webnovel

Chapter 6: Wilson

The venue was full of cameras. Puro photographers ang sumalubong sa amin. Surprisingly, They know me as the sister of Layah. Kilala rin nila si Hugo.

I was smiling the whole time but my heart was racing too when I saw two people closely familiar to me. They didn't see me because they were being interviewed.

"You okay? I know you saw them." He whispered while walking.

"I'll be okay. That's our table." Turo ko sa pang-limang lamesa na nasa gitna.

Nang maupo kami ay tinignan ko ang mga bisita sa party ni Layah. Mga kasing-edaran niya ay ang narito at ang iba ay mukhang family-friend nila Papa.

I saw Mama and Papa walk towards their table. They have wrinkled foreheads now. Dapat ba na lumapit ako sa kanila? I wanted to talk to them so bad. Kahit na pinilit nila akong magpakasal, matagal ko na silang napatawad.

"I just want to tell you that you're so beautiful, Faye." He placed his hand on my lap while he look into my eyes.

"Thank You, Hugo." I held his left hand that was on his left lap.

"Pupuntahan ko lang ang kapatid ko sa dressing room niya." Paalam ko.

"Go ahead. I'll wait for you here." He smiled at me.

Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Layah na sumunod ako sa kanya dahil magbibihis siya.

"Layah, Hi! You look so tremendous."

"Ate! Thank You for coming!"

"All for you, Baby. Here's my gift for you." Binigay ko sa kanya ang maliit na box.

"Ano ito, Ate?"

"Open it!" Excited kong sinabi sa kanya.

Tinanggal niya ang ribbon na naka-tali sa maliit na box na binigay ko. She slowly opened it until she saw what was inside.

"I-Is this a key to a car?" Naluluha niyang tanong sa akin.

"Yes!"

"Ate! Thank You! I love you!" Napatayo siya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Happy Eighteenth and Congratulations for your graduation!"

"Layah! Sinong kausap mo dyan?" Isang pamilyar na boses ang narinig namin sa aming likuran.

"Kaibigan mo, Anak?" Tanong ng isang boses ng babae.

"M-Mama... Papa...." Nanginginig kong tawag sa kanila.

"Faye? Anong ginagawa mo dito?" Kita ko ang galit sa mata ni Mama.

"Mama, Let me explain. Ako ang nag-imbi—"

"Wag kamg mangielam dito, Layah!" Tinabi ni Mama si Layah.

"Ang kapal ng mukha mo magpakita dito matapos mo kaming talikuran noon." Dumagundong ang boses ni Papa.

"I'm sorry, Mama, Papa."

"Sorry? Yan lang? Sana maibalik ng sorry mo ang lahat ng pinaghirapan ko. Alam mo kung nasaan na ang kumpanya? Nasa isang lalaking binili na lang ito dahil wala na kami!" Sinampal ako ni Papa sa aking kaliwang pisngi.

Halos hindi ako nakapag-salita sa ginawa niya sa akin. Parang nabuwag ang mundo ko.

"Sir! Huwag ninyong saktan si Faye!" Pumasok si Hugo sa kwarto.

"Ikaw? Nobyo mo ang lalaking ito, Faye? At ginamit mo pa talaga ang pera ng lalaking ito para gumanti sa amin? Ikaw siguro ang nag-plano na pabagsakin ang kumpanya? Walang utang na loob!" Sinampal ako muli ni Papa.

"Papa wala ako planong ganyan! Kahit kailan hindi ako nagalit sa inyo. Pinili kong umalis dahil ayaw ko matali sa relasyon na iyon. Alam niyo ba kung anong ginawa ko noong lumayas ako? Nagpagala gala lang ako sa daan dahil wala akong pera. Tapos may nakakita sa akin na tiga bahay ampunan. Kinupkop nila ako at pinag-aral. May doktor doon na dinala ako sa Amerika. Nakapag-aral ako dahil naging scholar ako at nag tatrabaho ako bilang kahera, saleslady, at waitress. Lahat ng meron ako ngayon ay dahil pinag-hirapan ko. Kahit nag-hirap ako noon, mas pinili kong hindi bumalik sa inyo dahil gusto kong matutong mamuhay mag-isa. Hindi ako kailanman nag-tanim ng galit sa inyo."

"Wala kang utang na loob! Pinalaki ka namin at hindi pinabayaan sa kalsada! Kahit hindi ka namin anak, pinalaki ka namin!" Sinigawan ako ni Papa na mas lalo akong nabingi sa sinabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin, Papa?"

"Oo! Hindi ka namin tunay na anak kaya kaya ka namin ipakasal noon!"

"Bawiin niyo ang sinabi mo, Papa. Hindi yan totoo!" Nagmakaawa ako sa kanila.

"Umalis ka na dito!" Tinulak ako ni Papa kaya nahulog ako sa sahig.

"Dahil sa ginawa niyo kay Faye, Hindi ko kayo mapapatawad! I show no mercy to people who hurt my woman." Tinulungan ako ni Hugo makatayo at inilalayan na maglakad pabalik sa aming sasakyan.

Tulala pa rin ako dahil sa nangyari sa amin ni Papa at Mama. Kaya nagawa nila sa akin na ipamigay na lang ako na parang laruan o tuta para sa pera.

"Hush, Baby. Stop crying, I'm here." Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Mas lalo akong iiyak if you comfort me." Mas lumakas ang hikbi ko.

"That's it. I'm taking you somewhere para maalis lahat ng sakit na nararamdaman mo."

Then he drove fast and took me to a place I am not familar. The place is full of trees and grass.

"Come with me, Faye." Hinawakan niya ang kamay ko at sinabayan ako sa paglakad.

"This is my safe haven. Here, You can talk about anything you want. No one will ever stop you. Just let yourself be free."

"A-Anong sasabihin ko?" Naguguluhang tanong ko.

"Tell me how much it hurts and why it hurts."

"Sobrang sakit, Hugo. For so many years, hindi ako nagalit sa kanila. Now, I am so hurt dahil sa sinabi nila. When I met your brother, Wilson, he became my refuge. He took me out of my comfort zone. He taught me to be free and adventurous. Dahil sa kanya, I was given a chance to be happy and that is whenever I am with him. Masaya namin kami eh, but one night changed it all. Yun yung gabi na hindi ako pumayag na makipag-talik sa kanya. He was so mad at me and he left me at the sidewalk that night. Nang makauwi ako, He never called or texted. I was so worried so I came to his apartment. That's when I saw him in bed with another woman. I cried a lot that night but I got over it. Ngayon, I am rebuilding myself once again. Pakiramdam ko masyado akong na-curious sa feeling na may kasama kang tao para sumaya. Maybe being alone is better." Tinungga ko ang isang bote ng beer.

"How about you, Hugo? Tell me about your pain."

"You really wanna know? I saw this beautiful woman. She is majestic and so perfect. I loved her the day that I saw. But sadly, she was taken by a person closest to me. I slowly tried to accept that she's happier. But I never accepted it. Ngayon malaya na siya, I wouldn't let go of that chance with her." He looked at me in the eye while telling that to me. His eyes shows complete emotions of sadness and longing. I can really feel his pain.

"Hugo..." I called him.

"Hmmm?"

"Thank You for doing this with me..."

Gusto kong sabihin na gusto ko siya. He was the only man who made me feel this kind of feeling. Wilson was my first love but Hugo is a man that I am willing to give all my love.

Pero natatakot ako na baka pag binigay ko na naman ang tiwala ko ay masaktan na naman ako. Minsan, Ang pagpapatawad ng isang tao ay ginagawang lisensya ng iba para paulit uli nilang gawin iyon.

Ah! Bahala na. Ayoko na magkaroon na naman mg pagsisisi dahil may bagay akong hindi sinabi.

"Hugo..."

"Faye...."

"I-I think.... Hugo, I-I want y—"

"Wait, Faye, I'm sorry." May tawag siyang natanggap.

"What, Ma? Sigurado ka?... Okay."

"Ano daw iyon, Hugo?" Nagtataka ako sa tawag na nakuha niya.

"Wilson..."

Next chapter