webnovel

Chapter 2

Hello, gorgeous! It's good to be back, huh?

I READ his comment for the nth time. Hindi kasi ako nakapag-upload last three months, naging busy ako since graduating na ako ng Senior High School. I liked his comment and scrolled down a bit. Natutuwa ako na nandito pa rin yung mga dati kong supporters.

I actually don't know this person. Ang alam ko lang ay lalaki sya due to his icon. Naka-hoodie at naka-tingin sa kaliwa, natatakpan yung mukha niya pero, dahil sa built ng kanyang katawan ay masasabi kong lalaki siya.

It's past 9 at may klase pa ako ng 8. I decided to sleep na as I will wake up early tomorrow para makapag vlog. Umaasa lang kasi ako sa araw since hindi ko pa afford ang ring light.

I remembered my 14th birthday, it was afternoon. Dumating si Kuya Justin and he brought me a present, itong camera na ginagamit ko ngayon. Hindi ko alam kung anong model to, pero it's from Fujifilm. I was so happy noong inabot to sa akin ni kuya. Unlike us, may kaya sila. Mayroon silang clothing business na umabot na sa 5 branches sa Cavite at Rizal.

"Tulog na, Joecel! May pasok pa bukas," I said to myself and right after that, I fell asleep.

"SIR GERALD, kakain na raw po," Nagising ako sa pagkatok ni Nay Rosa. She's been working in our family for 13 years already.

"Susunod po ako," I replied back. I get my ass out of bed and did my morning routine. I checked my phone and browse through my notification in YouTube.

Ang ganda naman ng umaga ko. She noticed my comment.

NAKASAKAY ako sa jeep ngayon. Hindi ko kasabay si Ana kasi mas maaga ang pasok niya sakin. Inabot ko ang aking bayad pero walang kumukuha nito.

"Makikisuyo po," sabi ko.

Tumingin ako sa paligid at napansing tulog ang karamihan. Pito lang kami rito sa loob ng jeep, yung isa naman, naka-earphones at mukhang ayaw magpaistorbo. No choice ako kaya ako nalang mismo ang nagabot nito.

Nang maabot ko ito ay sakto namang tumigil ang jeep dahil sa pagpula ng traffic light. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagkabigla. Nakakahiya. I used my left arm as a support to stand up, humawak din ako sa upuan ng jeep para maiangat ang sarili.

In fairness, malambot ang upuan ah. Nang iangat ko ang aking mukha ay nanigas ako sa aking pwesto. Nakahawak ako sa bukol ng slacks ni kuya!

"Hala, sorry po," pagpapaumanhin ko sabay tungo. Ang malas ko naman ngayong araw!

Hindi naman siya kumibo dahil sa labis na pagkagulat. I grabbed the opportunity para makabalik sa aking pwesto. Sinulyapan ko ulit si kuya, napansin kong iisa lang kami ng pinapasukan dahil sa uniform niya! Pambihira.

Agad akong lumabas ng jeep pagkahintong-pagkahinto nito. Binilisan ko ang lakad ko para hindi niya ako makita.

Sakto namang pagpasok ko ng room ay dumating si Ma'am Science, ewan ko ba, mas prefer ko silang tawagin sa kung anong subject ang tinuturo nila.

"Grab a copy of our activity today, I will not be around tomorrow due to this meeting with our principal. Make sure to review our lesson on page 134," she said. Ang saya! Isang araw na walang Science.

Kumuha na ako ng activity at sinagutan ito. Ni-lesson na naman ito samin kahapon kaya mabilis ko itong natapos.

Nagpatuloy lang kami sa pagle-lesson hanggang sa di ko namalayang uwian na pala. Mabilis akong kumilos dahil pahirapan sa pagsakay sa jeep ng ganitong oras.

Pinaka ayoko ay yung makikipagunahan pa ko sa pagsakay. Ang hassle kasi pero wala naman akong choice. Nang makapasok ako loob ay agad kong kinuha ang earphones ko para makinig.

Katie, don't cry, I know

You're trying your hardest

And the hardest part is letting, go

Of the nights we shared 

"Isa na lang, lalarga na!," sigaw ni manong. Sakto namang may sumakay na pumwesto sa harapan ko kaya lumarga na kami.

 

Ocala is calling and you know it's haunting

But compared to your eyes, nothing shines quite as bright

And when we look to the sky, its not mine, but I want it so

When I looked up, nakita ko si kuyang jeep kanina! Our eyes met. Agad kong iniwas ang aking paningin at nagkunwaring may ginagawa sa cellphone ko.

Let's not pretend like you're alone tonight

(I know he's there)

You're probably hanging out and making eyes

(While across the room, he stares)

In my peripheral vision, I saw him glancing at me. Siguro gusto akong gantihan nito. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng hawakan, yun pa!

I bet he gets the nerve to walk the floor

And ask my girl to dance, and she'll say yes

Because these words were never easier for me to say 

Or her to second guess

Sumilip ako sa bandang unahan para makita kung nasaan na ba kami. "Malapit na," I said to myself. Kaunti nalang Joecel.

Inabot ko na ang bayad ko. "Bayad po," sabi ko sabay abot ng pera.

Natuwa naman ako kasi hindi na nangyari yung tulad kanina.

Napaharap ako kay kuya at nakita ko siyang napangisi. Kainis! Feeling ko tuloy dahil sakin yun.

But I guess

That I can live without you but

Without you I'll be miserable at best

"Para!," sigaw ko. Huminto naman ang jeep kaya dali-dali akong bumaba.

Naramdaman ko namang may bumaba rin pagkababa ko. Hindi ko na pinansin, baka parehas lang kami ng way pauwi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero pakiramdam ko may sumusunod sakin. Nilingon ko sya ng kaunti. Hanep! Si kuyang jeep pala. Bakit siya nandito? Hindi ko naman siya nakikita rito ah.

Nainis ako kaya nilingon ko na sya ng tuluyan.

"Sinusundan mo ba ako?"

| Song used: Miserable At Best - Mayday Parade

Next chapter