Chapter 8
Mia POV
"Guys parating na sila!" Matinis na sigaw ko habang hinahabol kami ng mga zombie. Hindi namin alam kung saan sila nanggaling ang alam ko lang ay-----.
"Guys si Vans!" Narining kong sigaw ni Abegail at agad akong napalingon sa likod.
Halos manlumo kaming lahat ng pagtulungan ng mga zombies ang katawan niya.
"G-guys please lumayo na tayo sa lugar na 'to!" Nagsusumamong sigaw ko.
"Ahhhhhhhh!"
"Abegail!" Sigawan naming lahat ng biglang may sumakmal sa kanya. Lalapitan ko sana siya ngunit wala na akong nagawa ng hilahin nila ako palayo.
No-this can't----
"Mia!" Naramdaman ko nalang na nagpagulong-gulong na ako hanggang tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Napadaing nalang ako ng makaramdam ng hapdi at kirot sa noo ko.
"Rarrrr!"
"Argghhh!" Napadaing nalang ako ng may kumagat sa paa ko.
Agad ko itong sinipa ngunit ayaw mahiwalay sakin.
Halos manlumo ako at hindi makahinga.
"Ahhhhhhhh!"
"Mia gising!!!"
Agad akong napabalikwas ng bangon at hingal na hingal. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Kanina ka pa namin ginising, kinakabahan na kami sayo kanina dahil naninigas na katawan mo at nahihirapan ka nang huminga diyan." Saad ni Abe.
"Kung ano-ano na yung ginawa namin para magising ka." Dagdag ni Christine.
Napabuntong hininga ako.
Panaginip lang pala.
"Sinapok niyo ba ako sa noo?" Pagtatanong ko at nagtinginan naman ang dalawa.
"Se Lee, yung sumapok sayo. Hehehe." Sagot ni Abe.
Matalim komg tiningnan ang paligid, at nakita ko siya sa di kalayuan samin naka peace sign.
Impaktong to, tsk. Kaya pala sumasakit yung noo ko eh.
"Magsikilos na kayo diyan!" Napalingon kaming lahat sa pinangalingan ng boses.
"Grabe naman! Hindi pa tumitirik ang araw! Trabaho na kaagad?!" Sigaw ni Lee at siniko naman siya ni Vans.
"Bilisan niyo diyan!"
"Jusko po! Walang ligo? Walang kain? Walang toothbrush?! Nadimunyu na!!!" Atungal ni Abegail.
"Tara na guys!"
"Nakita niyo ba yung Platoon 1?" Tanong ko.
"Oo nga no? Asan na sila?"
"Tsk, bahala sila sa buhay nila 'dun."
"Tsaka hindi niyo ba naalala yung sinabi satin ni Kuya Aries?"
Flashback
"This is the plan, kailangan niyong magpahuli sa mga taong yun and to make sure na gagana ang plano natin, just go with the flow. Wala kayong gagawa ng ikakapahamak niyo. As long as nakita niyo ang Platoon 2, do whatever you want para makatakas."
Saad ni Kuya at taimtim naman kaming nakikinig sa kanya.
"But, I want to make this mission a challenge for the both of you. Kung sino mang Platoon ang makakaligtas sa Platoon 2 ay marerecognize sa taas. Do you understand?"
A game? Hmmm. Sound interesting.
"And please do your best, fight as you can as long as you can. Keep safe everyone and be back conplete and alive. That's all."
End of Flashback.
"Kaya huwag na natin silang pakialam and mind our own business." Saad ko.
"So ngayon na magsisimula ang pagmamatyag natin sa buong lugar. Pag may pagkakataon na kayong makalibot sa lugar, don't hesitate basta mag-ingat lang tayo sa pagmamasid. Act natural." Saad ni Kyler.
"Kanina pa kayo diyan ah! Magsikilos na nga kayo!!!!" Sigaw nanaman ng lalaki kanina.
Kaya tahimik nalang kaming pumunta sa iba't ibang direksyon.
Kumuha ako ng mga tubo at inilipat sa lugar kung saan ito nakatumpok.
Pinagmasdan ko ang mga bantay and I took the chance na pasimpleng umalis sa kinatatayuan ko kanina. Titigil kapag humarap ang bantay at tutuloy kapag pwede na.
"Hoy saan ka pupunta?!" Bigla akong natigil sa paglalakad. Napalunok ako.
*bang*
Napapikit ako at napayuko ako habang hawak hawak ko ang ulo ko.
Binuksan ko ang isang mata at lumingon.
Nagkakagulo na at may nakita akong lalaking nakadapa sa lupa at duguan.
Jusko po.
Bigla nalang nag paulan ng bala ang mga armadong lalaki kaya wala ng nagawa ang mga tao kundi ang dumapa at yumuko.
"Subukan niyong tumakas at ganyan rin ang aabutin niyo!!" Turo niya sa lalaking duguan at ngayon ay kaladkad nila. Napaiwas ako ng tingin.
Mga halang ang kaluluwa ng mga taong 'to. Dahan dahan namang nagsibalikan ang mga tao sa kanilang ginagawa ng may takot sa kanilang mga mata.
They feel hopeless and I can feel them.
"Mia!" Lumapit sakin si Abe.
"Oh?"
"Sama ako sayo."
"Ok"
Kaya ayun dalawa na kaming naglalakad papunta sa pinakaloob.
Nagtago kami sa isang puno ng may makakasalubong kaming mga bantay. Nang makalampas na sila ay agad na kaming dumeretso.
"Tara." Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nahagip ng mga mata ko ang Leader ng Platoon 1 kasama si Boris at iba pang mga lalaki.
"Diba, taga Platoon 1 yun?" Pagtatanong ni Abe habang nasa gilid ko.
"Oo, tara sundan natin." Sabi ko.
Pasimple kaming naglalakad habang nakayuko.
Pumasok sila sa isang malaking tent. Tumakbo kami at nagtago sa gilid na 'to. Sinilip ko sila sa maliit na butas mukhang may pag-uusapan sila.
"Ano payag na ba kayo? Kukunin namin ang Platoon 2 at aalis sa lugar na ito at hahayaan namin kayong maglabas-masok sa safezone."
Huta?!
Naningkit ang mata ko dahil sa narinig.
"Paano naman ang ibang kasamahan niyo?"
"Do whatever you wanted to do, basta aalis kami kasama ang Platoon 2 sa lugar na ito."
Traitor.
"Let's go Abe, kailangan natin silang----" Napatigil ako dahil sa paglingon ko, may nakatutok na baril sa ulo niya.
"M-mia." Bakas ang takot sa kanyang mata.
"Bitawan mo siya!" Nanlilisik at madiing wika ko.
"Subukan mong gumalaw diyan sa kinatatayuan mo at sasabog ang utak nitong kasama mo." Saad nito habang dinidiin ang baril sa Ulo ni Abe.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ito, dahil nakikita ko sa kanila na desidido silang pumatay ng tao.
Nakaramdam ako ng paghawak saakin sa kamay. Itinulak ako nito papasok sa tent.
Bakas ang gulat sa mukha ng leader ng Platoon 1. Mariin ko siyang tiningnan ngunit, iniwas niya ang kanyang tingin.
"Boss, kanina pa sila sa labas at nakikinig sa usapan niyo." Sabi ng lalaking may hawak sakin.
Nilapitan ako ni Boris at sinampal.
"Itali ang mga yan!" Utos nito sa lalaki.
"Ano na ang gagawin namin sa kanila?"
"Kill them if you want to."
Narinig kong saad nito.
Napakuyom ako ng kamao ko.
Kailangan naming balaan ang mga kasama namin.
Done