webnovel

9

            MUNTIK nang mabitawan ni Eunice ang bag niya nang bumungad sa kanya ang isang kotse pagbukas pa lamang niya ng gate. Pamilyar sa kanya ang kotseng iyon ngunit higit siyang nagulat nang makita ang may-ari niyon na prenteng nakasandal pa sa sasakyan habang nakapamulsa.

Was she dreaming? Kung hindi ay bakit may anghel sa harapan niya nang ganito kaaga?

"E-Ethan!"

"Good Morning." Nakangiting bati ng binata bago umalis sa pagkakasandal sa sasakyan at bahagyang lumapit sa kanya. "How are you feeling?"

"Ha? Ah .. eh.." tumikhim siya para ibalik ang lumipad na isip niya. "I-I'm fine. Good Morning din pala. B-bakit ka pala nandito?"

"Ang sabi ng doktor na tumingin sa'yo noong dalhin kita sa ospital ngayon mo na pwedeng ilakad ang mga paa mo. I just thought you might need a ride to the office. Kahit kasi mailalakad mo na, masama pa rin iyang mapuwersa." Paliwanag nito.

Now that he mentioned it, bumalik sa alaala niya ang gabing iyon. Kung paano siya nito inasikaso at kinuha ang contact number niya mula sa kanya. Kinikilig pa nga siya noon ngunit unti-unti ring humupa dahil sa ilang araw na naka-leave siya dahil sa injury niya ay hindi siya nakatanggap ng tawag o text mula rito. Kung may karapatan nga lang siyang magtampo ay ginawa na niya. Iyon nga lang ay malinaw na wala dahil ni hindi naman niya ito boyfriend.

Ngunit ngayong nasa harap na niya ito at nagpiprisinta pa ngayong maging driver niya ay parang lumipad ang lahat ng himutok niya sa mundo nang hindi siya nito kontakin. Gayunpaman ay tinatamaan pa rin siya ng hiya. They were not that close to start with.

"It's okay actually. Balak ko namang mag-taxi sana para diretso na sa opisina." Kiming sagot niya.

"Delikado na mag-taxi ngayon. Nag-iisa ka pa naman."

"But it's still morning." Kontra niya ngunit lihim na kinikilig naman siya sa concern na pinapakita nito.

"Don't you want to ride with me, then?" napalis ang ngiti nito kasunod ang paglamlam ng mga mata. "It's alright. Sayang lang naman pala ang ipinunta ko rito. Nag-alala lang ako na baka hindi tuluyang gumaling ang injury mo , worst, lumala pa. But since you don't want me to take you to the office. Hindi naman ako namimilit." Sabi nito na waring nagpapaawa. Gusto niyang matawa sa inaakto nito. Para itong batang naagawan ng candy. She ended up smiling instead.

"Pero dahil nandito ka na, sasabay na ako. Libre pa ang pamasahe ko." Nagawa niyang sabihin. Tila lumipad na rin ang kabang nararamdaman niya nang makita niya ito. It was like he has this certain talent of wiping the awkwardness away.

Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan siya sa pagsakay. Sumakay din ito sa driver's seat saka pina-andar na iyon.

"I thought you would not let me give you a ride. Naghintay pa naman ako sa tapat ng gate ninyonang medyo maaga baka kasi 'pag dating ko sa inyo, wala ka na pala." Simula nito habang nagmamaneho pa rin.

"K-kanina ka pa nasa harap namin?" gulat na tanong niya.

"Just an hour, I guess."

Napanganga siya noong mga panahong iyon ay nasa kama pa siya at pinag-iisipan kung papasok pa siya o hindi samantalang nasa labas na pala ito ng bahay nila?

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na... na susunduin mo pala ako." Nakangiwing sabi niya rito.

"No, it's alright. Kasalanan ko naman talaga. Wala akong pasabi na pupunta sa inyo. Saka kaya ko naman talaga inagahan para maabutan kita." Nakangiting nilingon siya nito.

"You should have texted me. Hindi ka sana naghintay ng matagal, Nasayo pa naman ang number ko hindi ba?" subok niya. Malay ba niya kung basta na lang din nito binura ang numero niya.

"Yep, I still have your number. Hindi lang ako tumawag kasi nag-aalala akong maistorbo ko ang tulog mo." Sagot nito. "How's your foot, by the way?"

"Okay na. Nailalakad ko na kahit naka-bandage pa rin siya."

"Good. Mukhang hindi ko naman na pala kailangang idemanda ang doktor mo."

"Kung hindi ako agad gumaling, talagang magdedemanda ka?" gulat na tanong niya rito.

"I'm planning to." Kibit-balikat na sabi nito.

"Poor doctor. You're so mean to him." Nailing ngunit napapangiti namang sabi niya rito.

"I'm not mean to him, I'm just worried about you." Sabi nito na animo napakasimple lang ng sinabi nito. Kung alam lang nito ang epekto ng sinabi nito sa nananahimik na puso niya.

Tumikhim siya para ibalik sa realidad ang isip bago pa nito mahalata ang kaguluhan sa sistema niya nang mga oras na iyon.

"P-pero alam mo, hindi mo naman kailangang sunduin pa ako. Not that I'm not grateful. Naabala ka pa kasi." Nahihiyang sabi niya rito.

"Ako kasi ang nakakita sa'yo nang ma-injured ka kaya ikapapanatag na rin ng loob ko kung malalaman kong okay ka na."simpleng sagot naman nito.

"Like I said before, hindi naman ikaw ang naka-disgrasya sa akin kaya hindi dapat ikaw ang nag-aasikaso sakin." Bakit ang basa niya sa sinasabi nito ay isang obligasyon dito ang asikasuhin siya dahil nagkataong ito ang nakakita sa katangahan niya?

"Regardless, I like taking care of you." Sabi nito na saglit pa siyang tinignan at nginitian.

Or maybe she was just waiting for him to say those words. Parang nag-acrobatic ang puso niya nang marinig niya ang sinabi nito. Hindi na niya nagawang sumagot pa dahil ninanamnam pa ng isip at puso niya ang sinabi nito. Hindi na niya napansin na nakarating na pala sila sa office building na sila ng Alcala Enterprise, Inc. Ngunit sa pagtataka niya ay hindi nito ipinasok sa parking lot ang sasakyan sa halip ay itinigil nito iyon sa tapat ng entrance ng building. Nagtatakang tinignan niya ito.

"Hindi ako papasok ngayon. Actually, I won't be going to the office for a while." Nakangiting sagot nito sa tanong sa isip niya.

"Naka-leave ka?" kung ganoon naroon ito para ihatid lamang siya? Parang lumobo ng ilang beses ang puso niya.

"Yes."

"H-hindi ka naman pala papasok, bakit hinatid mo pa 'ko?" waring hindi pa nakuntento sa sariling kongklusyon na pagkukumpirma niya rito.

"I told you, I like taking care of you." Balewalang ulit nito sa sinabi nito kanina ngunit gaya ng unang beses na sinabi nito iyon ay napalundag muli niyon ang puso niya. "And I want to see you bago ako mawala ng ilang araw."

Bumaba ito ng sasakyan saka siya ipinagbukas ng pinto at inalalayang makababa.

"T-thanks." Nagawa niyang isagot kahit pa umaalingawngaw pa din sa isip niya ang huling sinabi nito. I want to see you...

Nagulat pa siya nang lumapat ang palad nito sa ulo niya saka iyon tinapik-tapik. Itinapat din nito ang mukha sa mukha niya saka siya tinignan sa mga mata.

"Take care of yourself while I'm not around."