IKAW LANG TALAGA
Poem Two~FICTIONAL
Wala na
Wala na talaga
Oo alam ko hindi na kailangan pa
Masakit na katotohanan ibalandra sa aking mukha
Dahil hindi na muli na magiging tayo pa
Sapagkat alam kong hindi na katulad ng dati
Na palaging nandiyan ka nandiyan sa aking tabi
Masakit man tanggapin
Iba na ang iyong kapiling
Dahil nagbago na ang lahat-lahat sa atin
At maging ang iyong damdamin para sa akin
May tanong lang ako sana naman ay sagutin
Kung hindi kalabisan huwag mo sanang masamain
Ang nais ko lang naman ay aking malaman
Anong dahilan at bigla mong nilisan?
Ako ba ay may nagawa sa iyong kasalanan?
At kung mayroon man
Sana ako ay iyong mapatawad naman
Hindi ko ninais o sadyain man lang
Na ang damdamin mo ay aking masaktan
Sa maniwala ka o hindi ikaw lang talaga
Ikaw lang ang nag-iisa
Nag-iisa sa puso ko ang nagrereyna
Subalit wala na
Wala na talaga
Ang tanging ginagawa
Ang laging umasa
Na isang araw ang dinadalangin ko ay maririnig na
At ito ay ang muli tayong magkasama
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan
Masasayang alaala noon tayong pang dalawa na ating pinagsaluhan
Kagaya ng matatamis na mga halik at mga tinginan
Kapag ako ay nalulungkot at kailangan kita
Dumarating ka
Dinadamayan mo ako at pinapatawa
At ang mga bisig ko ay yakap-yakap ka
Sana ay mapatawad mo
Kung hindi ko magawang kalimutan ang isang katulad mo
Hindi ko maipapangako na ganoon kadali pag-ibig ko sa iyo
Bigla na lang ito ay maglaho
Ibaling man sa iba
Ikaw pa rin ang nakikita
Mukha mong kayganda
Malambing mong pagsasalita
Matamis mong mga ngiti na sa tuwing nakikita
Parang puzzle na binubuo
At ng nabuo araw ko ay nakumpleto
Kahit sa panaginip ikaw ang nakikita
Paggising sa umaga
Hinahanap-hanap ka
Isa kang bisyong kayhirap iwasan
Kahit pagbawalan man
Pero hindi magawang pakawalan
Lakas ng tama ko sa iyo crazy man itong pakinggan
Walang pakialamanan
Basta ikaw kahit ako ay maaddict man
Hinding-hindi ko ito pagsisisihan
Ganyan kita kamahal iyo sanang paniwalaan
Na ikaw lang talaga at walang iba
Pero huwag ka nang mag-alala
Hindi na ipipilit pa
Kung saan ka liligaya
Hindi na hahadlangan pa
Palagi mo lang tatandaan
Kung ako ay iyong kailangan
Ako ay darating at hindi ka iiwan