webnovel

Gitara Part 22.2

Guitara : A Love Story part 22 (con't 3)

-=CHAPTER 22=-

7 PM isang linggo simula nung unang rehearsal nina Janessa... Ehto na ung "debut" nya, sabi nya nga... Nako, bago ko pa mapasok sa kotse toh at nang makaalis na kame, eh inaabot ng syam-syam! Langya, di mapakali eh! Silip ng silip sa salamin tapos tanong ng tanong kung ok lang ba raw itsura nya -- eh ang ganda nya naman kahit anong suot nya --- whe! ano ba tohng sinasabi ko?

Kaya para matahimik sya eh hinalikan ko nga! Naka naman! Joke lang... hahahaha... Nung almost 6:25 na at takbo pa rin sya nang takbo, eh ang ginawa ko, tinapon ko sya sa balikat ko, binuhat hanggang sa labas ng apartment, ni-lock ung pinto, tapos eh binaba sa kotse...oh, eh di natahimik! hahaha... Nakarating pa kami sa oras dun sa bar na sinasabi ni Ken...

Janessa: (bulong sa'kin habang papasok kame) Kinakabahan ako...

Ako: Eh? Bahket?

Janessa: Anong bahket? Eh ang dami-daming tao... Tsaka first time kong kumanta para sa pera noh...

Ako: First time mo bang kumanta sa harap ng maraming tao?

Janessa: Not really...

Ako: Tsaka di ba ikaw ung "music" snyo nung kakambal mo?

Medyo nag-tensed ung shoulders ni Janessa...

Nice going, Joshua... Sa dinami-dami ng encouraging words, kailangan mo pang banggitin ung kakambal nya... Shtupid! Shtupid! Shtupid ka talaga!

"Yo, Shtupid!"

What the--?!

Napaikot kami bigla ni Janessa at lo and behold, may naglalakad na aso! Lumapit sa'min ung aso tapos ngumiti kagad kay Janessa...

Warren: (hinawakan ung kamay ni Janessa) Nessy, I heard na kakanta ka dito ngayong gabi kaya ehto ako, pata suportahan ka...

Janessa: Uh...hehe...thankz...

Ako: Huy!

Gumitna ako sa kanilang dalawa tapos tinulak palayo ung aso...

Ako: Wag mo ngang hawakan ung kamay ni Nessy! Baka mahawahan mo pa sya ng galis!

Warren: (lapit sa'kin) Hoy butiki! Wag ka ngang umeksena dito at hindi naman yang kamay mo hinahawakan ko!

Ako: Eh loko ka pala--

Janessa: Oooohhhkkaaaaaaaaaaayyyy.... (gumitna sa'ming dalawa) Tama na yan at baka ganda-ganda ng gabi eh may lumipad na aso at butiki pang palabas...

Nanahimik kaming dalawa ni Warren...Tapos biglang sumulpot si Ken sa likod ni Janessa... Tumingin sya sa'ming dalawa tapos napangiti...

Ken: Mu~g nagkita nanaman kayo ah... (kay Nessy) Janessa, ready ka na?

Janessa: Yup... (tumingin sa'kin) Wait for me, Joshie, okay?

Lumakad na palayo si Janessa... Nagkatinginan kami bigla nung aso... Pwe! Umikot ako tapos naglakad palayo... Baka may tumalon pa sa'king garapata noh! Tapos...bigla akong may nakita sa pintuan nung bar...

Sh*t! Anong---?!?

Sa kung anong malas, mu~g nakita rin nila ako...

"Joshua!!!"

Umupo ako dun sa counter tapos umorder ng beer... Kailangan un para mapa-kalma dugo ko... Anong ginagawa nina Paolo dito? Di kaya... Si Nessy...?

Nagkumpulan na sina Paolo, Ralph, at Mark sa tabi ko bago pa man dumating ung inorder ko...

Mark: (yakap sa'kin) Josh! Na-miss ka namin! Ilang taon ka rin naming di nakita!

Ako: (tinanggal ung braso nya sa leeg ko) Whe! Anoh ba yan?!?!? Dami-daming tao, kung anu-ano pinaggagawa mo!

Ralph: Oo nga naman, Mark! Mahiya ka nga! Mamaya na yan, pag tayo-tayo na lang...

Ako: Anoh ba?! Tigilan nyo nga ako! Pumunta ba kayo dito para mang-asar lang!?!

to be con't...