webnovel

Chapter 2

Chapter 2 : Escape

"Scarlette!."

Walang lingon akong umakyat sa taas at hindi inabala ang sarili na lumingon sa kung sinuman.

Mabilis na muling umagos ang mga luha ng makapasok ako sa loob ng kwarto. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat pero hindi man lang nababawasan ang sakit. Mas lalo pa nga atang nadagdagan.

Lahat ginawa ko para maging mabuting kapatid. Ginawa ko lahat para maging kaaya-ayang girlfriend , ni halos hindi na ako lumapit o makipag-usap sa mga lalaki dahil may boyfriend na ako. Ni minsan hindi ko naisip na magtaksil o hindi naman kaya ay magkaroon ng relasyon sa boyfriend ng kapatid ko pero parang ang sama masyado ng kapalaran at sakin pa niya ginawad lahat ng kapaitan sa mundo.

Ayaw kung umiyak pero wala akong ibang magawa para alisin ang bigat sa loob ng dibdib ko. Dahil sa sobrang sakit kusa na lang tumutulo ang luha ko.

Dumapo ang tingin ko sa mga picture frame na nakadisplay sa mga dingding. Mas marami pa ang larawan ko kasama si Daniel kaysa sa mga magulang ko. Kuha noong anniversary namin at mga special occasion kung saan kami magkakasama , birthday , pasko o hindi naman kaya random gala lang.

The sweet smiles plastered in every photo just remind me that all this time he was really not worth my time. Huminga ako ng malalim at kumuha ng tissue upang punasan ang mukha ko.

"Don't cry. He's not worthy of your tears." paalala ko sa sarili habang pilit inaalis ang sakit.

Sumunod na tumambad sa akin ang larawan ko kasama si Daniel at si Cassey. Bumalik sa isipan ko ang natagpuan ko sa hotel. All their betrayal.

Tinanggal ko ang picture frame at hinampas ito sa sahig. Nagkalat ang basag na frame. Dinampot ko ang larawan at pinagpunit-punit iyon.

"I hate you! I hate you two!."

Nilangkat ko lahat ng mga larawan ko kasama si Daniel at Cassey at saka pinag-aapakan hanggang sa madurog na ito gata ng ginawa nila sakin.

The pain have lessen and all that divulge in my senses was hatred and resentment and anger.

"Fvck them." I sob as I let myself fall to bed and drown myself again to tears.

"I hate them.." paulit ulit na sabi ko hanggang sa sumuko ang puso ko sa sakit at pinili maging manhid.

I was hugging my pillow while staring in the ceiling absent mindedly. Natuyo na ang mga luhang hindi ko napunasan. Hindi ko na inalintana ang hapdi ng mga kaunting sugat sa kamay dahil sa mga bubog sa nasirang picture frame. Tanging naririnig ko lamang ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko parin mahanap ang lakas na bumangon at ayusin ang sarili ko. Hindi ko kaya.

Muli na namang tumulo na naman ang mga luha kong hindi maubos-ubos. Hindi ko alam kung natigil ba ako sa pag-iyak o hindi hanggang sa makatulog ako.

Madilim ang paligid ng muli akong magising. Hindi ko malinaw na makita ang oras dahil sa nanatiling malabo kung paningin. Kahit walang lakas ay bumangon ako at nagtungo sa banyo.

Hindi ko makilala ang sarili ko sa harap ng salamin. Sobrang gulo ng buhok , namumula ang mga mata , pagod ,  walang lakas at namumutla ang mukha. Kahit na ilang beses akong maghilamos wala iyong magawa upang tanggalin ang nararamdaman ko ngayon.

Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa kama ko. Hindi ko na inabala ang sarili na linisin ang mga nagkalat na picture frame at nagbalot ng kumot trying hard to fall asleep and wish that when I woke up all this was just a dream , a nightmare rather. Sana nga panaginip lang ang lahat.

NAGISING ako nang marinig ang malalakas at sunod sunod na katok maging ang pagtawag ng aking pangalan. Hinigpitan ko lamang ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko at hindi pinansin ang komosyon sa labas. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag ng mga pumasok.

"Scarlette." hindi ko alam kung kaninong boses iyon. Tila nawalan ng gana ang utak ko na kumilos. Blanko ang buo kung isipan at walang lakas ang buong katawan.

"Hija?." naramdaman ko ang malamig na hangin na tumama sa balat ko nang tanggalin nito ang kumot na nakabalot sa akin.

"Scarlette.." tila bulong lamang ang mga tinig. Malabo at hindi ko marinig. Mulat ang aking mga mata pero higit pa sa isang patay na kaluluwa ang aking kalooban.

"Scarlette!. Ang init mo , nilalagnat ka." tarantang ani ng boses. Pero wala akong gana magbigay ng reaksyon. Nanatili akong tila lantang gulay na nakahiga sa kama.

May bumuhat sa akin palabas ng kwarto and the next place I realize I was in , is the hospital. Nasa hospital na naman ako at mas napapa-alala lang sa akin ang tindi ng epekto ng nangyari sa akin. The miseries and pain that even an anesthesia cannot help.

Nasanay ako sa labing-dalawang taong nakakasama ko si Daniel na puno ng saya ang bawat oras na nagdaan. Hindi ko maalalang nagkatampuhan kami o nag-away. Kung mayroon man walang pang isang oras ay nagbabati na agad kami.

Nasanay ako na laging ramdam ang kasiyahan at pagmamahal kasama siya at nang biglang dumating ang araw na ito , I wasn't prepared. I never even expected things will turn that way. Nakaraang buwan nang magkaroon ako ng hinala pero isinantabi ko iyon dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. I love him that despite of the heresy and doubt I still choice to side him. Sa kabila ng hinala mas pinili kung magtiwala sa kaniya dahil mahal ko siya.

Akala ko tanging totoong pagmamahal ang magiging daan sa maayos na relasyon namin pero dahil sa matinding pagmamahal ko ay naging bulag ako sa mga nangyayari sa likod ng alam ko and I end up getting hurt.

Damn that love!

MAS maayos ang naging kalagayan ko nang muli akong magising. I once again found myself in a hospital room. May nakakabit na IV at iba pang medical technologies sa akin. I just sigh.

Bumukas ang pinto at pumasok si Daniel dala ang pumpong ng bulaklak at mga prutas. Inilagay niya ang bulaklak sa gilid ng kama at ang mga prutas sa mesa. Lahat ng mga iyon ay mga paborito , gaya ng mga dinadala niya kapag nagkakasakit ako noon.

"Kumusta ka na?." tinabig ko ang kamay nito na humaplos sa buhok.

"Why are you here?." I asked looking away.

I heard him sigh. "Alam kung galit ka sakin. Wala akong magagawa. You can hate me all you what pero hindi niyon mababago ang katotohanan na mahal parin kita. Aaminin ko nagkasala ako pero hindi ko ginusto ang lahat. Maniwala ka naman sakin , please.."

"Get out."

"Scar please. Sasayangin lang ba natin ang mga taon na magkasama tayo?."

Napairap ako nang marinig ang kaniyang mga salita.

"Ikaw ang sumira ng lahat ng taon na pinagsamahan natin."

"I'm sorry."

"Hindi maibabalik ng sorry mo ang nangyari."

"Alam ko pero sana naman pakinggan mo muna ako."

"Pakinggan? Para saan? Para marinig ang mga  kasinunggalingan mo?."

"Scar please. Aaminin kung nagkasala ako kasama ang kapatid mo. But I was just tempted. Hindi ko naman ginustong magkasala sayo."

"Hindi? Pero tinanggi mo noong una na nagkasala ka. May nakakita rin sayo noong nakaraang buwan kasama ang isang babae at nag-check in sa hotel. Sabihin mo nga sa akin. Kailan ka pa nagsimulang magtaksil sa akin? May iba ka pa bang babae o si Cassey rin iyong kasama mo."

"What are you talking about?."

"Bakit mo yun nagawa sakin?." tinatagan ko ang sarili upang iwasang maiyak sa harap niya. Pinagmukha niya na akong tanga.

"Scar." hinawakan nito ang kamay ko pero binawi ko agad yun.

"Wag mo akong hawakan. Nandidiri ako sayo."

"Please." nanubig ang mga mata nito pero hindi ako makahanap ng dahilan para maniwala sa mga drama niya.

"I was just tempted. Lalaki ako Scarlette. I have needs."

"Oh?." matalim ko siyang tinitigan

"Porket lalaki ka at pwede na? Daniel may girlfriend ka. Kung totoong mahal mo ako hindi mo hahayaan ang sarili mong lapitan ng tentasyon. Kahit na anong mangyari iiwas ka sa mga kasalanan pero hinayaan mo lang ang sarili mo na maakit sa hindi tama. That just prove your love for me is not enough o baka hindi mo naman talaga ako mahal."

"I love you Scar. Alam mo yan."

"That was the Daniel I used to know. Kung sino ka mang nagsasabing mahal mo ako , hindi na kita kilala."

"Isang beses lang naman akong nagkasala. Apat na taon na tayo , patawarin mo na ako. Please , Scar. I promise it will never happen again. Hinding hindi na. Hindi ko hahayaan ang sariling kung muling magkasala.  Just give me another chance."

Seryoso ko siyang tiningnan.

"Kapag ako ba nakita mo sa ganoong sitwasyon kasama ang kapatid o kakilala mo. Anong magiging reaksyon mo?." sandali siyang natahimik at nakatingin lamang sa akin.

Nagbutunghininga siya at yumuko.

"Papatawarin kita dahil mahal na mahal kita. Wala akong pakialam kung ilang beses kang magkakasala papatawarin parin kita kahit na anong mangyari." puno ng kaseryosohan ang boses nito.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niyang hinaplos. Tila isa iyong musikang naghehele sa kalooban ko. Dahan dahang nanlalambot ang aking kalooban. Aaminin ko ilang beses ko nang naisip na patawarin na lang ito upang maisalba ang relasyon naming dalawa.

"Alam kung galit ka ngayon. Handa akong maghintay sa pagdating ng panahon na mapapatawad mo ako. Kahit gaano katagal maghihintay ako." tumitig ito sa mga mata ko at hindi ko alam kung dahil na naman ba sa pagmamahal ko sa kaniya kung kaya't hindi ko nakikita ang mga kasinunggalingan na nasa likod ng kaniyang mga salita.

"Maghihintay ako hanggang sa kaya mo na akong patawarin. Kahit pa gaano katagal.  It may takes your forever pero hindi ako susuko sa paghihintay at papatunayan ko sayo na nagkasala man ako ikas lang ang tanging babaeng minahal ko na higit sa kaninuman." mapait siyang ngumiti sa akin at tumayo upang ihanda ang mga prutas na dinala nito.

"You should eat this. Makakadagdag iyan sa lakas mo. Hindi ko alam kung paano hilumin ang sakit na nararamdaman mo lalo na at ako ang dahilan ng sakit na iyon pero sana wag mong saktan ang sarili mo." muli itong bumaling sa akin.

"Pwede naman sa akin mo ilabas lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko. Buong puso kong tatanggapin lahat ng parusang ibibigay mo just don't hurt yourself. Wag ganito. Hindi ko kayang nakikita kang narito dahil sa akin. I was a fool to hurt you pero hindi ko alam ang dapat kung gawin para makabawi sayo."

Umiwas ako ng tingin at nagkagat ng labi. Hindi ko kaya ang mga matatamis niyang mga salita. Pinapaasa na naman ako nito , gusto kong umasa , gusto kong maniwala sa kaniya , gusto ko siyang pagbigyan at patawarin pero natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari. Natatakot akong muling masaktan. Natatakot akong kasinunggalingan lamang ang lahat.

I close my eyes when his lips landed on my forehead.

"Sorry. Magpagaling ka na. You don't deserve to suffer like this just because of me. Batid kung ayaw mo na akong makita pero kapag kailangan mo ako I will be always waiting for your forgiveness. At kung sakaling kailangan mo ng taong magpagbungtungan ng galit , you can call me anytime. Tatanggapin ko lahat dahil alam kung kasalanan ko naman lahat but always remember. Mahal kita kahit pa hindi na ganoon ang nararamdaman mo ngayon. Mananatili akong nagmamahal sayo." sandali niya akong tinitigan bago naglakad palabas ng kwarto.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang pigilan sa pag-alis. Gusto kong buuin muli ang anumang nasira sa amin.

Ilang sandali akong nakatitig sa kisame bago bumangon at tinanggal ang IV na nakakabit sa akin at lumabas. Hindi pa lumipas ang tatlong minuto mula nang makalabas siya. Marupok na kung marupok pero sinisigaw ng puso ko na muli siyang pagbigyan dahil nararamdaman nitong totoo ang kaniyang magmahal. Hindi ako sigurado pero walang mangyayari kung hindi ako susugal. Hindi ako nag-abalang gamitin ang elevator at tinakbo na lamang ang hagdan pababa ng lobby ng hospital nagbabakasakaling maabutan ko pa siya. 

Habol ko ang hininga nang maka-abot sa lobby. Hindi ko pinansin ang mga taong napapatingin sa akin dahil sa suot ko.

I was silently praying that he was still here hoping I'll run after him gaya nang mga nakaraang pag-aaway namin.

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ito na nakatayo sa isang sulok. Kitang kita ko ang bagsak nitong balikat. Nasasaktan ako habang nakikita ang malulungkot na mga mata nito. I want to hear his explanation now. Diba ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Papatawarin mo siya kahit na anong mangyari at bibigyan ng pagkakataon sa kabila ng lahat.

Huminga ako ng malalim at humakbang palapit sa kaniya pero muli akong tinakasan ng may lumapit sa kaniya. Hindi lang basta bastang babae but Cassey again. Saglit silang nag-usap bago magyakapan.

Parang tumigil ang lahat ng nasa paligid at tanging nakikita ko lamang ay silang dalawa na nagyayakapan sa harap ko mismo.

Naniwala na naman ako na totoo ang lahat ng sinabi nito pero heto na naman at pinamumukha sakin ang masakit na katotohanan na taksil nga sila sa akin. I felt a sting in my heart. Nanubig na naman ang mga mata ko at nangati ang mga lalamunan dahil sa nagbabadyang luha. Muli na namang nanikip ang aking dibdib.

"S-scar.."

Mabilis silang naghiwalay nang mapansin ako ni Cassey sa kanilang likuran. Napatingin rin sa akin si Daniel at bakas sa mukha nito ang gulat. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin.

"Scar—

"Muntik na akong muling maniwala sayo , alam mo yun?."

"Its not what you think about? She's just comforting me."

"Hanggang dito ba naman?."

"Scar please. Let's go back to your room. Pinagtitingnan tayo ng mga tao." bulong niya.

"Nahihiya ka pa? Ang kapal din ng mukha mo para magkaroon ka pa ng hiya matapos mo akong harap harapang pinagtaksilan at sa mismong kapatid ko pa."

"Scar—

"Shut up!." I glared at Cassey. Pinagtitingnan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam. Mas mabuting ng malaman ng lahat kung anong klase silang tao. Hindi naman pwedeng buhay ko lang ang masisira nang dahil sa ginawa nila.

Nagbutunghininga si Daniel at kinuha ang mga kamay ko.

"Let's go back. Hindi pa mabuti ang kalagayan mo."

"Nag-aalala ka?."

"Of course I am. Mahal kita."

Natahimik ito nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Anong klaseng pagmamahal ang meron ka at ginagawa mo sakin to? What kind of love do you have from me that you choose to hurt me like this? Ano?!." I bit my lips to suppress the bursting emotion of anger.

"Scar."

"Alam mo. Nasayang lang ang mga taon na ipinamalas ko sa pagmamahal sayo dahil maling tao ka. Maling mali."

"Naiintindihan ko naman kung bakit ka galit sakin. But you can't just accuse me of being such jerk. Oo , nagkasala ako pero sa taong lumipas kung naghahanap ka ng katotohanan , that is I love you.  Kasinunggaling man lahat ng sinabi ko para sayo pero iyong nararamdaman kong pagmamahal para sayo. They're never been lies."

"Paano mo yan nasasabi sa akin yan ngayon?." natahimik ito.

"Kawawa naman yung babae." rinig kung sabi ng mga tao sa paligid.

"Let's go back to your room." tinabig ko ang kamay nito.

"Wag mo kong hahawakan. Wag ka nang magpapakita sakin kahit kailan."

Pinahid ko ang iilang butil ng luhang namumuo sa mga mata ko at tinalikuran ito.

Why is it have to end this way?

"Scarlette Avery Imperial!." gustuhin ko mang magbingi-bingihan na lang ngunit hindi ko magawa. Sobrang laki parin ng epekto  ng kaniyang boses sa aking sistema.

Gaano ko man kagustong lumingon ulit sa kaniya pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong muling makita ang mga pagmamaka-awa niya , ang mga salita nitong wala namang katotohahanan.

"Walang akong pakialam kung ayaw mo na sakin! Pero mahal na mahal na mahal kita! Hindi magbabago yun." mariin kung nakagat ang aking labi.

Ito na naman siya sa mga salita niya pero wala naman sa gawa. Sobrang hirap pigilan na maniwala sa kaniya. Nakakatakot na muling magtiwala sa kaniya. Ang hirap kapag nasira yung tiwala mo sa isang tao na sa loob ng matagal na panahon pinagkakatiwalaan mo. Sobrang hirap.

"Please.." He was pleading but why do I feel like those pleads hurt me more. Dahil ba kasinunggalingan na naman ang lahat?

"Please. Give me another—

Hindi ko na muling narinig ang boses nito nang may tumakip sa tainga ko. Nagtataka akong bumaling at kahit sa malabo kung mga mata ay malinaw sa akin kung sino iyon. Past from his shoulder I saw Daniel kneeling in the cold floor , teary eyed.

Nakatulala itong nakatingin sa akin or must I say sa kasama ko. Lumipat ang mga mata niya sa akin na puno ng katanungan. Umiwas ako ng tingin mula rito at muling binalingan ang tao sa likuran ko.

"C-can you accompany me to my room?." tango lang ang kaniyang sagot at inalalayan ako palakad.

I took one last glance at Daniel. Nakaluhod parin ito at bakas sa mukha ang pagkabigo but I choose to walk away and ignore all of them.

Wala ako sa sarili habang naglalakad pabalik sa kwarto. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid. Nothing registered in my mind not until the person I was with spoke up.

"Aside from I don't wanna marry someone who believe in love. I don't want to marry someone miserable because of it." napalingon ako rito.

"I could still find someone more deserving to be wife than you. We can cancel the marriage." seryoso sabi nito.

"Please don't. I want to marry you."

"No you don't. Gusto mo lang ipakita sa kanila na kaya mo paring tumuloy sa buhay mo kahit pa sa nangyari. You just want them to realize what they did is not worth any of your attention. You want to show them , you can play better and that exact way of marrying me would grant the very best option. Though this marriage is mostly nothing involved with personal feelings alam mong masasaktan parin siya habang nakikita ka na nagpakasal sakin. Kahit hindi mo man sabihin , you hate both of them and you think this way you'll get your revenge but to tell you are wrong."

"Nasasabi mo yan kasi hindi mo naranasang masaktan gaya ng sakit na naranasan ko." hindi napintag ang kaniyang walang emosyong mukha.

"You can easily tell things. Not all are based on experience."

"Hmm. Sa totoo lang I did dream that someday I would be married to the man I love , I thought it would be him. That Daniel Salvatore Montereal. Pero alam mo minsan hindi lahat ng pinapangarap mo nakatadhana para sayo." humugot ako ng malalim na hininga bago muling tumingin sa kaniya.

"Tama ka sa puntong wala na akong magawa but I'm not doing it for a revenge." muli na namang tumulo ang mga luha ko.

"I just want to escape from this pain."

"Why me then?."

Sa kabila ng walang buhay na mga mata nito hindi maitatago ang gandag taglay nito. I used to believe Daniel has the most beautiful eyes in the world but it seem it was the most deceiving one.

"I don't know."

He sigh and held my chin with both of his hands.

"Fine. I'll do you a favor. Its strange for me to do a favor for a woman I hardly know but since we got no choice I'll do you one. Soon , you'll be Mrs. Escariaga." sabi nito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinalikan ako.

It wasn't a smack kiss but more than that and I can't stop my tears to fall down as it reminded me of how Daniel and I used to kiss like this but both end up in another's lips.

Matagal itong nakatitig sa akin matapos ang halik bago bahagyang lumayo.

"Favors sealed. You should get ready for the weeding." aniya at lumabas na.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o hindi cause all this things seem to be like I was also doing the same thing Daniel and Cassey did.

I don't know how love work anymore. Or does even love really exist or it was just us being overreacting to the butterflies in our tummy?