... Abnormal kase yan eh... So picky when it comes to boys... Ang hirap hanapan! Trust me... I've set her up in, like, a dozen of blind dates, never worked out!

Blind dates?

Kuya James: Yeah... That girl needs a man in her life... Baka tumandang dalaga eh!

Bago ako makasagot, bumalik na si Janessa, may dalang leche flan sa plato nya...

Yan lang kinuha mo ang tagal-tagal mo?!?

Janessa: Anong pinag-uusapan nyo?

Janet: Nothing...

Tumayo na silang dalawa ni Kuya James, nagpaalam, tapos nakigulo na sa iba...

Whoosh! Nakahinga rin!

Janessa: What happened? Namumutla ka...

lokong toh... Pigilan ba raw ang tawa!

Ako: Langya, ginisa ako eh! Manok na lang ang kulang, ulam na ko!

Janessa: (natawa) Chill out... Curious lang talaga mga tao dito syo, kase ngayon ka lang nila nakita...

Mga? Mga tao? Wait a minute!

Janessa: (turo sa likod ko) Oh, ahyan na sina tita... Papalapit na dito... (tingin sa'kin) Mu~g target ka uhlet, horsey ah...

Umikot ako para tumingin, at ahyun nga, may papalapit!

Ooohhhh hindeeeeeeeeeeee!!!!!!!

Puso ko... whoooo!!! Ahyan na! Napatalon na!

Langya, sobra kabahan noh?

To be con't. .