webnovel

Chapter 3

Chapter 3 : Broken

Nakatulala akong nakatitig sa wedding gown na nasa harapan ko. Hindi iyon malayo sa pangarap na suotin ko sa dream wedding ko. Ilang minuto na akong nakatitig roon pero walang malinas na sagot na pumasok sa isip ko para ipaliwanag kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

"Isusukat niyo po ba ma'am?." nabaling ang atensyon ko sa kasamang may-ari at fashion designer nitong botique na pinuntahan namin para sa gown. Ayaw kasi ng pamilya ni Caden na isuot ko ang dapat isuot ni Cassey.

"Can I?." tumango naman ito at tinulungan ako sa gown.

Sabi nila hindi daw matutuloy ang kasal kapag sinukat ang gown bago pa ang kasal pero nasa modernong panahon na tayo and I don't give so much care if the wedding won't be held after all napilitan lang naman ako sa kasal na ito. At ngayong napapalapit ang araw na iyon unti unti akong naguguluhan kung tama ba ang ginagawa ko , kung dapat bang magpakasal nga ako sa lalaking hindi ko lubusang kilala para lang takasan ang mapait na kapalaran na natanggap ko.

Sa kabilang banda kahit pa man hindi ako tumuloy paniguradong pipilitin ako ng mga magulang ko na magpakasal dahil para narin iyon sa negosyo namin. Ngayong mabango ang pagtataksil ni Cassey sa akin and the fact that she sleep with Daniel despite that she was already set to marriage to Caden nasa bingit ng kapahamakan ang negosyo namin. Nahahati ang opinyon ng mga tao at kailangang mabilis kaming gumawa ng paraan para takpan iyon and maybe..just maybe I marrying Caden was the only choice we have now.

Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit ako na nga itong dehado ako pa ang mas lalong naging dehado. Samantalang mga masasakit na salita lamang ang natatanggap nilang dalawa. Hindi naman sila mahihiya dahil masyado nang makapal ang mukha nila para mahiya.

"We're done ma'am."

Sumulyap ako sa sariling repleksyon ko sa salamin habang suot ang wedding gown. Kung iba lang ang sitwasyon ko ngayon magagawa ko pa sanang ngumiti man lang pero hindi e.

Ginabayan ako nito palabas ng fitting room. Naroon sa labas si Caden at naghihintay.

"Sir?." pagkuha ng pansin ng kasama ko sa atensyon ni Caden na abala sa hawak na iPad.

Nag-angat ito ng tingin and scan me from head to toe. Saglit itong bumaling muli sa iPad bago ito inilagay sa center table sa harap at mas pinagtuunan ako ng pansin.

He signalled the designer to leave for a moment. Sandaling natahimik ang loob ng makalabas ito. Caden was magnifying every detail of the gown from the very smallest detail to the most attention catching.

"It suits you." aniya at taas kilay na naman akong pinag-aralan.

"It doesn't feel right."

He chuckled. "It always feels wronged. Being married to someone you hardly know. Someone you don't love. It was arrange married always do."

Tumango lang ako at tumalikod sa kaniya. Humarap ako sa malaking salamin at muling pinag-aralan ang aking kabuuan. Mula sa salamin ay nakita ko ang pagtayo ni Caden at paglapit nito sa akin.

"Everything has its own consequences." aniya at inayos ang sleeves ng gown.

"No matter what happened. You have to be ready for it." malamig niyang sabi bago bumalik sa sofa at muling naupo.

"Magbihis ka na. We have a lot of places to go." muli niyang inabala ang sarili sa kaniyang iPad. Bumalik na lang ako sa fitting room at nagbihis.

"Ipapadala ko na lang sa bahay niyo ang gown. We can leave it here for the mean time." tipid lang akong tumango at sumunod na sa kaniya sa labas.

"Where are we going?." walang gana kung tanong. Mula kaninang umaga ay magkasama kami para sa kasal. Checking the reception and clothes. Hindi naman hihigit sa dalawampu ang bisita kaya hindi na kailangan ng anumang magarbong handaan.

Sa halip na sumagot ito , inilahad niya lang sa akin ang isang invitation card para sa kasal at saka nagmaneho. Walang tanong ko itong kinuha at tiningnan. Mula sa labas ng papel nakasulat ang pangalan ni Daniel.

Daniel Salvatore Montereal

You are invited!

Taas kilay ko siyang nilingon. "Ano to?."

"Made you another favor. Hindi pwedeng hindi imbitado ang boyfriend mo sa kasal natin." pilyo itong ngumiti.

"Hindi ko alam kung may maitutulong iyon."

"A lot. Sinaktan ka niya , he deserves it."

"Alam niyang hindi kita mahal at napilitan rin lang akong magpakasal sayo. Hindi siya masasaktan and I bet he won't. Bakit pa nga ba? Ano pang dahilan? Sinaktan na nga niya ako."

"Sinaktan ka niya , nagkasala sila sayo.  But back at the hospital , I know he loves you. He would never risk kneeling and beg in the floor like that if he doesn't do."  napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean?." saglit itong sumulyap sa akin bago muling bumalik ang mata sa daan.

"He loves you." saglit akong nawala sa sarili ko nang marinig ang sinabi nito.

"But maybe he love your sister more than the love he had for you."

Bumuntunghininga ako at sumandal sa bintana ng kotse. Noong nakaraang linggo  maayos pa naman kami pero sa isang iglap bigla na lang nasira lahat. Our relationship and as well as Cassey and I. Ganoon lamang kabilis at kadaling masira ang isang relasyon.

Hindi sumama si Caden sa apartment ni Daniel. Nagpaiwan na lang ito sa labas. Wala na naman ako sa sarili habang nakasalay sa elevator patungo sa apartment nito. Scenes of us riding the very same elevator stir in my mind. I used to go here excitedly pero ngayon sobrang bigat sa kalooban na tumuntong muli rito.

Nakailang butunghininga pa ako bago mag-door bell. Mabilis na nagbukas ang pintuan.

Naging blanko ang mukha ni Daniel nang makita ako.

"S-scarlette?." nilagpasan ko ito at deretsong pumasok sa loob ng apartment nito.

Kabi-kabila ang kalat sa salas. May mga bote pa ng alak sa mesa.

He's drinking? Hindi naman siya umiinom dati ah. So , he have change?

"Scar." natigilan ito at napatitig sa inilahad kung envelope.

"A-ano to?."

"Hindi sana kita iimbitahin but Caden insist."

Kunot noon niya itong binuksan.

"I-ikakasal ka na?." tanong nito.

"Kung hindi ako nagkakamali. Yes. Ikakasal na ako." mas lalong kumunot ang noo nito.

"What do you mean by that? Scar! We're not over yet."

"We're over." Sa pangangalawang pagkakataon ay natigilan ito.

Yumuko ito at muling tinitigan ang hawak na invitation. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkuyom ng mga kamao nito.

He was indeed affected.

"Isang beses lang naman akong nagkasala sayo , hindi ko pa sinasadya pero magpapakasal ka na agad kahit hindi pa nga tayo nagbe-break." mahina ani nito at nag-angat ng tingin sa akin. Naroon na naman ang mapanglinlang na kalungkutan sa  kulay abong mga mata nito.

Mariin siyang napalunok. Nakailang buka ng bibig pero walang lumalabas na salita.

Napako ako sa mismong kinatatayuan ko ng bigla niya akong yakapin , dahil sa bigla ay hindi man lang ako nakagalaw.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ilang saglit siyang tahimik bago namayani sa payapang silid ang kaniyang hikbi.

He was crying?

"Bigyan mo naman ako kahit isang pagkakataon na lang. Pinapangako kong hindi na mauulit ang nangyari. I swear. Just please give me another chance." ani nito kasabay ang paghikbi.

"Please."

"Para hindi na maulit ang nangyari , we should end this to avoid worse."

"Please.."

"Do not beg for forgiveness dahil hindi ko maibibigay yun sayo."

"I can wait just please don't marry that man. Hindi mo naman siya mahal diba? Sabi mo sakin ako ang papakasalan mo diba?."

" Sinabi mo rin na ako lang ang mahal mo pero anong ginawa mo?"

"Ikaw lang mahal ko. Anuman ang nangyari sakin at kay Cassey , hindi ko yun sinasadya. I was drunk and she tempted me."

Mapakla akong tumawa.

"That excuse was old."

"Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka sakin?."

"Stop bothering me. Stop nagging me. Stop playing like you're part of my life cause you're not anymore. We're over and the days we spent together was barely a memories I don't want to remember again. I regret them."

"Your lying." lumayo ito mula sa pagkakayakap sa akin at tumitig sa mga mata ko.

"Sabihin mo sakin na nagsisinunggaling ka lang. Sabihin mo sakin na gusto mong magkabalikan tayo. Tell me you love me still. Please , nagmamakaawa ako sayo. Alam kung wala akong karapatang humiling pero sana kahit ngayon lang kahit sa pagkakataon lamang ito pagbigyan mo ko. Kahit ngayon lang."

"Nasaktan mo ko and it wasn't easy to just give you a chance like that. Hindi mo alam ang sakit na pinagdaanan ko."

"Then let me feel it. Saktan mo ko sa paraang gusto mo. Iparamdam mo lahat ng sakit na pinaramdam ko sayo. Wag lang ganito."

"I'm not like you."

Natahimik ito at pagkaraan ay bahagyang natawa.

"Aren't you doing the same  thing? Magpapakasal ka sa Caden na yun kahit tayo pa?."

"Wala nang tayo."

"We can still fix this! Lahat gagawin ko maaayos lang ulit tayo. Scar , apat na taon. Apat na taon na tayo pero sa isang pagsubok susuko ka na agad? Saang banda ng sinabi mong hindi ka aalis sa tabi ko kahit na ano mangyari? What about our promises. Kakalimutan mo na lang ba lahat ng yun. Lahat ng pinagsamahan natin , madali lang ba sayo na kalimutan lahat ng yun? Hindi mo na ba ako mahal?."

That take me aback. Ginagawa ko nga ba ang lahat ng ito dahil hindi ko na siya mahal? No. Mahal ko siya for hell knows. Mahal na mahal na mahal ko siya pero andyan na lahat ng mga pangamba at takot na baka maulit ang nangyari at hindi ko na kaya pang harapin ang mga iyon.

Pinangakong lumaban sa mga pagsubok na dadaan sa amin pero hindi naman gaya nito. Sa kapatid ko pa talaga , doble ang sakit.

"Mahal mo pa naman ako diba?."

"I love you."

"Then why are you marrying him?."

"Kasi hindi ko siya mahal." kumunot ang noo nito. I give him a slight smile.

"I would like to marry the man I love but it looks like he doesn't love me anymore."

"Mahal kita!." mariin ani nito.

"Mahal na mahal kita."

"Ilang beses mo nang sinabi yan pero talaga ba? Dahil kung mahal mo ako Daniel , hindi mo hahayaan ang sarili mo na gumawa ng kasalanan. Iiwas at iiwas ka pero hinayaan mo lang ang sarili mo. You told me your a man , it was your nature. You have needs. But it's not a mans nature to cheat , to hurt a woman he love and to betray the person who have spent her years loving you unconditionally. You call yourself a man? I don't think so." naiiling akong lumayo sa kaniya.

"A real man is loyal , honest and will never be tempted by temptation. Hindi niya ako sasaktan , hindi niya ako lolokohin , hindi niya ako paiiyakin. Higit sa lahat hindi siya magsisinunggaling. Sadly I realize your not a real man after all. Most of all your did love me but with a fake love."

Tinanggal ko ang kwintas ko na binigay niya sa akin. He give it to him when he ask me to be his official girlfriend.

Kinuha ko ang kamay nito at inilagay iyon sa kaniyang mga palad.

"Salamat na lang sa lahat."

Mabilis akong naglakad palabas ng apartment. Muli na namang bumuhos ang luha ko nang maisarado ang pinto. I've stayed for awhile thinking he would ran after me dahil sa totoo lang kunti na lang babalik na ako sa kaniya kaso pinaasa na naman niya ako. Hindi siya sumunod. Hindi niya ako pinigilan. Hanggang salita lang siya pero wala namang gawa.

Pinahid ko ang mga luha ko. Ayoko ng umiyak. Nakakapagod na. Ako lang naman ata ang tunay na nasasaktan saming dalawa. Hindi totoo ang mga malulungkot niyang mata at mga salita ng pagsisisi. Nagpapaawa lang siya para sa sariling kapakanan. Hindi naman talaga niya ako mahal.

Hindi niya ako mahal

Hindi niya ako mahal

Hindi niya ako mahal

Paulit-ulit ko iyong tinatak sa isipan ko kahit masakit. Mas mabuti na iyon kaysa sa mananatili pa akong maniwala sa kasinunggalingan.

I could do it!

"Umiyak ka na naman?." Caden immediately mock me as I step in the car. Hindi ko siya pinansin at sinuot ang seatbelt ko. Nagpunas narin ako ng mukha.

"Here." napatingin ako sa inilahad nitong panyo.

"Take it."

Tahimik ko iyong tinanggap at ginamit para punasan ang mga luha ko. Hindi na talaga ako iiyak.

"Thank you." he just simply nod and start the car.

Tahimik ang biyahe namin patungo sa reception area. We have been informed about the reception style. Sa farm nila Caden sa Quezon ang venue. Simple but stylish. Para sakin wala namang silbi kung anong mangyayari sa kasal. Ang mahalaga lang naman ay magkaroon ng matibay na ugnayan ang dalawang pamilya para sa matibay na negosyo. Bakit nga ba ganoon ang mga negosyante?

Muli akong napabutunghininga. Inihilig ko ang ulo ko sa bintana at tumutok sa kawalan. It was so unfortunate that sleep right now was not a way for me to rest but a way to escape the pain. Kahit nga sa pagtulog mo ramdam mo parin yun sakit na hindi mawala wala.

Marahan kung ipinikit ang aking mga mata at pinukos ang isipan sa sa ibang bagay and soon those nonsense drifted me to sleep that for a moment laid my pain into rest. Kahit ilang minuto lang.

Nagising ako sa sunod sunod na vibration. Nagkusot ako ng mata at kinuha ang phone ko sa loob ng bag. Tadtad ito ng missed call at unread messages mula kay Daniel. Muli itong nag-ring habang hawak hawak ko pero nawalan ako ng gana para sagutin iyon. I rejected the call. Binalik ko na lang din ang phone sa bag.

Napabaling ako sa paligid. Nakaparada na pala ang sasakyan at ayon sa mga berdeng paligid na nakikita ko , nandito na kami sa reception area. Bahagya akong nagulat ng ma-realize na maga-ala una na ng hapon. Wala pang tangahali nang bumiyahe kami rito. Ilang oras pala akong nakatulog kung ganoon.

Natanggal ako ng seatbelt at saka bumaba. Walang tao sa paligid. Hindi ko rin alam kung saang banda dito ang gaganapan ng reception. Sa lawak ba naman ng lupain nila Caden , mawawala ka talaga kapag mag-isa ka lang.

Pilit akong naghahanap ng mapapagtanungan pero wala ni isang tao akong nakita. Sobrang tahimik ng paligid at may kalakasan ang ihip ng hangin. May kadiliman ang panahon.

"Talagang iniwan niya lang ako rito." bulong ko saka naglakad lakad at baka sakaling nasa unahan lang sila.

Muling tumunog ang telepeno ko. Kahit malaki ang kutob kung si Daniel lamang iyon kailangan ko parin tingnan kung siya nga o baka sina mommy lang.

Gaya ng hinala ko pangalan ni Daniel ang lumabas sa screen. Ilang beses na naulit ang tawag bago may dumating na text mula rito. Kahit hindi ko basahin nakikita ko parin ito sa notification panel.

Daniel

Please pick up. Let's talk.

Napairap ako at bumutunghininga. Another incoming call from him pop up in the screen.

"What do you want?." malamig kung saad matapos masagot ang tawag.

"Mag-usap tayo." deretsong sagot nito sa kabila.

"Para saan pa. Wala na tayo. What's more to talk?."

"Ganun na ba talaga lahat?."

"Ganoon naman talaga ang mga bagay bagay hindi ba?."

"Sa tingin mo ba makakatulong ang pagpapakasal mo sa isang lalaking hindi mo kilala para maayos ang lahat."

"I'm not fixing anything especially between us. I'm trying to move on."

"Isang beses lang ako nagkasala. Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan?."

"Paulit-ulit na naman ba tayo."

"Bakit ayaw mo bang makinig sakin?."

"Sa tingin mo ba kaya ko pang magtiwala sa mga sinasabi mo pagkatapos ng ginawa mo?."

"Mahal kita."

"Sawa na ako sa salitan yan Daniel. Wala na bang bago?."

"You've changed."

"And so are you."

"Hindi porket nagkasala ako , nagbago na ako."

Sarkastiko akong natawa.

"Let's stop talking this shits. Parang ginagawa mo pa akong guilty."

"Scar—

Mabilis kung binaba ang tawag.

"How dare he talk to me like that? Bakit parang ako pa yung nagkamali ng desisyon saming dalawa. How could he talk to me like that like he did nothing wrong na kung makapagsalita siya ay parang hindi malaking kasalanan ang nagawa niya."

Muli akong natawa.

"Mabuti sana kung magkatabi lang silang natulog but I was sure they were not."

"So nakita mo talaga silang dalawa?." napatingin ako sa likuran ko nang may magsalita.

Si Caden ang tumambad sa akin habang nakapamulsa.

"What?."

"I'm asking if you really see them...you know , doing that?." tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Doing what?."

"That?."

"What that?." He rolled his eyes and mouthed a word.

Agad na nagsalubong ang dalawa kung kilay.

"I don't want to talk about that kind of thing."

"Its a nature of man."

Bahagya akong natawa. "Ganoon ba talaga kayong mga lalaki ha? Kahit na may girlfriend o asawa na kayo  pumapatol parin kayo sa iba?. You're gross."

He cross his arm and with serious eyes glared at me.

"Hindi porket niloko ka ng boyfriend mo idadamay mo na ako."

"Wala naman kayong pinagkaiba." mahina kung ani at bumalik sa sasakyan.

Sumunod naman siya na nakataas ang kilay.

"You're boyfriend keep on calling you." sabi nito nang makapasok sa drivers seat.

Hindi ko ito sinagot dahil nag-iinit na naman ang ulo ko.

"Naghiwalay na ba kayo?." muli niyang tanong. Nakatingin ito sa akin nang bumaling ako.

"We did." mapakla kung sagot at umiwas ng tingin.

"Hindi mo na ba siya mahal?." tanong niya.

"Bakit ka ba nagtatanong?." irita kung tanong. "Hindi ka ba nakakaintindi ng sitwasyon ko. I was heartbroken. Niloko ako ng lalaking matagal ko ng kaibigan at mahal na mahal na mahal ko. The worst part is sa sarili ko pang kapatid. I was crying all night , I was in pain. Na-aksidente na ako't nalagnat , naikasal pa sayo. Sobrang hirap para sakin na maranasan lahat ng yun , makipaghiwalay sa taong pinangarap mong makasama habang buhay at hanggang ngayon laman parin ng puso mo. Kaya kung pwede tigilan mo na yang kakatanong mo sakin dahil hindi ka nakakatulong." pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko at huminga ng malalim.

Mapakla itong tumawa.

"I have experience worse."