webnovel

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · Urban
Not enough ratings
99 Chs

Chapter 84 Annoyed

((( Monina POV' s )))

Infairness, nahihiya ang lagnat ko magparamdam sa akin. Very good. Okey lang lagnatin basta wag yung nakaka-apekto sa daily performance ko. Mahirap po maging breadwinner. Promise.

Pinaghila ako ni Secretary Lee ng upuan. Sa harapan ko na ngayon si Manyak. Dumating ang pagkain na maglalaway ka sa garnishing pa lang. Ang ganda picturan tapos ifefeature sa magazine. Napatitig ako kay secretary Lee. Nasaan ang camera ko?

Mata ko na parang pusang nagmamaka-awa. Bakit kasi napakademonyo nang kaharap kong lalaki ngayon? Kala mo naman nakakabuti ang pagiging ganito niya.

Madami talaga ang kailangan baguhin sa lalaking to. Haist.

Dahil marami na akong event na napuntahan. Pati table etiquette na adopt ko. Deserve ng restaurant na ito ang may arte effect. Okey. Magmala-donya ang hawak ng tinidor at kutsara. Elegante tignan pero kumain ng maayos. Hindi yung isang tikim pa lang, busog na. Diyos ko po!

Di po maaring mag-adjust ang tiyan natin sa nakikitang ka-elegantihan. Wag natin pahirapan si tummy.

Attack with elegant mode Monina!

Mag-aahin na sana ako, kaya lang si Secretary Lee itong napa-chopstick at tahimik na tinikman ang naka-ahin na pagkain.

Napakindat siya sa akin ng lihim.

Food tasting muna? Baka malason ang boss niya. Okey. Ganito ba talaga siya kasensitive?

napabuntong hininga ako kay Manyak. Kapag ganito siya, siguradong wala siyang magiging kaibigan. Ang lungkot ng buhay niya.

Ako Mr. Manyak, pwede din na maging friend mo. Kaya lang ayusin mo naman ang paningin mo sa akin. Gold digger at social climber. Wala yan sa akin.

Di ako humangad ng sobra sa mundong ito. Kung may mga bagay na kailangan i-appreciate. Edi i-appreciate na lang na taos puso. Kahit nga kamatayan pa yan. Appreciate natin!

Baliw ka talaga Monina.

Secretary Lee, parang marami tayong pag-uusapan. Halata naman na ayaw ng Boss mo makipag-usap sa akin.

"Negative." tanging na-ideklara ni Secretary Lee na wala nga itong nalasahang mali sa pagkain. Lahat ba ng pagkain nilasahan na niya?

Umalalay na ang isang waitress sa akin. Habang si Secretary Lee naman itong napapaserve kay Manyak.

Grabe. Kawawa naman ito. Ang arte-arte kasi ni Manyak. Di na siya makatao. Lalo na itong ginagawa niya sa akin. Inaari ang oras ko. Kanya ba?

Tahimik kaming kumakain. Oo, masarap ang pagkain. Ngunit normal lang sa dila ko. Masarap pa ang mga luto ng mga chanak. Namiss ko sila bigla. Kaya napatitig ako kay Boss.

"Kailangan umuwi." deklara ko nang pag-uusapan namin. Sinalubong kaagad nito ang paningin ko. Ayan na naman. pakiramdam ko namumula na naman ang pisngi. Napapablush mode ako. May kaputian pa naman ako. Halata ba?

Ay wait. Alam mo Monina, normal lang. Kasi nga nilalagnat ka. Wow. Pisngi lang talaga ang nilalagnat sa akin.

"Miss Monina." pormal niyang bangit ng pangalan ko.

"Gusto mo bang sumunod sa fieldtrip niyo?"

Napatango ako.

Kung ganoon lang ang paraan na maging normal nga ang paligid ko. Bakit hindi? Diba?

"Then Secretary Lee, do something na ma-aksidente ang kapatid niya."

"Hoy! Ang abnormal mo! Inaano ba kita?"

Balik lang sa tanong na yan Monina? Di pa ba klaro? Kailangan mong patunayan ang tatalong bagay sa kanya para di ka niya pagtripan. Alalahanin mo ang tatlong bagay:

Di ka gold-digger!

Di ka Social Climber!

At di ka pumupulupot sa kapatid niya!

Magkita lang kami ulit ni Dominic na yan! Harapan kong babastedin ito lalo na sa pagmumukha ng Manyak niyang kapatid!

Haist! Sarap baliin ng kutsara. Nangigil ako.

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta. ?

Please do vote this Novel. ?Love this novel. Recommend to other ?

Review and Comment!

International_Pencreators' thoughts