3 Kabanata 1

Dahan-dahan kong inilabas ang new set ng mga bagong lutong Red Velvet Cheesecake mula sa oven. Umaalingasaw ang nakakatakam nitong bango, na-tetempt tuloy akong kumuha ng isang piraso kaya lang ay para iyon customer namin.

Nagtitinda kami ng mga Pastry desserts through online at kami na ang bahalang maghatid basta ba ay nasa subdivision lang namin o 'di naman kaya ay madadaan namin sa tuwing aalis.

I slowly put the vanilla frosting over the cupcake to make it neat and presentable. Slowly yet surely. This pastry looks yummier and fluffier in every second. Ahh. I'm craving.

"Ma! Ready na po 'yung ide-deliver!" pagpapaalam ko sa kanila bago pa ako tumikim ng isang piraso.

I kept on staring at those cutie, tempting cupcakes. I wanna have one!

"Naglalaway ka na naman." Tumawa ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Shannie. "Hindi kita masisisi. Ang bango kasi ng mga gawa mo! Kaya hindi nakakapagtakang marami ang suki natin, e!"

Ngumisi ako at saka umaktong parang French Chef na humalik sa magkakadikit na daliri pagkatapos ay yumuko, nakalagay ang kanang braso sa aking tiyan. Nang umayos ako ng tayo ay pareho kaming tumawa ni Ate.

"Shala. Akin na, ilagay na natin sa mga lagayan para daw mai-deliver na natin sabi ni Mama." Saka namin kinuha ang mga box na paglalagyan ng mga cupcake.

Marahan namin iyong inilagay dahil sayang naman kung masisira lang 'yung pinaghirapan ko, 'di ba? Nang maiayos na namin ang lahat ay nagpalit na ako ng damit upang presentable naming maihahatid ang mga cupcakes.

Hindi naman gaanong mainit ang panahon ngayon kaya hindi nakakainis magdeliver dahil hindi rin matutunaw ang frosting 'pag nagkataon. May apat kaming bahay na pupuntahan na malayo sa isa't isa kaya kailangan naming maghiwalay ng direction ni ate.

"Ikaw na bahala sa kanila Ate Lourdes at Kuya Rowel, ha? Ako na rito," pag-uutos ni Ate Shannie sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Parang sa kabilang kanto lang 'yung sa kaniya, ah?

"Teka nga. Ang daya!" Ngumuso ako. "Mas malapit ang pupuntahan mo! Ako na lang diyan!"

Ate sticked out her tongue and she raw away while teasing me with her laugh. "Bye!"

I was throwing tantrums through kicking the pebbles that I'll walk through nang sumaboy sa mukha ko ang mga hibla ng aking buhok dahil sa malakas na hangin.

"Cooper!" I growled his name because I am pretty sure that it his him and his bicycle again who ruined may hair-do. And my assumptions weren't wrong, I can hear his chuckle from afar. Lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa pang-aasar na ginawa niya.

He's walking towards me, hawak-hawak ang manibela, minamaniobra ang kaniyang bisekleta. Pangisi-ngisi itong papunta sa aking direksyon. "Good morning, Frozen Cookie."

I rolled my eyes. "It is Silvena not Silvana, you idiot."

Tumawa lang ulit siya. "Hahatid na kita, Cookie. Nakasalubong ko si Ate kanina. Ako na raw bahala sa'yo baka magwala ka pa raw dito."

Si Ate talaga! Wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon sa kaniya. Ako rin naman ang mahihirapan 'pag hindi pa ako pumayag.

Ang kaniyang bisikleta ay malaki at may kataasan para sa katulad kong 5'4" ang height. Sumakay na siya roon pagkatapos ay inalalayan niya ako sa pag-angkas. Naka-puwesto ako sa kaniyang harapan habang hawak-hawak ang dalawang kahon.

"Okay na?" he asked.

I nodded as a response. Dahan-dahan naman niyang pinaandar ito hanggang sa maging katamtaman na ang bilis.

"Ang bango ng buhok mo," he stated. Probably, he's sniffing my hair again.

Hinawi ko ang buhok ko. "Tigilan mo nga buhok ko. Tuwing nagba-bike tayo inaamoy-amoy mo lagi 'yan. Aso ka ba?" angil ko.

"Arf! Arf!" he imitated the dog's bark, closing the distance between our small spaces.

"Yawa ka. Umayos ka nga baka mabunggo pa tayo!" I exclaimed and he chuckled sweetly.

Hindi naman gano'n kalayo ang pagdadalahan namin ng cupcakes. Dalawang ikot lang sa mga halera ng mga bahay dito sa subdivision ay mararating na ang mga ito. Magka-kapitbahay naman sina Ate Lourdes at Kuya Rowel kaya hindi na kami magtatagal.

Ang mga bahay dito ay maayos tignan dahil sa bawat street ay may nakalaang kulay para sa kanila kaya hindi magulo pagmasdan, hindi ka pa maliligaw.

Tumigil kami sa kulay berdeng tahanan. Hinawakan ni Allan ang aking bewang bilang pag-alalay sa akin at tinawanan niya pa ako dahil 'di ko maabot ang semento kasi maliit ang aking mga binti.

I knocked on the door of the house in my right side. "Ate Lourdes? Si Elsie po ito! Dala ko na po 'yung mga in-order ninyo!"

I can hear footsteps inside. Maybe, she's going downstairs kasi lahat ng bahay dito ay may dalawang palapag. "Sige, Chrizelle! Wait lang, ha?"

Bumungad sa amin si Ate, gusot ang kaniyang maluwag na damit. "Naku! Pasok ka muna! Aasikasuhin ko lang si Noel! Ay, kasama mo pala jowa mo, sige na pasok na kayo!"

Napakamot ako ng ulo dahil sa kaniyang tinuran. Nagkatinginan kami ni Allan at nagkibit-balikat lang siya. I smiled shyly while entering their house. "Hindi ko po boyfriend si Allan, Ate. Best friend ko po siya."

Mapang-asar itong ngumisi. "Sus. Kunwari pa kayo. Ganiyan din kami ng asawa ko noong kabataan namin! Sige na. Maupo muna kayo diyan sa sofa. Asikasuhin ko lang anak ko. Pasensya na ha? Magulo pa kasi."

I smiled awkwardly. "Sige po. Take your time."

We sat on a dirty white comfy sofa pagkatapos ay tinalikuran niya kami. Ma-issue talaga siya kaya 'di maiiwasan ang mga conclusion sa isip niya.

"Bagay pala tayo, e," pangbubuska ng best friend ko.

Sumandal ako sa kaniyang balikat. "Oo. Bagay tayong magkaaway."

I heard him chuckle. "I never thought that they will be thinking that we are a thing. I mean, hindi ba sila nagka-boy best friend?"

"Gaga. Bakit kaya nila tayo inaasar sa isa't isa? Kung alam lang nila..." I laughed because I remember our silly moments. "Baka masyado tayong clingy? Baka 'di normal 'yun sa kanila."

"Nah." Naramdaman kong inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga. "They just love gossiping."

We both laughed because of his statement. Gago talaga, e.

"Kayo, ha. Hindi raw mag-jowa. Sus!" Napa-ayos ako ng upo dahil hindi namin namalayan na dumating na pala si Ate kung hindi pa niya kami inasar. "Ay, siya. Ito na ang bayad. Sa uulitin, ha? Siguradong masarap 'to! Salamat!" she said as she stared at those velvety cupcakes I made.

Tumawa ako. "Salamat po, Ate! Sa susunod mas marami na ang maluluto ko! Iba-ibang cupcakes na." We bid our goodbyes and then we headed to the next house beside it.

Sa unang dalawang katok ko ay kaagad nang bumukas ang pinto. Sumalubong sa amin ang ngiti ng naka-sandong si Kuya Rowel. "Good morning, kuya! Ito na po 'yung order ninyo!"

"Uy, mukhang masarap, ha?"

"Hindi lang mukha, kuys. Masarap talaga 'yan!" sabat ng lalaki sa aking likod. And then, ginulo niyang muli ang aking buhok. "Magaling magluto ang isang 'to, e."

Kuya Rowel laughed at his joke. "Alam ko, hijo. Kaya nga suki nila ako, e! Hindi ko na papatagalin dahil may gagawin pa ako. Ito na ang bayad. Salamat! Sa susunod ulit, ha?"

"Sige po! Salamat!"

Nauna nang sumakay si Allan sa kaniyang bisikleta. He offered his hand but I refused kaya nagtataka niya akong tinignan. Nginisihan ko na lang siya dahil may iba akong gustong gawin.

Pumuwesto ako sa kaniyang likuran, hinahawakan ang kaniyang dalawang balikat. I asked, "Ready?"

"Huh? Ready for what?" he looks so naive while looking at me. I want to laugh but I need to focus. Ipinatong ko na ang aking talampakan sa angkasan nito sa likuran. He tensed with my movement. Hindi niya malaman kung saan babaling. Kung sa unahan ba upang magbalanse o sa akin na makulit. "Hey! Hey, Chrizelle! Bumaba ka riyan! Remember the last time we did this? Nagkasugat ka!"

Nang unang ginawa kasi namin ito ay bigla kaming sumemplang dahil hindi namin napansin ang bato sa aming dinaraanan.

Tuluyan na akong naka-angkas sa kaniya ay narinig ko siyang bumuntong hininga. I smirked at his reaction. "You are over protective. Hindi mo naman ako papabayaan 'di ba?" I teased him using my puppy eyes.

"Malamang." He rolled his eyes. "Sagot pa ng konsensya ko ang kahit anong gasgas katawan mo. Aish. Tara na nga!"

"Punta muna tayo sa park, Engineer," I said. Nagpapabebe sa kaniya. I really want to take a breathe and go to park! I miss the sight of those kids!

"Okay, Attorney."

Pinaandar niya na ang bicycle kaya natawa ako. Kasi wala na talaga siyang magawa laban sa akin. I used our endearment na, e. Our dream profession is our endearment. Because, you want it? Claim it! Nangako kami na matutupad mga pangarap namin paglaki.

"Yoohoo!" I screamed as I feel the hug of my beloved wind. This is what I love! Nature!

"Elsie! Humawak ka nga nang maigi!" pagsuway sa akin ng lalaking ito.

"Nakahawak naman ako, a?"

"But your grip is— argh! Hindi mahigpit!"

Tinawanan ko siya. "Don't yah worry, my dear friend. Tingin ka na lang sa dinaraanan natin. Baka mabunggo tayo, sige ka."

He growled his frustration. Gigil ka na ba, girl?

May nakita akong grupo ng mga nagba-bike. Para silang nagpapaunahan. Napansin ko rin na mabilis ang kanilang mga kilos. Waaah! I wnat to join!

"Aww! Anong problema mo?!" he winced because I hammered his right shoulder.

"Oops. Sorry," I apologized. "Allan! I want to join!"

"Saan?"

"'Yun, o! Those group of some people who's racing with their bicycles! Allan! Taraa!"

"No! Masyadong delikado 'yun!"

"Please, Engineer?" Pinalambot ko ang aking tinig. Sana gumana! "Pumayag ka na, please?"

Bumuntong hininga siya. "Fine, fine. Pero isang beses lang, ah? Magtatanghali na rin. Baka malipasan ka ng gutom."

"Yes, Sir! Let's go!"

Sakto namang naabutan namin ay huminto ang mga nagkakarera. Nasa malapit lang nila kami at napapansin ko na puro ito mga lalaki na mga naka-itim. Mukhang mga maaangas pero maaamo naman ang kanilang mga hitsura. At saka mukha pa silang mas bata kaysa sa akin kaya siguro naman ay ligtas ako dito.

Bumaba muna ako at umambang pupuntahan sila para makipag-usap tungkol sa aking gusto ngunit hinarang ng kasama ko ang kaniyang braso. "Ako na. Dito ka na muna."

I let him with his want. Baka kasi magbago pa ang isip at dumiretso pa kami sa bahay. Sayang opportunity!

I observed how he talk with those guys with his hands on her pocket. Parang tropa niya lang ito base sa mga galaw ng kaniyang katawan. Hindi naman siya mukhang naaalarma at hindi rin naman mukhang naiinis kaya I think it's okay pa naman. I saw him pointing at my direction then he nodded. He jogged towards me.

"Pumayag?" I asked enthusiastically.

Nakakunot ang kaniyang noo. "Yes. But only for one lap. Iikutin lang natin itong basketball court and we're ready to go, alright?"

Sumaludo ako sa kaniya. "Yes, sir!"

Malawak naman ang pag-iikutan namin kaya ayos lang.

Umayos na kami ng pagkakasakay and then he showed an okay sign with his thumb to the group. Tapos ay lumapit kami nang kaunti upang masigurong walang kadayaan.

"Magpakaayos ka, Chrizelle. Huwag kang malikot," batid kong pinapaalalahanan niya lang ako pero ang boses niya at parang nagbabanta.

Tatlong lalaki ang nakahilera. Lahat sila ay moreno, pero medyo nagkakaiba lang sila sa shading. Ang isang lalaki ay chubby habang ang isa ay katamtaman ang katawan. 'Yung isa naman ay masasabi kong matikas ang pangangatawan.

"Ang unang makakapunta rito ay siyang tatanghaling panalo. Wala itong premyo o kahit anong kapalit. This is just for fun kaya wala sanang mananakit. Understood?" sabi ng parang leader ata nila base sa awra nito. You know, sometimes we can sense if someone is the boss or not. "The timer starts now!"

Mabilis ang pagpapatakbo ni Allan pero pumapangalawa lang kami. Nangunguna 'yung medyo mapayat. I don't care about the rankings, though. I care about the feeling.

I closed my eyes. I want to spread my arms but I'm afraid he'll be worried and will stop this race. That's a no-no.

Nararamdaman ko nang tumitindi ang bilis naming dalawang nangunguna sa karera. Nangunguna na kami sa pwesto at kaunting padyak na lang ay kami na ang mananalo.

"Go, Allan!" I yelled. "Faster, Allan! Faster!"

"What the hell, Elsie?!" I felt the tension on his shoulder with what I yelled. Dahil doon ay bigla niyang naipreno ang aming sinasakyan. Agad naman niyang sinigurong hindi kami matutumba. Nang nilingon niya ako ay nagpakita ako ng peace sign habang matalas ang kaniyang mga tingin. Ano ba nagawa ko? Huhu.

avataravatar
Next chapter