webnovel

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · Urban
Not enough ratings
99 Chs

Chapter 83 Don't Touch My Woman

((( Monina POV's )))

Agad na binuksan ni Secretary Lee ang sasakyan. Nang bitawan nga ni Manyak ang kamay ko, saka ko lang narealize, ang bilis ng hininga nito. Sinarhan ang pinto ng makapasok kami. Napahilot ng sintido si Manyak. Saka napansin ko ang pinagpapawisan niyang mukha. Anong nangyari? Bakit parang natataranta siya.

Siya ba ang may kinalaman kung bakit may skandalong nangyayari ngayon.

Napatitig lang ako sa kanya.

Nagising lang ako ng tumitig ang mga mata niya sa akin. Naitaas ko ang aking kamay, peace sign for you Manyak. Oppa!

Binalingan niya si Secretary Lee. May inabot ditong gamot at agad niyang ininom. Pangpakalma. Talagang halatang natataranta siya. Tipong nakakita ng multo at pinagpapawisan habang sagad naman ang aircon ng sasakyan.

Focus na lang tayo sa kinuha kong footage. Kaya lang may humablot nito saka binuksan ang bintana at sa isang iglap. Goodbye Iphone.

Ako na lang ang natulala.

Ang swerte ng makakakuha noon. Wala pa namang nakaregister na security pin.

Sayang! Binigay mo na lang sana sa akin! Makakatikim sana sa akin ng batok ang katabi ko ng napansin ko ang iling ni Secretary Lee. Ibig lang sabihin wag ko nang patulan ang Boss niyang abnormal. Ako talaga ang nanghihinayang eh. Wag na wag niyang gagawin yun sa gamit ko.

"Bring us to the nearest restaurant." utos niya na parang nadetect ang tiyan ko. Oo, gutom na talaga ako. Kung nasa fieldtrip naman, naghahantay na sana ako ng ration. Sayang ng binayad ko.

Ngunit ako itong napalaway dahil sa pinasok naming restaurant. Sa loob ng isang napakataas na gusali. Akala ko artificial na mga halaman ang nakadecorate. Ayun. Totoo. Heto na naman ako sa hilig ko nga sa mga maganda.

Habang wala pang naka-ahin na pagkain. Tinignan ko mga halaman. Mag-flowershop na lang kaya ako. Sobra kong hilig sa kanila.

Nagnining-ning ang mga mata ko. Babaeng-babae ako sa harapan ng mga bulaklak.

Habang si Manyak nakatulala lang sa isang mataas na bintana. Statuwa na di ko na lang kukulitin. Nasa likuran niya si Secretary Lee na parang di nangangalay sa ginagawa pagtayo. Naghihintay kung ano man ang uutusin nito sa kanya.

Walang tao sa paligid. I mean kami lang ang customer dito. Kaya malayang-malaya talaga ako.

Ngunit napalapit na ako sa kanila. Tinitignan kung ano man ang tinitignan ni Mr. Manyak. Ang view ng boung city. Ngayon ko lang narealize na ang ganda nga. Wow.

Palubog na ang araw. Thirty minutes na lang paggabi na.

Kinukuha ni Secretary Lee ang pansin ko. Dahil para sa kanya para akong gamu-gamu na nakikipaglaro sa apoy. Di naman ako lumalapitkay Manyak. Kaya napataas ang kilay ko kay Secretary Lee. Hangang sa naramdaman ko ang kamay ni Manyak. Sa lamig nito, talagang alam ko na siya.

"Her fever is increasing. Make sure na magpahinga siya ng maayos mamayang gabi." sabi na lang niya kay secretary Lee.

Nilapat-lapat ko ang palad ko sa noo at leeg. Talaga bang nilalagnat ako?

Kaya naman inabot ko din ang leeg ni Mr. Manyak. Huh? Medyo malamig siya.

"Ikaw itong adnormal ang temperature. Hindi ako." na siyang inalis ko ang palad ko sa kanya. Sabihin pang nananching ako. Haha. Wag ako Mr. Manyak.

Tinignan lang ako nito mula ulo hangang paa. Ngumisi na parang baliw. Kaya napaharap ako kay Secretary Lee.

Aktong aabutun ko ang leeg nito, in cas na ako nga ang abnormal. Ngunit pinigilan ako ni Manyak.

Kamay ko hawak niya.

Nagkatitigan kami. Saka na naman narinig ko ang tibok ng puso ko. Shocks! Baka naririnig na din nila. Anong ka-adnormalan ito? O puso ko! Wag kang eng-eng. Abnormal ang lalaking to!

Binitiwan nito kamay ko.

"Don't laid your finger to whoever male around you." sabi na lang niya. Saka nilayasan kami ni Secretary Lee. Naupo na ito sa harapan ng mesa.

Sinubukan kong ilapat sa leeg kamay ko sa kanya, kaya lang siya na ang nagkusang umiwas.

"Ayaw ko pang mamatay Miss Monina." ngiti niya na siyang ikinasunod sa Boss nito.

Ako na ata ang matatawa sa kanila. Ano ito? May bacteria akong nakakamatay? Letcheng Manyak! Ayan tuloy pinagdidirian na ako ni Secretary Lee.

Kumalam sikmura ko.

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta. ?

Please do vote this Novel. ?Love this novel. Recommend to other ?

Review and Comment!

International_Pencreators' thoughts