webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Music & Bands
Not enough ratings
31 Chs

CHAPTER 23

💎Chapter 23: Smile for me💎

---

[Seokjin's POV]

"Palayain mo na ako!" Sigaw ko.

"Ano ba ang ingay mo!" Pabalik na sigaw ng isang americano na kasama ni Ken.

I just glared at him at lumayo sya ng konti mula sa akin.

"Jin? Jin hyung!" Narinig ko ang boses ni Namjoon sa kung saang parte ng building.

"Namjoon! Andi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Ken ang bunganga ko.

"Tumahimik ka or i will r*pe you the second time." He threat.

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Kahit na tumahimik naman ako ay itutuloy nya parin diba? Namjoon, help me!

"Jin! Ken, magpakita ka sa akin!" Narinig ulit namin si Namjoon pero mukhang papalapit na sya.

"Malapit na sya. Itago ninyo si Jin. Bilis!" Utos ni Ken.

Nilapitan ako ng dalawa nyang kasama at tinggal ang tali sa kamay ko. Sinubukan 'kong tumakbo pero masyadong mabilis ang dalawang lalaki at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Bilisan ninyo."

Tumango ang dalawang americano at hinila ako palabas sa madilim at lumang classroom. Magkabilang lumingon ang dalawang lalaki at tinignan kung malapit na si Namjoon at hinila ako sa loob ng banyo at agad na ni-lock ang pintuan.

"Tulong! Tulon--" Tinakpan ng isang lalaki ang bunganga ko.

"Shh! 'Wag 'kang maingay."

Tinakpan nila ang bunganga ko gamit ang panyo at tinali sa likod ng ulo ko at tinali rin nila ang kamay ko.

Sinubukan 'kong sipain sila pero hindi ko kaya at tawa lang sila ng tawa dahil sa ginagawa ko.

*Bang!*

No! Nagkita na siguro sila. Please God protect Namjoon. Ayaw 'kong pati sya ay mawala sa akin.

*Knock knock*

"Buksan nyo ang pintuan. Bilis." Narinig namin si Ken sa likod ng pintuan.

Binuksan ng isa sa lalaki ang pituan at pagkabukas nya ay hawak ni Ken ang braso nya at nagdudugo ito.

"Anong nangyari sayo, boss?"

"Wag nyo na akong tanungin. Tara na sa kotse. Bilis!"

Hinila ako ni Ken sa braso at tumakbo kami pababa.

"Jin!" Narinig ko si Namjoon.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang hinahabol nya kami.

Pinilit 'kong pumiglas sa hawak ni Ken at sa wakas ay nakalaya ako sa hawak nya at tumakbo ako papalapit kay Namjoon.

"Jin." Tinanggal nya ang panyo sa bunganga ko at ang tali sa kamay ko "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

"Hindi." Umiling ako at niyakap ko sya.

"Ibigay mo sa akin si Jin o mapapahamak kayong dalawa." Pagbabanta nya sa aming dalawa kinuha nya ang baril nya sa bulsa nya at tinutok ito sa aming dalawa.

"Ken, just stop all of this. Walang kinalaman si Jin dito. Don't involve Jin to this war." Sabi ni Namjoon at nilagay nya ako sa likod nya.

"Bakit? Noong napahamak ako ay tinulungan mo ako? No. Hindi mo alam dahil wala ka dito."

"I'm sorry, okay? Stop all of this."

"A simple sorry wouldn't make everything okay."

"Everything wouldn't be okay kung pinagpatuloy mo toh. Please. You we're my bestfriend, Ken, so you know how much i've been trough and i don't want the history to repeat itself."

"Yes you we're my bestfriend pero alam mo ba kung gaano ako naghirap para lang mapansin ninyo? Everyone doesn't see me. Only you. Kahit nga si mom at dad ay gusto ka. Tanging si Jin lang ang nagpatunay na hindi talaga ako invisible."

Tumingin sya sa akin at naluluha sya. You can see the pain in his eyes. The pain he probably kept for years.

Napalingon kami sa gate nang narinig namin ang mga pulis na paparating.

"Boss, may mga pulis."

"Hindi pa natatapos ang laban natin, Namjoon. Let's see each other on our next life."

*Bang!*

"Namjoon!"

Lumingon ako kay Namjoon na nakahiga sa sahig at maraming dugo ang dumadaloy sa kanyang tyan.

Tumakbo si Ken at ang dalawa nyang kasama palayo at ngayon lang dumating ang mga pulis kasama sila Jisoo at Chaeyoung.

"Jin, okay ka lang ba?" Tanong ni Jisoo at lumapit sa akin.

"Oo. Si Namjoon. Tulungan nyo sya. Please." I began crying.

"Jin, d-don't worry about me." Sabi ni Namjoon at ngumiti sya sa akin kahit na nahihirapan na sya.

"Namjoon, please 'wag muna akong iiwan." Hinawakan ko ang isa nyang kamay at nilagay sa pisngi ko.

"Jin, i'm sorry. I'm sorry dahil sa mga ginawa ko sayo. Sa pananakit ko sayo. I'm so so sorry. Pinairal ko muna ang galit ko kaysa na unahin kayo ni Soobin. I got angry to your family without knowing the truth. I'm sorry."

"No. It's okay. I'm okay. Soobin is okay. Everything is okay so don't worry pinatawad na kita matagal na. Kahit na saktan mo pa ako ng paulit-ulit ay mahal na mahal parin kita." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.

"Don't cry. You know how it hurts me seeing you cry. Smile for me. Kung ito na ang huli nating pagkikita ay gusto 'kong makita kitang nakangiti."

Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko kahit na patuloy parin ito sa pagdaloy at pinilit 'kong ngumiti para sa kanya.

"Ma'am, nahuli na po namin sila." Sabi ng pulis kay Jisoo at tumango.

"Jin, dalhin na natin si Namjoon sa ospital bago pa sya maubusan ng dugo." Sabi ni Chaeyoung at tumango ako.

Tinulungan ng mga pulis na i-upo si Namjoon sa loob ng police car at pagkapasok nya at pumasok naman ako sa kabilang side sa tabi nya at nagsimulang mag-drive ang pulis papuntang ospital.

"Namjoon, kumapit ka lang. 'Wag mo muna akong iiwan."

I cried beside him until we get to the hospital.