webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Dead 7 (Part 2)

Chapter 7

Mia Pov

Tahimik kaming nakaupo habang nakatali ang aming kamay sa sasakyan. Wala ni isang nagtangkang magpumiglas maliban sa isa.

"Hoy! Saan niyo ba kami dadalhin?! Waaaa! Ayoko pang mamatay!!!!" Pag aatungal ni Lee.

So tinotoo niya talaga 'yung pag-iinarte 'kuno' niya.

"Tumahimik ka!" Sigaw ng isang may malalim na boses na lalaki sa may unahan.

Hindi parin natinag si Lee at mas lalo pang sumigaw. Nakakarindi na ah.

Napatingin ako sa likuran ng sasakyan. Andun parin 'yung mga sasakyan namin. Mga wasak na gusali na ang makikita namin sa labas. Katulad ng dati bakas ang karahasan sa buong lugar at ang paghihirap ng mga tao na naririto.

Napatingin ako sa kamay kong nakagapos. Namamaga na ito dahil sa higpit ng pagkakatali.

Naramdaman ko nalang ang paghinto ng sasakyan at ang marahas na pagkaladkad saakin palabas ng sasakyan.

"Baba!" Sigaw ng isang lalaki.

"Eto na nga baba na diba?!" Mataray na saad ni Christine sabay kaladkad sakanya ng lalaki.

Nakaramdam ako ng mahigpit na paghawak sa balikat ko at pagtulak ng marahas upang umabante ako.

Pumasok kami sa madilim na gusali. Tanging mga mabibigat na yapak at malalim naming paghinga ang maririnig sa buong lugar.

"Ano nang sunod na plano?"  Dinig kong bulong ni Abegail na nasa tabi ko lang.

"Anong binubulong niyo diyan?!" Sigaw ng nakahawak kay Abe.

"Wala kang pakealam--- argghh!"

"Abe!" Sigaw ko at nag pupumiglas sa taong nakahawak saakin. Tiningnan ko si Abe ng may pag-aalala sa mukha habang nakadapa sa lupa ng isubsob siya ng lalaki.

Tumingin siya saakin at sumenyas na okay lang siya. Nanlilisik na binalingan ko ng tingin ang lalaking gumawa sa kanya 'nun.

"Anong tinitingin mo diyan?!" Sigaw naman niya saakin. Pilit akong nag pupumiglas ngunit mahigpit ang tali at ang pagkakahawak sakin. Kaya dinuraan ko siya sa mukha.

Nanlilisik siyang pumalapit saakin at malakas na dumapo ang kanyang malaking palad sa mukha ko.

Napadura nalang ako ng dugo ng malahasan ko ito.

"Ideretso niyo na 'yan!!!" Sigaw nito at agaran kaming kinaladkad.

"Oh? Ba't antagal niyo?" Bungad ni Vans saamin habang nakatali parin.

"Teka, anong nangyare sa mukha mo?" Pagtatanong ni Lee.

"Hoy! Aong pinag-uusapan niyo diyan!"

"Baket?! Bawal ba mag-usap?!" Sigaw ni Christine.

"Huy!" Saad ko sabay siko sa kanya, baka ma sampal rin 'to eh at baka hindi rin ako makapagtimping basagin ang mukha niya. Tsk

"Asan yung iba?" Pagtutukoy ko sa Unang Platoon.

"Andun sa kabila, pinaghiwalay eh."

Maya maya pa ay bumungad saamin ay isa nanamang Gubat.

"Oh! Isalang na ang mga 'yan!"

Ha? Isalang saan?

"Saan niyo kami dadalhin!"

....

....

....

P*ta! Ginawa kaming construction worker?!

"Ang bigat!!!!" Sigaw ni Abe habang buhat buhat ang isang sakong semento.

Tamad kong binuhat ang hallowblocks at iniabot sa kasama namin. Nahihirapan kaming gumalaw dahil nakatali parin ang mga kamay namin, gustuhin man naming pumalag pero andaming bantay na may dalang mga baril at ayoko rin naman masira ang mga plano namin.

"Gosh! Pagod na ako at hindi ko manlang nakita yung iba pa nating kasama!"  Pagmamaktol ni Christine.

"Just be patient Christine, makikita at makikita rin natin sila at nang makaalis rin tayo sa lugar na 'to." Saad ni Abe at pinagpatuloy ang ginagawa dahil may guard na palapit saamin.

Kinuha ko ang dalawang hallowblocks at ibinigay kay Ace para iabot kay Xander.

"Oh ano, kaya pa?" pagtatanong ni Ace.

"Maybe." Maikling tugon ko lamang at bumalik sa pinagkuhanan ko ng hollowblocks.

Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa buo kong mukha. Nangangamoy lupa na rin ako. Yaks!

"Hoy! Tama na 'yan bukas naman!" Sigaw ng isang bantay kami nilapag namin ang mga bitbit namin.

"Jusmiyo! Sa wakas natapos na din!!"-Ace

"Ansakit na ng mga kamay ko!" -Christine

"Nagugutom na ako!!!"- Abe

"Namamanhid na ata kamay ko." - Lee

"Kapagod!"-Xander

Yan ang mga reklamo nila at tanging buntong hininga lang ang tugon ni Tyler.

Lumapit kami sa isang bantay at tiningnan niya lang kami.

"Oh?! Ano pang ginagawa niyo diyan?! Magpahinga na kayo!"

"Pahinga lang?! Hindi niyo ba kami papakainin?!" Reklamo ni Lee.

"Sinong nagsabing papakainin namin kayo?" biglang sulpot ng lalaking sumapak sa akin.

"Kaw na bahala sa mga 'yan Boris." Saad ng lalaki at umalis.

Napangiwi nalang ako ng tawagin siyang ' Boris '. Bagay lang sa kanya. Pweee.

"Para sa mga baguhan na kagaya niyo, dapat hindi na muna pinapakain! Hala sige! Matulog na kayo!"

Hindi ko na napigilang magsalita.

"Sa tingin mo makakatulog pa ba kami sa sitwasyon na 'to?"

Masama niya akong tiningnan.

"At saan naman kami matutulog abir?!" Dagdag ni Christine.

"Diyan sa tabi-tabi." Saad nito at tinalikuran kami.

"Pigilan niyo ko!" Panghahamon ni Lee.

"Babangasan ko talaga yung pagmumukha 'nong hayup na 'yun!" Dagdag niya pa.

"Wala namang pipigil sa'yo."  Pambabara ni Vans.

"Joke lang naman." Saad ni Lee at umayos ng tayo.

"Let's go, kailangan na nating maghanap ng tutulugan." Sabi ni Kyler at naunang naglakad kaya sumunod narin kami.

Napapatingin nalang kami sa bawat sulok ng lugar dahil may ilan ilang mga taong nag-aayos at naglalatag ng kung ano-ano para lang may matulugan.

"Ahh! San na tayo ngayon? Andami pa namang lamok dito!"  Pag rereklamo ni Christine.

"Miya! Natatakot ako! Baka mamaya may mga zombie dito!" Sabay kapit sa braso ko.

"Wala tayong choice, kelangan nating magpahinga dahil hindi natin alam kung ano pa yung ipapagawa saatin." Sabi ko.

"We need rest, we need to gain our energy, whether we like it or not kailangan nating matulog dito." Pangwawakas ni Kyler sa diskusiyon.

Napabumtong hininga ako.

"I think pwede na dito." Suggest ko aa kanila.

"Okay." Pagsasang-ayon naman nila.

Malayo ito sa ibang mga tao, pero malayo rin naman ito sa mismong kagubatan dahil napakadelikado. Baka mamaya may humila saamin isa isa papunta sa masukal na kagubatan at hindi na makita pa.

"Guys, may nakita kaming karton at ilang malalapad na dahon dito." Biglang sulpot nina Xander.

Kaya nilatag na namin ito sa may damuhan. Napatingala ako sa langit. Hindi ba kami uulanin dito?

Haist.

Walang sabi sabi na humilata ang dalawang babae. Napatingin ako sa nga lalaki at ngayon ay nakahiga narin.

Napatingin ako sa may pader at huli ko na napagtantong.

Gumagawa sila ng sarili nilang safe zone.

Done