NAKATUON ang seryosong mga mata ni Alvaro sa hawak na papel. Iyon ang results na binigay ng kinuha niyang private investigator para mag-usisa sa katauhan ni Alexa Monserrat.
Nakasaad doon na walang ibang kuwestiyonableng pag-aari ang babae. Nakatira ito sa isang maliit na boarding house kasama ang isang roommate na babae. Ang ina at nakababatang nitong kapatid na babae ay nakatira sa isang lumang bungalow na bahay sa Tarlac. Naging breadwinner ng pamilya simula noong mamatay ang ama apat na taon na ang nakalilipas. Marami pang ibang nakasulat sa makapal na kumpol ng papel kasali na ang basic profile information at araw-araw nitong routine sa loob ng isang buwang pagmamanman.
Wala na bang napiga ang private investigator? He made sure to get the service from a large company para maiwasan ang pagpalya. Kung totoo na walang relasyon ang daddy niya at ang babae, ano iyong nadatnan niya sa opisina? Kataka-taka ang hitsura ng silid pagkapasok niya, with all the scattered papers on the floor, not to mention ang gesture ng dalawa. He was touching her face, as if caressing her cheeks, wearing warm look in his eyes.
Disgusting! Hindi siya kontento sa nababasa. There has to be something! Kung hindi kaya ng imbestigador na alamin iyon, he will do it on his own. He has to watch those two like a hawk.
His father has been acting strange simula nang manghina na ang katawan ng mommy niya due to dialysis. Nawala na ang sigla nito kapag kasama ang esposa at hindi na gaanong naglalagi sa bahay. Unlike before, na hindi maipagkakaila ang pagmamahalan ng dalawa sa kabila ng edad.
His mother has been suffering from chronic renal failure at hindi na nga kaya ng katawan na linisin ang dugo. Simula noon, palagi na itong nanghihina at hindi na nga masyadong nakakaalis ng bahay. Despite the suspicion on his behalf, wala pa siyang nakikitang ebidensiya na nagloloko nga ang daddy niya at mukhang wala ring napapansin ang mommy niya. He decided to keep his mouth shut, until makahanap ng sapat na proweba.
No. Ang nakita niyang eksena sa opisina ay hindi sapat na ebidensiya. He needs more! Kaya nanggigigil siya dahil hindi niya basta-basta masisesante ang babae nang walang basehan. She's also doing quite good in her work at maganda so far ang feedback ng superiors dito.
One more thing. . .Mukhang may toyo yata ang babae. Kahit na magulo ang pagkikita nila, he can't help but notice the name she used to call him. Diego? Who's Diego? Could it be an acquintance na kamukha niya? Alam naman siguro nito ang totoo niyang pangalan bilang presidente ng kompanya, hindi ba? So why call him by someone's name?
"Wala ka ba talagang naaalala?"
Anong ibig niyang sabihin?
"Such a weirdo."
Five minutes before twelve ng tanghali ay nasa loob na ng elevator si Alvaro para lumabas ng building. Magkikita sila ni Vaugh sa ground floor for lunch break. Gusto raw nitong masubukan ang isang French Restaurant na kakabukas lang, eight hundred meters away from the building.
Alvaro lifted his gaze nang magbukas ang elevator sa third floor.
"A—hi, Mister President! Good afternoon, po!" bati ng dalawang babae sa kanya. Isang ngiti at tango lang ang sinagot ng lalaki.
"Friend, kailan ulit 'yong business plan presentation na binigay sa atin?" tanong ng babaeng naka khaki cardigan sa kasama.
"In two weeks daw," anang naka floral chifon blouse.
"Naalala ko tuloy ang college days, by dyads naming ginawa noon, e."
"Ngayon kanya-kanya na, fighting lang!"
"Excuse me," Alvaro butted in and flashed a blinding smile. "Kasali ba kayo sa mga new comers ng marketing department?"
"Y-yes, Sir," the woman in khaki cardigan answered. Nangingislap ang mga matang nakatingala sa kanya.
"Oh, nice meeting you! Goodluck on your presentation."
"Thank you, Sir! Our pleasure, po," the two exclaimed with flushed cheeks. Eksakto namang tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan.
"See you, ladies. You take care," anang lalaki na kumaway.
"You too, Sir!" Korus ng mga ito na kagat-labing tumalikod.
Alvaro's eyebrow twitched upward whilst a wicked smile curved his lips.
***
'Ugh!'
Napabuga ng hangin si Alvaro habang sinisilip ang cellphone. This is definitely not his day! Kung kailan magkikita sila ni Patricia, saka naman nagtambak ang mga papeles na kailangan niyang i-review. She just met the woman from his favorite bar—like four days ago--kaya siyempre dapat hindi masira ang impression nito sa kanya. Pero heto nga, eight o'clock ang usapan nila pero twenty minutes nalang ang hahabulin niya. Hindi mapigilan ni Alvaro ang pag-ikot ng mga mata nang tumunog ang elevator at huminto sa third floor.
Why now?
Pero napatuwid siya ng tindig nang mapagsino ang pumasok.
Alexa Monserrat, a.k.a, the weird woman and the suspect!
"Good evening, Sir," bati nito sa mahinang boses pagkatapos ng kagyat na pagkagulat nang makita siya. This woman always wears that peculiar look for him, parang may pattern nga. It always starts with excitement, then a hint of yearning and. . .sadness?
He must be imagining things o marahil, strategy nito iyon to lure men's attention. Just like how she tempted his father.
"You're doing overtime?" It was meant to be a statement. Akala niya siya na lang ang naiwan sa buong building.
"Yes, Sir," anito na halatang umiiwas ng tingin. Naisip siguro ng babae na malas ito dahil nakasabay pa talaga siya sa elevator.
Well, the feeling is mutual.
"Masyado bang marami ang task mo at umabot ka ng ganitong oras? Who gave you the permission to stay inside the building at this late hour?"
"A—k-kasi. . ."
Tinitigan ni Alvaro ang yakap nitong mga folders.
"Nag-overtime ka ba para gawin ang business plan mo?" Base sa pagtungo at bahagyang pagkagat ng labi ng babae ay mukhang tama ang hula niya.
"Staying this late at work is not allowed, Miss. Unless urgent or ordered by your superior. Binabayaran ng kompanya ang kuryente at wifi. Those are not to be used leisurely."
Nakita niyang bahagyang nanginginig ang mga labi ng kaharap at napahigpit ang pagkakahawak nito sa mga papel kaya alam niyang tumalab dito ang sinabi niya. He maintained the cold aura until the elevator opened. Napahinto ang babae pagkalabas ng elevator, gusto siguro nitong paunahin siyang maglakad pero tumigil din siya sa paghakbang at nilingon ito.
"What? Plano mo pa bang manatili dito?"
Imbes na sumagot, lumaki ang butas ng ilong ng babae at napatiim-bagang. Nilagpasan siya at nagmamadaling lumabas ng building.
Alvaro silenty snickered. "Pathetic."