webnovel

Maghahambing ka ng Purple Spirits sa Akin? (3)

Editor: LiberReverieGroup

Pinilit ni Elder Huang na panatilihing kalmado at mahinahon ang panlabas na anyo,

pinagsisikapan na kumbinsihin ang sarili na huwag gumawa ng kahit ano sa insektong nasa

harapan niya. Bagama't ang Twelve Palaces ay tinatawag na Twelve Palaces, bawat palasyo ay

walang ugnayan sa bawat isa. Sila-sila ay mayroon matinding alitan sa bawat isa at

nagpapanggap lamang na may payapang ugnayan sa panlabas.

Dahil sa ang batang Emperor ay pinili ng iba palasyo upang makipagtulungan, ang mga taong

iyon ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya upang protektahan ang batang Emperor.

Maliban na lamang kung luting ang utak ni Elder Huang, hindi siya mahuhulog sa sitwasyon na

iyon kay Jun Xie.

Ayon sa mga pangyayari, nasabi na niya ang mga salitang iyon kanina at kahit na ano pa ang

sabihin niya ngayon, sa huli ay masasampal lahat ng iyon sa kaniyang mukha. Sa mga sandaling

iyon, ay binabati ni Elder Huang ang labing-walong henerasyon ng ninuo ni Jun Xie sa

kaibuturan ng kaniyang puso.

[Ang munting bata ay ubod ng sama!]

Dinala niya ang anim na diyos na iyon sa kaniyang likuran ngunit hindi nagbanggit ng kahit ano

tungkol sa kanila kanina, at hinintay ang paghahanda ni Elder Huang upang sumalakay bago

naghatid ng isang malupit na sampal sa kaniyang mukha gamit ang likod ng palad, at hindi siya

binigyan ng pagkakataon na maayos na makaalis!

Napuwersa sa isang hindi maayos na sitwasyon, ano ang inaasahan na sabihin mula kay Elder

Huang sa mga sandaling iyon? Labis ang galit na naramdaman niya at halos nais na niyang

sumabog.

"At dahil kayo ay kaibigan ng Twelve Palaces at ang matandang ito ay mula rin sa All Dragons

Palace, natural lamang na hindi ko na gawing mahirap ang mga bagay para sa inyo. Kalimutan

natin lahat ng mga nangyari dito ngayon at ituring ninyo ang matandang ito na nagbibigay ng

paggalang sa isang kaibigan mula sa Twelve Palaces." Bagama't makirot pa rin mula sa mga

sampal, ay nagawa pa rin ni Elder Huang na magsalita sa maringal na paraan.

Tila ang kaniyang pagbawi ay hindi dahil sa nararamdaman na takot kay Ye Sha at sa iba pa, sa

halip ay upang "iabot ang kaniyang pagbati sa isang kaibigan".

Ang away sa pagitan ng Twelve Palaces ay hindi kailanman nailalabas at naniniwala si Elder

Huang na ang ibig sabihin sa likod ng kaniyang mga sinabi ay malinaw, ang kabilang panig ay

siguradong maiintidihan kung ano ang nais niyang sabihin. Bagama't si Jun Xie ay malaki ang

magiging gamit sa kanila, ay hindi nila nais na kalabanin ang Twelve Palaces.

Subalit...

Maaring pinag-isipang maigi iyon ni Elder Huang, ngunit walang intensyon si Jun Wu Xie na

gawin ang mga bagay na nais nito mangyari.

"Hindi ka na bata, dapat ay bumalik ka na sa iyong tahanan at magretiro na kaysa lumabas dito

upang ipahiya ang iyong sarili ng ganito sa harapan ng mga tao. Sino ka ba sa iyong akala? At

inaangkin mo ang iyong sarili na nararapat para makipag-kaibigan sa aking mga tagabantay?"

Walang plano si Jun Wu Xie na bigyan si Elder Huang ng kahit anong daan, ang makamandag

niyang dila ay walang awang pumupukaw.

Ang sulyap niya ay ay agad nalipat kay Ye Sha, tila nagrereklamo kay Ye Sha tungkol sa suwail

at marahas na asal ni Jun Xie.

Subalit, ang mukha ni Ye Sha ay nanatiling matigas at hindi man lang siya tinapunan ng kahit

anong reaksyon, ang asta niya ay hindi nagbago habang nakatayo sa likod ni Jun Wu Xie, ang

nais niyang ipahiwatig ay malinaw.

Kahit ano pa man ang sabihin ni Jun Xie, ay susuportahan niya ito hanggang sa huli, at si Elder

Huang ay hindi na kailangan asahan ang walang-kabuluhan na "pagkakaibigan" sa pagitan ng

Twelve Palaces.

Ang ganoong sitwasyon ay isang bagay na hindi kailanman pinangrap ni Elder Huang. Hindi

niya magawang intindihin iyon. Kahit na nais gamitin ng ibang palasyo ang Fire Country sa likod

ni Jun Xie, kailangan ba talagang umabot sa ganoon? Kahit matapos niya banggitin ang

pangalan ng All Dragons Palace, ay hindi sila nagpakita ng kahit anong reaksyon na para bang

ang All Dragons Palace ay lubusang hindi nila kilala.

Ang galit sa kaibuturan ng puso ni Elder Huang ay halos magpasuka sa kaniya ng dugo ngunit

hindi siya nangahas na gumanti kay Jun Xie sa mga sandaling iyon. Ang anim na tao sa likuran

ng batang Emperor ay pinanonood siya at tila sila'y maninila na sa oras na siya'y kumilos, ang

mapapahamak sa huli ay walang iba kundi siya!

Huminga ng malalim si Elder Huang habang mahigpit na hawak ang kaniyang dibdib at pinag-

iisipan na umatras laban sa hindi magandang laban. Itinaas niya ang kaniyang mata sa

nagmamakaawang mukha ng Emperor ng Condor Country at sinabi: "Hindi maganda ang

pakiramdam ng matandang ito ngayon at kailangan na umalis upang makapagpahinga."

Habang sinasabi iyon, ay hindi niya pinansin ang tigagal na hitsura ng mukha ng Emperor ng

Condor Country at agad na humayo.

"Huwag ka lang magpahinga, humimlay ka na ng tuluyan." Sinabi iyon ni Jun Wu Xie na walang

kaabog-abog na parang isang kidlat pagtalikod ni Elder Huang.

Natigilan sa paghakbang si Elder ngunit pinilit niya ang sarili na lunukin muli ang pang-iinsulto

habang dali-daling umalis na kaawa-awa at napahiya.