webnovel

Gitara Part 22.3

Guitara : A Love Story part 22 (con't 4)

-=CHAPTER 22=-

Dahil kung un lang...

Tumingin ako sa likod nilang tatlo...

Ralph: (napatingin sa tinitingnan ko tapos balik sa'kin) Nako tol, wag kang mag-alala, kaming tatlo lang nandito... Di naman namin isasama buong Ville sa debut ni Nessy noh...

Mark: Oo nga... Miss na miss na namin si Nessy... Lam mo bang pinagpaplanuhan na namen kung pano kame makakakuha ng cooking lessons?

Paolo: (umupo sa tabi ko) Kahit bangag yang dalawang yan, totoong kaming tatlo lang nandito... And alam mo namang di namin sasaktan si Janessa...

Tiningnan ko silang tatlo... Yah, alam kong sila, di nila sasaktan si Janessa.. Pero ung iba...sh*t!

Lumapit ng konti sa likod ko sina Mark at Ralph... Parang nag-iba bigla ung hangin... Nanahimik ung dalawa...

Paolo: Pero, makinig ka, Joshua... Bantayan mong mabuti si Janessa...

Ako: Ano?

Mark: May nangyayari sa Ville... May pinagpapplanuhan sila para mapabigay ka...

Ako: (tingin sa kanilang tatlo) Anong plano?

Paolo: Di namin alam... Tahimik sila sa'min dahil alam nilang kaibigan ka namin...Bastah tol, bantayan mo na si Janessa... Siguradong sya ang kinukunterya nung mga taong un..

Nanahimik ako sandali.. Eh anoh pa bang dapat kong sabihin? Alam naman nilang pprotektahan ko si Janessa kait anong mangyari... pero mahirap pa rin kung di ko alam kung saan ko sya pinoprotektahan... Sh*t! Bakit ba kaseh di na lang nila ako pakawalan!? Bakit kailangang mangdamay pa?!?!

Ralph: OOOOhhhhh....(tingin sa stage) Kakanta na si Nessy!

Nag-ikutan ung mga ulo ng mga tao papunta sa stage... Medyo ngumiti si Janessa -- nahihiya pa ah!

Tumayo na sya dun sa harap nung mic habang ung ibang mga kabanda nya eh inayos ung mga intrumento nila... Si Ken, nasa tabi nya, mag-gigitara...

Janessa: (sa mic) Uh, hello... I'm Janessa... Di ko lam kung ano ba dapat sabihin kaya kakanta na lang ako ha... PAg napasarap ako sa pagdaldal eh maging stand-up comedian ako dito, mawala pa ung sweldo ko... Pasko pa naman...

Mark: (tingin sa'kin) Un na ang pinakamaikli at walang kwentang intro na narinig ko...

Pak!

Mark: (napahawak dun sa ulo nyang binatukan ko) Aray naman! I'm just telling the trut and nothing but the trut!

Ako: Manahimik ka na nga lang dyan!

Balik ung atensyon namin sa stage... Tumingin si Janessa dun sa mga ka-banda nya tsaka dun sa tatlong back-up singers... Sosyal noh? Haha..

Janessa: (sa audience uhlet) First song, Stop...

Nagsimula na ung tugtog... Whoa! Ahyuz ah!

Janessa: (kanta) You just walk in, I make you smile

It's cool but you don't even know me

You take an inch, I run a mile

Can't win you're always right behind me

And we know that you could go and find some other

Take or leave it or just don't even bother

Caught in a craze, it's just a faze

Or will this be around forever?

Don't you know it's going too fast

Racing so hard you know it won't last

Don't you know, what can't you see

Slow it down, read the sign, so you know just where you're going

Stop right Now Thank you very much

I need somebody with the human touch

Hey you always on the run

Gotta slow it down baby, gotta have some fun

Hmmmm... Iba talaga boses nitong babaeng toh...

Whaaaa... Proud ako oh! hahaha...

Ilang kanta pa ung pinerform nila... Mukha namang nag-eenjoy ung mga tao, kaya un, enjoy din si Janessa... After ilang breaks, natapos rin ung time nila sa stage... Halos 11 PM na... Pagod na siguro si Janessa...

Janessa: (ngiti sa audience) Ohkay... Pagod na ko ha... Kaya last one na toh... Pero sabi nung manager ko dapat daw eh special ung last number para bumalik kayo at may sweldo ako... Kaya... (bigla syang tumingin sa direksyon ko) Joshie, do you mind?

Wheeee?!?!? Teka?!?!? Anong ako!??!?!

Ralph: Oooohhh... tinatawag ka ng labidabz mo...

Mark: Ang shweet nyo naman!

Ako: Tigilan nyo nga akong dalawa!

Janessa: (tingin pa rin sa'kin) Would you mind singing a duet with me?

Hala! Anoh toh?!?! Kasama ba toh sa plano!??!

Pero syempre, kesa mapahiya si Janessa, eh lumakad na ko papunta sa stage... Naghiyawan ung mga tao -- madame kaseng ka-edad lang namen kaya mga hyper pa yang mga yan...

Pagdating ko sa stage, nginitian ako ni Janessa na parang nag-ssorry...

Janessa: (bulong sa'kin) Horsey, sorry kung biglaan ha... I'm just soo tired, I don't think I can carry one song alone...

Kinuha ko ung mic na inabot sa'kin nung...kung sino man sya sa bar na toh... tapos humarap kay Janessa...

Ako: Mukha ba kong battery syo?

Janessa: (ngiti) Nope... Mukha kang isang napakabait na horsey na tutulungan akong tapusin tohng kantang toh...

Ako: Sira... Mambola ka pa dyan... Ano bang kakantahin natin? Dali at nang makauwi na tayo at nang makapagpahinga ka na...

Ako: Awww... concerned? hehe... Don't worry, I'm sure you know this...

Nagbigay na sya ng signal dun sa banda para simulan ung tugtog.. Nung nagsimula nga, nakilala ko kagad ung kanta... abah, eh ilang beses rin naming pinaglaruan tohng kantang toh eh...

Janessa: (kanta) Be still my heart

Lately its mind is on it's own

It would go far and wide

Just to be near you

Ako: Even the stars

Shine a bit bright I've noticed

When you're close to me

Janessa: Still it remains a mystery

Kaming dalawa: Anyone who seen us

Knows what's going on between us

It doesn't take a genius

To read between the lines Brad: ohh

And it's not just wishful thinking

Or only me who's dreaming

I know what these are symptoms of

We could be in love...

Pagkatapos nung kanta, ngumiti sa'kin si Janessa tapos humarap na sya dun sa mga pumapalakpak na audience then nagpaalam... Pagod na pagod na ung mukha nya oh... Pero smile pa rin... a la Ms. Universe! haha... Buong magdamag nakangiti sa camera!

She really IS something...

At di ako papayag na may mangyaring kung ano sa kanya... Kahit sino pa un, o ilan man sila...

Pag marame, eh di tatakbo na lang kame papunta sa Cebu! nyaha!

to be con't...