1 SANA AY KAPILING KA SA ARAW NG PASKO

SANA AY KAPILING KA SA ARAW NG PASKO

Poem One~FICTIONAL

I.

Kailan lang ng tayo ay huling magkasama

Magkasalo pa sa isang Noche Buena

Naglalambingan at nagkukuwentuhan

Nang masasaya nating mga ala-ala o nakaraan

Dagdagan pa ng mga masasarap na pagkain

Na ikaw mismo ang nagluto at naghain

II.

Pero ngayon ikaw ay na sa malayo

Nalulukob ng kalungkutan itong puso ko

Aanhin ko pa ang mga masasarap na pagkain at mga regalo

Kung hindi naman kita kapiling sa araw ng pasko

III.

Nakakalungkot sapagkat nag-iisa

Hindi ko kapiling ang aking sinisinta

Kailan kaya ulit kita makikita at makakasama?

Sana ay nandito ka na at makapiling ko

Sa araw ng pasko

avataravatar
Next chapter