webnovel

DIABOLICAL QUEEN

Ang mundo ay napupuno ng makakasalanang hindi alam ang tama at mali. Ito'y puno ng mga nilalang ng iba't iba ang mga iniisip at ninanais. Paano kung ang ating mundo ay umikot lamang sa dalawang kagustuhan? Ang mabuhay at ang mamuno...alin dito ang mas nanaisin mong abutin? Maaari bang dalawa ang iyong piliiin? Isang araw ang payapang kadiliman ay nasira ng mga hiyawang humihingi ng saklolo. Saklolo ng mga taong makasalanan, makasalanang nais marinig ng mga taong minamaliit nila't inaalipusta. Ang mga inalipustang dinadama ang mga hiyawan na sakanila'y lumalabas. Ang apoy ay kanilang kinakain, ang mga makasalnan ay kanilang pinapatay. Ngunit ano nga ba ang pagigign makasalanan? Ano ba ang nagawa ng mga makakasalanan? Bago natin isipin ang mga iyan ay ipapaliwanag ko muna ang kasalukuyang nangyayari sa kwento. Sa kanilang mundo ay may dalawang katungkulan, kung mayaman ka'y nasa taas ka at kung mahirap ka'y nasa baba ka. Ano nga ba ang pantayan sa pagiging mayaman at mahirap? Pera? Bahay? Kagamitan? o Pamilya? Pag mamahal? Iba-iba ang ating paniniwala ngunit ang mundong ito ay pera ang pantayan. Kung mahirap ka'y alila't mamaltratuhin ka, at kung mayaman ka'y magagawa mo ang lahat ng nanaisin mo sa buhay mo. Ngunit isang araw isang bahay ang tinupok ng apoy at ang apoy na iyon ay kumalat sa lahat ng bahay. Matapos mapatay ang apoy ay nag labasan ang mga nilalang na nag aapoy at nag simula nang patayin ang mga taong makasalanan sa mga mata nila. Ang kanilang napapatay ay kanilang nagiging alagad. Sila ay hindi kumakain ng tao dahil ang apoy ang kanilang kinakain, kain nga ba iyong kung tatawagin? Ilang araw ang nag daan kumalat na ang mga nag aapoy na nilalang na iyon ngunit sa araw na din na iyon isang supling ang biniyayaan ng kakayahang hindi pantao. Si Acardianne Luis.

Marsh_Mallows12 · Sci-fi
Not enough ratings
7 Chs

KABANATA TATLO

Kinabukasan ay tahimik ang buong bahay ni Alezeia at walang may nais na pumunit ng katahimikang nag simula kagabi. Tahimik lang akong kumakain at pinapakiramdaman ang buong paligid.

Nalaman kong hindi pa kaya ng katawan ni Alezeia ang aking kakayahan at sigurado ako na buwan pa ang aabutin ng pag babago ng mana na nasa katawan ni Alezeia upang makayang gamitin dahil sinubukan kong buhayin si Hugo pero ang katawan ni Alezeia ay biglang namanhid at nawalan ako ng malay. Pag gising ko ay may mga paso ako saaking katawan, nasisigurado ko na ang lakas na nagamit ko noong nakalaban ko ang alagad ni Esra ay pansamantala lang dahil sa pag sanib ko dito.

Hindi ko mawari bakit kahit na dugong bughaw itong si Alezeia ay mababa ang mana nito at kakapurit lamang ang kayang magawa.

Kinabukasan ay nagulat ako matapos kong makita ang katawan ni Alezeia sa harapan ng vanity mirror niya. Hindi ko alam pero ang morenang kutis ni Alezeia ay pumusyaw na maihahalintulad na sa kutis ko noon, bakit nag babago din ang katawan ni Alezeia? Dapat ay ang mana lang nito ang mag babago. Pansin ko din na mas lumaki ang dibdib ayon sa na aalala kong laki nitong kay Alezeia, halos lahat ata ay nag bago sa isang gabi lamang.

Umakyat ako pag katapos kumain at naligo, habang nag bibihis ay tinitigan ko ang katawan ni Alezeia at hindi maiwasan ang matuwa, hindi ko hahayaang babuyin ng ibang tao ang katawang ito...hindi ko hahayaang saktan nila ito.

I wish I was pure as Alezeia but I am not...sa araw araw atang ginawa ng panginoon ay dahan dahan din dinudumihang pilit ng masasabi ko bang pamilya sila? pero sige na nga, dinudumihang pilit ng aking pamilya ito.

Natapos ang buong dalawang linggo na tahimik naman ang aking pamumuhay at ito na din ang araw na pag balik ko sa paaralan ni Alezeia. Hindi naman ako mahihirapang makipag interact lalo na at nasaakin ang ala-ala ni Alezeia.

Pag pasok palang sa paaralan ay ramdam ko na ang mga titig ng mga tao saakin, naninibago siguro sila saakin. Nadaan ako sa hardin at napansin ang lalakeng nakasandal sa pader nito na para bang may inaabangan na kung sino o ano. Bumagal ang aking hakbang ng makilala kung sino ito.

Naagaw ko ang atensyon nito mula sa sahig at nakita kong napaayos ito ng tayo bago tumikhim. Bahagyang kumunot noo ko pero dumeretso na ako kahit na gusto ko pang titigan ang perpekto nitong muka.

"You looked different."natigilan ako sa sinabi nito.

"Pardon me?"ako ba ang kinakausap nito?

Hindi ko matandaan kung kailan ito nakipag usap kay Alezeia pwera sa noong may event noong unang pasok palang ni Alezeia dito sa paaralang ito.

"You..."tumayo ito ng maayos at nilapit ang muka saakin kaya naman umurong ako at kunot ang noong tinitigan ito.

"Cannot fool me, clearly you are not Miss Cohen. But, I can't sense any blood lust in you either."tinitigan ako nito ng mariin kaya abot ang katok ng aking puso sa rib cage, takot na malaman nito ang totoo.

"Who are you?"tanong nito.

"Alezeia?"kumunot noo ko sa sinabi nito kahit na kinakabahan.

Kumunot ang noo nito bago tumaas ang isang gilid ng labi at umayos na ang tayo, "Hmmm? No and I will be watching you from now on."ngumiti ito at umalis na at iniwan akong gulong gulo't ninenerbyos.

Shit? That President! Kailangan kong mag iiwas sakaniya! Shit.

Kahit na tuliro ay nagawa ko pang hanapin si Ella na parang may hinahanap din, nilapitan ko ito at kinawayan. Kumunot noo nito pero ngumiti at nilagpasan na ako. Nagulat ako ng paurong itong bumabalik at mariin akong tinititigan bago nanlaki ang mata at nag titili.

"OMGG! ANG GANDA MOOO! ANO ANG GINAWA MO SA BUONG LINGGO? NAKAKAINIS KA NAMAN BAKIT MAS GUMANDA KA PA?"tanong ni Ella na para bang kinikilig pa at hinaplos ang aking balat.

"OMG ang lambot, nakakainis ka hindi mo ako sinama! Saan ka nag bakasyon at isusunod ko iyon! Gosh, ang ganda mo, tapos ang sexy mooo! Kumakain ka ba? Anong kinakain mo sa loob ng dalawang linggo na yun?"tanong nito saakin at hinubog pa ang aking katawan.

Naalerto ako ng bahagya sa ginawa niya at napa urong pero naalala kong isa ito sa poprotektahan ko at kinalma ko ang aking sarili.

Unang subject palang ay inantok na si Ella na nasa likuran ko, tusok ito ng tusok sa likod ko hanggang matapos ang klase. Habang kahit na may bumabagabag sa isipan ko ay nakakapakinig naman ako sa klase.

Sumunod na subject ay pumunta kami sa labaratoryo kung saan makakasama namin ang Class B na tuturuan kami kung paanong gawin ang mga potions, hindi naman ako siguro mamomoblema dito dahil ang class A ay mag oobserba lang.

Pilit kong iniiwasang tignan ang gawi nila dahil sa nararamdaman ko ang tingin ng Presidente saakin. Kulang nalang ay sumuka ako ng rainbow dito sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba.

"Ang inyong hawak na mga card ay ang mag sasabi kung sino ang inyong kapareha sa araw na ito, mag simula na."pumalakpak itong propesor at pinalutang na ang mga bote gamit ang kaniyang kakayahan.

Tinitigan ko ang card ko at nakita ang pangalan ng isa sa class B na si Michael, natingin ako sa gilid ko matapos may tumabi saaking isang chinitong lalake. Ngumiti ito at pinakita saakin ang card na hawak na may pangalan ko doon.

"Ako na sakaniya, Michael."napatalon ako sa gulat matapos may nag salita sa likuran namin.

Narinig ko na ang bulungan ng mga estudyante at narinig ko ang pag ungot ng ilan sa mga ito. Pag lingon ko ay muntik nang lumuwa ng aking puso saaking bunganga matapos makita si Flame na mariin ang titig saakin.

Shit, tototohanin ata nito ang pag babantay saakin?! Kayo nga binabantayan ko eh! Bwiset na mga estudyanteng ito!

"Ang swerte ni Alezeia! Ugh! Gusto ko din!"ungot ng isa sa kaklase ko.

Sana nga ay swertehin ako! Bakit ba ayaw patahimikin nito ang buhay ko? Next month mo na ako guluhin!

Napalunok ako at gumilid matapos umalis ng dapat ay aking partner sa araw na ito. Tumabi saakin si Flame at ang amoy nito ay nanatili na saaking ilong, shit ang bango! Pero kinakabahan nga pala ako!

Tumingin saakin ang Presidente pero natingin naman ako sa propesor na nakatingin din pala saamin at umiling nalang bago nag simula na mag turo sa gagawin. Nakita ko ang mga Class A na nakatingin lang saamin na puno ng pag tataka habang sila Allison ay masama ang tingin saakin bago nag walk out.

Paksyet naman, Flame.

Napasinghap ako matapos hitakin ako ni Flame palapit sakaniya at bumulong ng, "I wonder, what can a good demon do?"isang ngisi ang ginawad saakin ni Flame bago mag simula.

"AAHH! BAKIT MAY PAHITAK?!"

"Class, quiet."rinig kong bawal ng propesor matapos mag ingayan na naman ang mga estudyante.

Rinig ko ang tawanan ng mga lalake sa Class A sa ginawa ni Flmae, akala naman nila nakakakilig iyon! Nakakamatay ito! Paksyet kayo.

Abo't ang nginig ng aking kamay kaya nadadami ang mga nalalagay kong mga sangkap para sa mana potions na ginagawa namin sa araw na ito. Narinig ko ang munting halakhak ni Flame sa gilid na nag pa kaba lalo saakin.

"Calm down, Missy..."anito at hinati ang mga sangkap sa tamang bilang at binigay saakin.

"A lot of this will make the potion explode and kill everyone in this room, Alezeia."paliwanag nito, tumango naman ako at sinunod ang mga tinuro na nito.

Hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa kaba, hindi ko maintindihan ang tinuturo nito! Fuck! Ano ang nangyayari? Kahit na syado ang kaba ko ay dapat naiintindihan ko iyon. Well, I'm a demon after all. Kahit anong gulo ng turo nito ay maiintidihan ko parin kahit na kinakabahan ako pero damn, bakit hindi ko maintindihan.

"Too much, Alezeia."kunot noong binawal ako nito sa pag salin ng isang sangkap.

Tumingin ako sa Presidente na abala naman sa pag tingin saaking ginagawa, nag iwas ako ng tingin ng makita kong lilingon na ito saakin. Hindi naman na nito inungkat ang mga panunukso niya at tinuruan na ako ng matino pero todo parin ang kaba ko kaya abot ang pasalamat ko sa oras matapos kaming pigilan na ng propesor dahil ubos na daw ang oras.

"Hindi ko alam na kinakabahan din pala ang tulad mo."ngumisi si Flame at umalis at iniwan na akong muntik nang bawian ng buhay.

"Juskooo! Akala ko katapusan ko na, omg. Buti hindi naman masungit ngayon si Angela kahit medyo snob! Omg."todo paypay si Ella na sinasabi iyon saakin.

Akala ko din mamamatay na ako.

Ngumiti ako ng pilit kay Ella na paypay naman ng paypay sa sarili at inaya nalang na kumain para mawala kahit papaano ang kaba ko. Pero akala ko naman mawawala ng pagkain ang aking nerbyos pero mali ako!

Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa nangyari at iniiwasan ko ang matingin sa gawi nila na kung sinuswerte pa nga ay bandang harapan ko lang iyon. Ang Class A!

"Hoy! Mas tahimik ka ata today? Ano ba ang nangyari?"tanong ni Ella na kinukuhanan ako ng karne sa tray ko.

"Ano ba sikreto mo at sa dalawang linggo lang ay iba na ang ginanda mo? Kita mo kahit mga ibang klase ay sayo ang mga mata, omg nakakatibo ka."kunwaring naiinis na sabi ni Ella.

"Wala, sa bahay lang ako."umiling ako at naalala ang pag kakagulo ng mga kaklase ni Alezeia saakin kanina kahit ang mga propesor ay nagulat saakin at maya't maya ang tingin.

Umiling ako at nanatiling tahimik dahil nananatili parin ang gulo saaking isipan lalo na sa ginawa ng presidente saakin kanina. Hindi ko alam kung kaaway ba siya o kakampi?

Hindi ko na napigilan pa na tumingin sa gawi nila at nakita ko ang tumatawang si Flame. Ayon sa ala-ala ni Alezeia ay hindi naman ito kinaaayawan, hindi lahat ng class A ay kinaaayawan merong tulad ni Flame at ni Terron.

Natigilan ito ng mag tagpo ang aming paningin at nawala ang ngiti sa labi nito. Nag iwas ito ng tingin at uminom bigla sabay tawa uli.

"OH MY GOSH? Ano iyang tingin na iyannn? alam ko iyang tingin na yann! omg!"natingin ako sa tumutuksong si Ella sagilid ko.

"Shocks! I t--"sinubuan ko nalang ito ng karne para matahimik pero ngumingisi naman saakin ito habang ngumunguya.

"Oo nga pala, narinig ko pinatalsik ang mga kabarkada ni Camille dahil sa pag pasok sa gubat pero hindi naman daw sila ang pumatay kay Camille, I wonder who."sabi ni Ella maya maya.

A demon...

Hindi na kataka taka na isang demonyo ang gagawa noon pero ang tanong ay paano ito nakapasok sa loob ng paaralan. Iisang tao--demonyo lamang ang aking naiisip na maaaring makagawa noon.

Natapos na ang lucnch break at nag puntahan na kami saaming mga susunod na klase. Narinig kong aalis ang class A at sasama sa ilang mga propesor dahil sa namataang batalyon ng mga infernong lumusob sa kalapit na bayan.

Nag bulungan ang mga kaklase ko ng madaan ang mga Class A sa classroom namin at bukang bibig nila sila Flame at ang mga hinahangaan nila sa mga ito.

Nahagip ng tingin ko si Flame na saglit akong natapunan ng tingin dahil nawala na sila sa paningin namin. Napahawak ako saaking dibdib at napa hinga ng malalim.

Shit, hindi nga mag sisisi ang paaralang ito sa pag pili sa bata na iyon! Akalain mo pinapakaba ang demonyong tulad ko? Mehindi ko nga naranasang nerbyosin ng ganito noong nasanay na ako sa mga torture sa pag iisip palang noon eh!

Kinatanghalian ay napag pasyahan naming mag pahinga nalang ni Ella sa hardin matapos kumain. Doon kami nag palipas ng oras na inabot ng hapon. Siguro ay andito na sila Flame?

At bakit ba puro siya na nag laman ng utak ko? Bwiset.

Habang pabalik na sa kwarto namin ni Madonna ay napatingin ako sa parte ng school na madilim. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng matinding takot, pinakalma ko ang aking sarili at pinilit na nag iisip ng magagandang alaala para maibsan ang takot.

Nakarating ako sa kwarto namin ng hindi pa rin kumakalma ang aking puso. Natigilan ako at pilit na ngumiti sa kasama kong si Madonna na nag aayos naman ng kwarto.

Kumunot ang noo nito pero nag patuloy na sa pag lalakad pero bago ako makapasok sa kwarto ko ay nag salita na ito.

"You smell weird, Cohen."anito.

"Uh, sorry."sabi ko at inamoy ang sarili pero naamoy ko parin naman ng natural kong bango.

Natigilan ako ng mapagtantong ako ang naaamoy nito mula sa katawang tao ni Alezeia.

"Nangangamooy inlove ka."ngumisi ito at mapanuksong nginitian ako.

Napahinga naman ako ng maluwag at pilit na tumawa dahil sa pag ka kaba na baka naramdaman nga talaga nito na demon ako. bwiset, nakakatakot pala ang mga estudyante dito.

"Cohen, aalis lang ako may mga namataang mga inferno sa syudad, kinakailangan ang class B."mabilis na umalis ito na para bang hinintay lang na matapos akong makaligo bago umalis.

Binuksan ko ang lampshade at napatalon ng makita ang nakaupong lalake sa sofa sa malapit na bintana. Shit, Terrence! Hindi pa handa ang katawan ni Alezeia para tanggapin ang buong lakas ko at si Terrence ang isa sa alagad ng Reyna at sisiguraduhin kong matatalo ko ito ng isang iglap lang ngunit sa kalagayan ko ngayon ay malabo ito.

"You wise little devil..."sabi nito at isang iglap ay nasa paanan ko na ito.

Agad kong nilabas ang aking kirit at inatake ito habang kaya pa ng katawan ni Alezeia, habang nag dadaan ang segundo ay nararamdaman ko ang kumakalat na mga paso saaking katawan ngunit mas pinilit kong kalabanin ito kung hindi ay papatayin niya si Alezeia.

Tumalon ako paurong matapos ako nitong atakihin. Nanginginig na ang aking binti sa mga pasong natatamo sa kahinaan ng mana ni Alezeia. Sampong porsyento palamang ang nagagamit ko sa lakas ko ay segundo lang ang tinatagal ng katawan ni Alezeia.

Napaluhod ako at napaubo ng dugo. Pinilit kong tumayo ng makita ang pag atake muli saakin ni Terrence gamit ang apoy na kakayahan nito. I blocked it using my scythe and advance.

Muli akong umatake ngunit dahil bumagal ang aking galaw ay nahuli ako nito at dinakma ang aking leeg. Abot ang tibok ng aking puso sa kaba na kung ano ang mangyari sa katawan ni Alezeia sa mga oras na ito. Napahiyaw ako ng masalat ako ng kamay nito dahil sa sakit na naramdaman dahil sa init ng kamay nito na nakakapaso. Naramdaman ko ang luhang rumagasa saaking pisngi dahil sa sakit na naramdaman.

Tumawa ito at nilayuan naman ako, "you are now weak, Penelope..."tawa nito at natigilan.

"Your knight and shining armour is here...."kasabay noon ang malakas na pag sabog mula sa kinaroroonan niya.

sa kapal ng usok ay hindi ko makita kung ano ang nangyayari pero alam kong may nag lalaban mula saaking harapan lalo na at nakita ko si Ellioth na nasa gilid ko na gumawa ng barrier na poprotekta saaming dalawa mula sa mga atakeng tingin ko'y ikakamatay ko kung tatamaan ako nito kahit daplis lang.

Wait...that...that knight! that belongs to Flame's light armies!

And Ellioth is Flame's room mate!

"Are you o--oh shit you, are not okay!"sigaw nito matapos atang makita ang paso ko sa katawan.

pag tingin ko sa harapan ay nakita ko na wala na ang mga usok at nakita ko si Flame na palapit na saamin at deretso ang tingin lang saakin. Hinanap ng aking mata ang lalake kanina, sa sampong porsyento kong kakayahan ay madami akong damage na naiwan sa katawan nito.

nagulat ako ng makita ko ang isa sa mga kawal ni Flame na ginagamot na ako. hindi ko alam ang mararamdaman pero pakiramdam ko namamanhid ang aking buong katawan maski ang aking utak. tila ba puno ng hangin ang aking utak at hindi nag po-process ang nangyayari sa paligid.

"What happened? How did he get in here?"tanong ni Ellioth kay Flame na nasa akin ang buong atensyon habang ginagamot.

"WHAT HAPPENED IN HERE?!"isang tinig ang nangibabaw.

"May nakapasok na demon, Profesor."paliwanag ni Ellioth dahil nakita niyang hindi sasagot si Flame.

"Wala nang masakit?"tanong nito saakin at lumapit.

Hindi ako makasagot at naramdaman ang pag manhid ng aking buong katawan at maski ang aking isipan ay namanhid na din at hindi makapag isip ng deretso. Kumunot ang noo nito at natingin sa palapit na Headmistress na para bang nataranta.

"Mom---"

Bigla nalang bumagsak ang aking katawan kasabay ng pag-ikot ang aking paningin at bigla nalang nandilim ang aking paligid.