webnovel

Kabayaran (1)

Editor: LiberReverieGroup

Habang nanghihinang pinanood niya ang dapat sana'y tagapagligtas niya na iniwan siya at

nagmamadaling tumakas, ang puso ng Emperor ng Condor Country ay halos magkadurog-

durog. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na ang grupo ng mga tao na nakatyo sa likuran

ng Emperor ng Fire Country ay nagtataglay ng matinding kapangyarihan. Sa simula'y nilayon

ng Emperor ng Fire Country na gamitin ang kagila-gilalas na lakas ni Elder Huang upang

makapaglakad ng mayabang at ngumasngas sa harapan ng Emperor ng Fire Country na

matagal niyang niyukuan at sinunod ng mahabang panahon.

Ngunit ngayon, ay imposible na sa kaniya ang malugod at magdiwang at sa halip ay oras na

upang ayusin ang mga puntos pagtapos ng taglagas…

Nanginginig na nakaupo sa kaniyang trono ang Emperor ng Condor Country, iniisip na kunin

ang sandali upang makatakas sa bulwagan, ngunit ang malamig at malinaw na mata ni Jun Xie

ay napalingon at napako ang tingin sa kaniya.

"At tingin mo saan ka pupunta?" Ang nakakatindig-balahibong boses ni Jun Wu Xie ay

sobrang lamig na halos magagawa nitong pagyeluhin ang dugo ng tao.

Ang All Dragons Palace ay hindi niya kayang harapin sa ngayon at kailangan niyang hayaan na

makatakas si Elder Huang sa kalamidad. Ngunit ang Emperor ng Condor Country ay hindi niya

balak paalisin ng ganoon kadali. Wasakin ang Condor Country at sirain ang plano ng All

Dragons Palace. Kahit na hindi iyon magdudulot ng matinding pinsala sa All Dragons Palace, ay

mawawasak pa rin nito ang plano na ipinakilala nila sa Lower Realm at marahas na pupunit ng

piraso ng laman mula sa kanila!

Nakaramdam ang Emperor ng Condor Country ng ginaw sa buong katawan niya at biglang

napasalampak.

"A… A… Aking napagtanto ang mga nagawa kong kamalian at ako ay nagsusumamo sa

Kamahalan ng Fire Country na patawarin ako…" Nang mga sandaling iyon, ang Emperor ng

Condor Country ay nais pumalahaw ng iyak ngunit wala siyang mailabas na luha. [Si Elder

Huang ay umalis na pinalo sa kaniyang likuran at ngayon ano ang kaniyang gagawin?]

[Si Jun Xie ay naging mapurol at bastos sa simula pa lamang at ang mga salitang binitiwan niya

kanina ay nakadagdag sa sitwasyon, hindi niya maiwasang maramdaman na hindi na

magtatagal ang kaniyang buhay.]

"Maupo kang muli." Malamig na saad ni Jun Wu Xie.

Ang binti ng Emperor ng Condor Country ay nangangatog habang pinipilit na bumalik sa

kaniyang trono, ang nahihintakutang mga mata ay hindi na kababakasan ng karaniwang

yabang at dominanteng sulyap.

"Ang pakilusin ang hukbo at sakupin ang Qi Kingdom ay iyong ideya?" tanong ni Jun Wu Xie sa

naniningkit na mata, habang si Qiao Chu at ang iba pa ay binawi ang nagbabagang Purple

Spirit mula sa kanilang katawan.

Mabilis na sumagot ang Emperor ng Condor Country: "Hindi… Hindi ako… si Elder Huang! Siya

ang nagsabi sa akin na pakilusin ang hukbo! Wala akong galit laban sa Qi Kingdom at isa pa sila

ay napakalayo, bakit ko pakikilusin ang hukbo laban sa Qi Kingdom ng walang dahilan?" Dahil

sa matinding pagkataranta, ay sunud-sunod na sinabi iyon ng Emperor ng Condor Country.

"Ang Qi Kingdom ay kaanib ng aking Fire Country at hindi na mahalaga kung sino ang nag-utos

sa iyo upang gawin iyon, ikaw ang nagpatupad ng pagkilos."Patuloy ni Jun Wu Xie na walang

emosyon ang boses.

Dahil sa matinding takot na naramdaman ng Emperor ng Condor Country ang kaniyang mukha

ay agad namutla. {kailan naging kaanib ng Qi Kingdom ang Fire Country? Kung ang mga

salitang iyon ay hindi nagmula mismo sa bibig ni Jun Xie, sinong maniniwala na ang

pinakamalakas na bansa sa ilalim ng Heavens, ang Fire Country ay ituturing ang napakaliit na

Qi Kingdom bilang isang mahalagang kaanib?]

"Hindi ko alam na ang Qi Kingdom ay iyong kaanib at kung alam ko lamang… ay hindi ako

maglalakas-loob na sakupin ang Qi Kingdom… ako… ako'y magbabayad sa lahat ng naging

kawalan ng Qi Kingdom! Kahit anong naisin nila! Magababayad ako ngayon din!" Habang

sinasabi iyon, agad na naghanap ang Emperor ng Condor Country ng pinsel, papel at tinta

habang nanginginig ang kamay at agad isinulat sa papel ang anumang uri ng kabayaran na

pumasok sa kaniyang isipan at tumawag ng tagapagsilbi upang dalhin ang dokumento sa

kamay ni Jun Xie.

Walang interes na sinulyapan ni Jun Wu Xie ang dokumento at isang kulay purple na spirit

flame ang nabuhay sa kamay ni Jun Wu Xie, at ang piraso ng papel na puno ng mga tuntunin

ng kabayaran ay agad naging abo!

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ng Emperor ng Condor Country. Naisip niya na

nakaas lamang si Jun Xie sa ilang hindi kapani-paniwalang napakalakas na mga Purple Spirits

sa kaniyang likuran ngunit hindi kailanman niya naisip na si Jun Xie mismo ay nagtataglay ng

kapangyarihan ng Purple Spirit!

Nang mga sandaling iyon, ang Emperor ng Condor Country ay walang luha na naiyak sa

napagtantong iyon.

[Kailangan ba talagang maging napakalupit na makapangyarihan ng Emperor ng Fire

Country!?]

"Hindi sapat." Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie, habang napakatalim na nakatingin sa takot

na takot na Emperor ng Condor Country.