webnovel

Each Night We Are Apart

ssincerelyyours · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 3

"Sinusundan mo ba ako?"

HE LOOKED at me with an amused look. Okay? Bakit ganyan siya kung tumingin? E, sinusundan niya ako e!

"Bakit mo ko sinusundan?," tanong ko.

"I actually live there," sabi niya sabay turo sa may kung saan. Sinundan ko ang kanyang daliri at nakitang sa dating bahay ito nila Mang Erwin. Oo nga pala! Pinapaupahan na nila yon.

Binalikan ko siya ng tingin. "Ahh sorry, akala ko sinusundan mo ko e," napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nakita ko siyang ngumisi sabay naglakad. "Umuwi ka na, gabi na," sabi niya.

Pagkadaan niya sa akin ay saka lang ako natauhan. Kumilos na ako para makarating na sa bahay, iniisip ko na ang mga gagawin ko para tuloy tuloy na ang paggawa ko mamaya.

"YES, mom?," I answered my phone. I put down my bag and removed my school shoes.

"Anak, are you fine there? Kumain ka na ba? Bakit kasi kailangan mo pang lumipat dyan?," she asked. Ramdam ko ang pagaalala niya.

"Mom, napagusapan na natin to diba?," I asked back.

"I know son, hindi ko lang talaga mapigilan. Call me if you need anything, okay? I love you"

"Yes, mom. I love you too," I replied and ended the call.

I moved here a week ago. Actually, pumaparito na ako dati pa and one time, nakita kong pinapaupahan ito. Hindi na rin masama ang lugar, kumpleto na sa gamit. Crazy as may it sound, I did this for her.

It started when we were both in 10th grade. Bumisita kami ni dad sa school nila where my uncle is the principal. They talked about business and stuff, I was not interested so I decided to leave my uncle's office and went out for a walk.

Kung saan-saan ako nakaabot. Canteen, library and even their school garden. Sa huli mas pinili kong manatili sa rooftop, presko kasi.

I saw a girl sitiing in the corner. She was eating her sandwich. Mukha namang napansin niya ako kaya ngumiti siya.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Gusto mo? Wala ka bang lunch?," alok niya.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong tahimik.

"Ngayon lang kita nakita rito ah. Anong section ka?," tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi naman ako taga-rito talaga.

"Secret"

"Luh, ayaw pa sabihin e," sabi niya at patuloy na ngumuya.

Hinahampas ng hangin ang kanyang buhok, kitang-kita ko tuloy yung mukha niya. Her soft pinky lips looks good while chewing. Damn.

She looked at her watch and said, "Uy, una na ako ah. Magsisimula na yung klase ko e."

Shit. I haven't asked her name!

"What's your name?" I shouted.

She looked back and smiled.

"Secret," then winked.

I was stunned by the way she act. Even if you didn't tell me your name sweetie, malalaman at malalaman ko pa rin. I smirked at that thought.

Napagdesisyunan kong bumalik nalang sa office ni uncle. Nang makapasok ako ay hindi pa rin sila tapos sa kanilang pinaguusapan.

I was getting bored so I decided to scanned through my Facebook account. Boring. I kept on scrolling when I saw something familiar.

It's her!

Nakita ko siya sa suggested friends sa Newsfeed ko. Ang bilis naman. Fate.

NAG-EEDIT AKO ng video para makapagupdate na ako bukas. Ano ba yan! Naalala ko na naman. Usually kapag mayroon akong ginawang mali o nakakahiya, hindi siya mawala-wala sa isip ko. Nakakafrustrate tuloy.

Habang hinihintay mag export ay ginawa ko na ang mga assignment ko. Friday ngayon pero tambak kami ng gawain.

I texted Jana, my friend and also my partner sa activity namin sa English.

"Anong plano natin?," I asked.

Habang hindi pa siya nagre-reply ay pinagpatuloy ko lang gawin yung mga gawain ko.

Minutes later, I heard my phone beeped.

"Sa amin nalang? Dalhin mo laptop mo ah?," she replied.

"Okaaay."

I charged my phone nang mapansin kong 20% nalang ito.

Nang matapos ma-export ang video ko, inayos ko na ang aking mga gamit at naghanda na para matulog.

I set my alarm clock at 7 dahil sa paguusapan namin ni Jana.

I send my mom a good night text at dumiretso na sa aking kama.

"How was yesterday, son?," Dad asked me while we're eating breakfast.

"Good po," I replied.

"Anak, hindi ka ba mahihirapan? Don ka nags-stay pero umuuwi ka pa rito," said mom worriedly

"Mom, hindi naman po araw-araw. Nagkataon lang na hindi hassle kanina."

"I'm just worried, anak. Update us every day, okay?," she said.

"Opo," I replied.

"ATE, mala-late ka na!," sigaw ng kapatid ko.

"Heto na, saglit lang!," sigaw ko pabalik.

Kung bakit naman kasi natulog pa rin ako kahit narinig ko naman yung alarm! Paspas tuloy ako ngayon.

Nang matapos akong mag-ayos ay tinakbo ko agad ang sakayan ng jeep. Phew! Amoy-pawis agad ako nito.

"Isa na lang, aalis na to!," sigaw ng konduktor.

Busy ako sa pagpapaypay nang may tumabi sa akin. Umusod ako ng kaunti para maka-upo siya nang maayos.

Nang makaalis ang jeep ay binuksan ko ng kaunti ang bintana sa may banda ko. Yes, this is what I want! More, air please!

Feel na feel ko pa yung paghampas ng hangin sa mukha ko. Hay, refreshing!

Ilang sandali pa, may narinig akong pamilyar na tawa.

"Sarap ng buhok natin, ah."