webnovel

Fall Back On You

Anxiety, depression, panic attacks— these were the things Elsie wants to abolish in her life. Her life is not that good, it wasn't easy but Allan—her best friend; the boy who appreciated her; who made her feel complete; the boy who stayed even he was pushed away... The boy who never left even he found out that she killed someone. But, she knew, she needed to get rid of him soon. She needs to blew the whistle first before anyone else.

dreamghorl · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Simula

"Hinahatulan ka ng labing-dalawang taong pagkakakulong dahil sa salang pagpatay kay Theodore Mirgo," pinal na desisyon ng hukom.

"Pero hindi p-po ako! Hindi p-po ako ang pumatay!" Todo ako umiling, umaasang matupad ang aking hiling— ang makalaya sa katotohanang naka-piring. "Si Leslie po ang pumatay! Hindi po ako! Please! Maniwala po kayo!"

I tried running towards the judge but the grip of the two policemen beside me is too painful. Hindi ako maka-alis, pakiramdam ko ang mga kuko nila ay nakabaon sa aking mga braso. As if namang makakatakas ako.

The judged looked at me as if I'm the greatest clown of all time. "Ha! Akala mo naman ay mapapaniwala mo ako? At sino naman si Leslie? Imaginary friend mo?" pangbubuska nito.

Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pinagmamasdan ko na lamang ang hangin sapagkat ang aking katawan ay namamanhid habang walang humpay na tumutulo ang aking mga luha.

Wala na...

Wala na akong pag-asang makalaya pa...

Tuluyan na akong napaluhod dahil hindi na nakayanan ng nanginginig kong tuhod ang panatilihin ang pagkakatayo. Gigil kong inihilamos ang aking mga palad. Bakit ba kasi hindi nila ako paniwalaan? Sabi nang si Leslie ang pumatay at hindi ako!

Patuloy akong kumakawag sa mga posas na nakapalibot sa aking mga palapulsohan habang hinihila ako ng mga awtoridad.

"P-please, maawa kayo! Hindi ako ang pumatay! Hindi ako! H-hindi ako..." humihina nang humihina ang aking nanginginig na boses.

Tumawa ang pulis. "Anong hindi? Tignan mo nga 'yang kamay mo."

I looked down at my hand bathing with red liquid. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

"Hindi! Hindi ako ang may gawa niyan! Hindi ako!" Umiiling kong itinanggi. Umaagos ang luha sa mata, lumuhod ako kay manong pulis, nagmamakaawa. "P-please! Pakawalan ninyo po ako! Hindi ako ang gumawa!" Pero ang mga pulis na nakapalibot sa akin ay patuloy lang sa pagkaladkad.

Naliligo na ako sa sarili kong pawis, ang kamay ko ay binahiran ng dugo at ang mukha ko'y nagbababad sa aking mga patuloy na umaagos na luha. Natitiyak kong magulo na rin ang buhok ko, nanlalagkit na ako sa pinaghalo-halong likidong nasa katawan ko. Idagdag mo pa ang kaunting hangin na nagmumula sa dalawang electric fan na nandito sa opisina ng pulis.

"Miss, bakit mo 'yun nagawa? Bakit mo nagawang patayin si Mister Mirgo?" pag-iinteroga nito sa kaniya.

Matalim ang matang tinignan ko siya. "Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko siya pinatay?! Si Leslie nga ang pumatay sa kaniya! Hindi ako!"

Bakit ba kasi hindi nila ako maintindihan? Sinabi ko na ang katotohanan ngunit patuloy pa rin nila iyong pinagpipilitan!

"Nagpapatawa ka ba?" Sumandal ito sa upuan nitong office chair. Ha! May pambili ng upuan ngunit walang pera para sa electric fan?

I maintained my stoic yet wet face. "Mukha ba akong nagpapatawa, mamang pulis?"

Ngumisi ito at nababasa ko sa kaniyang mata na napipikon na siya. "Sige. Nasaan ang tinutukoy mong Leslie? E, wala nga siya sa crime scene!" Kumalabog ang kaniyang mesa dahil sa buong lakas niyang paghampas doon.

Yumuko na lang ako habang nagtataas-baba ang aking balikat. "P-Pero hindi n-nga po ako..."

Kumuyom ang aking mga kamao habang naaalala ang nangyari panghuhuli sa akin kahapon. Pagbabayaran mo ito, Leslie. Pagbabayaran mo...

I heard some footsteps around me. Palakas ito nang palakas hudyat na malapit lang siya sa aking puwesto. I looked up just to see a sillhouette of a man made by the light behind him. He bended over just to reach my crying face. He wiped away my tears. I closed my eyes as he kissed my forehead. Then, his arms hugged my petite body.

Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg. "I'll be always here for you. But, for now, you need to pay for what have you done."

Napapiksi ako sa kaniyang sinabi. Humiwalay ako sa kaniyang bisig. Hindi ako makapaniwala! Pati ba naman siya!? Siya na pinagkatiwalaan ko!

"Hindi ka rin naniniwala?" I asked him as my eyes watered again. Ngumiti lang siya at mahinang humiling. "Ha!" Tumawa ako na tila nabubuang. "Pare-pareho lang kayo!"

Tumayo ako. Walang pakialam sa mga tingin ng mga kasama ko sa kwadradong silid na ito. I walked back and forth as I placed my palm on my forehead. "Kasalanan 'to ni Leslie! Kasalanan 'to ni Leslie! Si Elsie dapat ang makukulong!"

Humagulhol na lang ako habang nakasabunot sa aking buhok. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo ulit habang umiiyak nang may tumapik sa aking mga balikat.

"Ma'am, tara na po," said by a policeman who's holding a handcuff.