webnovel

Si Aria (POV)

Ako si Aria Okizamu. Isa akong Sophomore ng highschool sa Midfordhive University. At ngayon… isinakto talagang valentine's day nang nag-cheat ang boyfriend ko na si Shawn at ang Best friend ko na si Audrey, BEHIND MY BACK.

"You cheated on Shawn that's why he left you. P*tang ina nyo." Pabulong ko na sinabi para mapagaan ang nadarama ko.

Walang makapagpapagaan sa mga nadarama ko kundi ang pag-draw at pagsalita ng mga bad words… Sa bahay, malabong magagawa ko ang mga ito. Sila mommy at daddy, masyadong busy sa sari-sarili nilang work at ang gusto nilang ma witness ay ang perfect and well-behaved nilang only daughter. Ang pagiging ideal daughter nila ang magiging tulong ko sa kanila.

Ngayon ay pauwi na ako mula sa school. Sinusundo ako palagi ng driver namin na si manong Edgar. Ang nanny ko naman na palaging nag-aalaga sakin ay si nanny Linda. Sila na ang tumayong magulang para sakin sa tuwing busy sila daddy at mommy.

Ngayong pagkarating ko sa bahay… I never expected na ganito ang magiging trato sakin ng mga magulang ko.

"HOW DARE YOU STEP A FOOT INTO MY HOUSE AFTER WHAT YOU DID." Galit na sinabi sakin ni daddy sabay ng malakas na sampal sa aking mukha.

"Aria…We're so disappointed sayo anak. Di ka naman naming tinuruan ng masamang asal ah… What made you do that towards Audrey… Di ka naming kwinestiyon noong nag break kayo ni Shawn at sabi nila na nag cheat ka… But, why attack your bestfriend because of a man. Audrey is such a good kid." Sabi ni mommy…

Haha… Mommy, Daddy… inalam nyo ba talaga kung sino yung may kasalanan sa aming dalawa? Noon, pinanood nyo lang ako na makipag break and you didn't even defend me noong pinagsasalitaan na ako ng mga masasamang bagay pero… No'ng si Audrey na… Sinampal pa talaga ako ah…

Talagang pinahalata nyo ngayon na mas importante ang image ng pamilya natin at si Audrey kaysa sa akin na anak ninyo…

Ngayon ay nag-iisip ako. Kung magpapaliwanag baa ko o hayaan ko nalang sila kasi!... worth it ba talaga?...

"Momm-Mom…Dad… Don't you trust me at all? You guys should know it well that I won't do such stuffs!" Sinabi ko sa kanila sabay na tumulo ang mga luha ko sa aking mata…

"Aria it's not about that! Pinahiya mo ako! Now, lahat ng mga business partners ay pinag-uusapan ka! We raised you right pero WHAT IN THE HELL MADE YOU THINK OF SUCH A THING AND DO IT?! SOBRANG NAKAKAHIYA TALAGA ANG GINAWA MO ARIA!" Sabi ni papa.

Ako na nag-iisa nilang anak… I did everything I could para lang mapasaya sila. Naging mabait naman ako ha! Palagi ko din naman na sinusunod yung mga gusto nila! Ginagawa ko naman yung best ko din sa school!... I gave my all! Para lang maging malapit sa "Ideal Daughter" nila ah! Hindi naman ako nagkulang ah!…

Sobrang sakit at galit na naramdaman ko sa moment na yon at agad ako'ng umalis ng bahay.