webnovel

10

            AKAP sa tapat ng dibdib ang paperbag na sumilip si Eunice sa workstation ni Ethan. Agad naman niya itong nakita na abala sa harap ng computer nito. Iyon ang unang beses na nakita niyang napakaseryoso ng anyo nito. Maybe this was him when he was busy. He was funny and all smiles when he was not busy. At mukhang nagta-transform din ito kapag tambak ang trabaho nito.

It has been days since Ethan filed his leave. At alam niyang nakabalik na ito dahil narinig niya ang usapan ng ibang empleyadong nakakita na rito. Ang akala pa naman niya ay magpapakita ito sa kanya agad kapag nakabalik na ito ngunit ni anino nito ay hindi na niya nakita. And she was getting frustrated. Hindi niya alam ngunit pagkatapos ng huling beses na nagkita sila ay naramdaman niyang lumawig pa ang nararamdaman niya para dito.

"I was just worried about you."

Hanggang ng mga oras na iyon ay sariwa pa sa alaala niya ang mga sinabi nito. At sa bawat pagkakaton na maaalala niya iyon ay kusang bumibilis ang tibok ng puso niya na parang nasa paligid lang niya ito. Hindi niya alam kung normal pa sa isang gaya niyang humahanga sa isang lalaki ang ganoon. Ang alam niya kasi noon, kapag crush mo, okay na kahit hanggang tanaw lang. That you are not entitled to ask for more. But her case was different ,now, she was sure. Na parang hindi kumpleto ang araw niya nang hindi ito nakikita at nakakausap. Kaya nga sa pagkakataong iyon ay siya na ang gumagawa ng paraan upang kahit papano ay makita ito.

Ngunit nagdadalawang-isip naman siya kung lalapitan ito at kakausapin. Sa itsura kasi nito ay para itong mangangain ng tao kapag naistorbo sa ginagawa.

Tinignan niya ang paperbag na hawak. Sa loob niyon ay nakalagay ang jacket nito na ipinahiram nito sa kanya. Hindi na muna niya isinama ang panyo nito roon. She might need that for another excuse. Isa pa baka hindi rin nito maalalang pag-aari nito ang panyo. Hindi na nga nito naaalala na hindi sa opisina ang unang pagkikita nila, kundi sa labas lang at hindi pa rin sila empleyado ng kompanyang iyon.

Tinignan niyang muli ang binata. He was still focused on whatever was on his monitor. Bumuntong-hininga siya at napagpasyahang saka na lamang ipagpatuloy ang plano. Umikot na siya para umalis nang mabunggo naman siya sa pader. Mabangong pader, actually.

"Miss Abueva."

Awtomatikong umangat ang tingin niya sa nagsalita. Hindi pala solidong pader ang nabunggo niya. Malapad na dibdib pala ng isang lalaki iyon. At nang humantong ang tingin niya sa mukha ng taong nasa harap ay napanganga siya.

"M-Mr. Alcala." She managed to say.

"Right, that's me." Nakangiting sabi naman nito.

The guy was handsome wearing his three piece suit. He was literally towering over her. Humahalimuyak din ang pabango nitong hindi naman masakit sa pang-amoy. And even though he was smiling enthusiastically at her, he still looked dominating. At nanliliit siya sa harap nito.

Mr. Menriz Alcala was the company's very much praised young CEO. Hindi pa niya ito nakikita sa ilang buwang pagtatrabaho niya sa opisinang iyon maliban sa mga emails kung saan nakapaloob ang picture nito o sa mga magazines kung saan na-cover ito. At sa dinami-dami ng tao sa opisina, it was their CEO that caught her lurking at Ethan's work area. At tinawag siya nito sa apelyido niya kanina, which means kilala siya nito. Hindi niya alam kung paano ngunit hindi na niya iyon naisip pa dahil nang mga oras na iyon, parang gusto niyang hilinging kainin na lamang siya ng lupa!

"S-sir!" iyon lamang ang nasabi niya.

"What are you doing here, Miss Abueva? May hinahanap ka ba?" nakangiting tanong nito. Hindi pa man siya sumasagot ay sumilip na ito sa kaninang sinisilip din niya saka unti-unting lumawak ang pagkakangiti nito. Did he know who she has been looking at? "Bakit hindi ka na lang lumapit? Mukhang nandoon naman ang hinahanap mo."

Gustong kumunot ng noo niya. Hindi lamang siya nito kilala, mukhang may alam din ito sa mga nangyayari.

"W-wala po diyan ang pakay ko. Mali lang po ako ng area na napuntahan. Sige po ha?" palusot niya saka akmang lalagpasan ito nang magsalita itong muli.

"Do you have a boyfriend, Miss Abueva?"

"Po?" lalo siyang nagduda sa boss niyang ito. How could he ask such a question when it was the first she had met him?

"If you don't have a boyfriend, will it be okay if I court you?"

Napanganga siya. Inilibot din niya ang paningin at baka may makarinig sa sinabi nito. Is this guy serious? O baka pinagti-trip-an lang siya nito?

"Sir---"

"Get a life, Menriz!" narinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod niya. True enough, Ethan was already standing behind her. Kunot ang noo nito habang nakatingin kay Mr. Alcala. "Ang aga aga yata, lasing ka na."

Napanganga siya sa paraan ng pakikipag-usap nito sa CEO nila. Nababaliw na ba ito?

Ngunit lalo siyang nagulat nang tumawa lamang si Mr. Alcala sa sinabi ni Ethan. Ano na ba ang nasasaksihan niya ngayon? Do these two people even know each other?

"Chill, pare. You're snappy." Nakangising sabi ni Mr. Alcala.

"And you're creepy." Nakasimangot na sabi naman ni Ethan dito. It was the first time she ever saw him frown like that. At sa harap pa mismo ng CEO nila. Ang CEO naman nila parang hindi naman napipikon kahit mukhang hindi na ito iginagalang ni Ethan. "Pumunta ka na nga sa opisina mo! Istorbo ka sa trabaho ko."

"Hindi naman ikaw ang kinakausap ko. I was talking with Miss Abueva here. Ikaw kaya ang tumayo sa upuan mo at lumapit rito." Maloko pa rin ang pagkakangiti ni Mr. Alcala habang palalim naman ng palalim ang pagkakakunot ng noo ni Ethan. Bad mood yata talaga ito.

"You were loud. Umaabot ang boses mo sa station ko." Sagot ni Ethan.

Sumilip naman muli ang CEO nila sa may area nina Ethan para yata siguruhin kung may iba pa itong naiistorbo.

"Ikaw lang ang nagrereklamo." Kibit-balikat na sabi ni Mr. Alcala.

"Ewan ko sayo." Sabi ni Ethan kasabay nang paghawak nito sa kamay niya. "Let's go." At hinila na siya nitong palayo.

"Nice meeting you, Miss Abueva!" narinig niyang pahabol pang sabi ni Mr. Alcala ngunit hindi na niya nagawang lingunin ito dahil inilayo na siya ni Ethan mula rito.

Napatingin na lamang tuloy siya sa magkahugpong na mga kamay nila. It was the second time that he held her hand at kapareho pa rin ng pakiramdam nang unang beses nitong gawin iyon. His hand was warm over her hand.

Wala na siyang pakialam pa kahit saan siya kaladkarin nito. Kuntento na siya basta hawak nito ng ganoon ang kamay niya.

Nang huminto ito ay saka lang niya napansin na nasa labas na sila ng production floor at nasa hallway na. Binitawan naman nito ang kamay niya pagkatapos ay sumandal ito sa dingding habang nakatingin sa kanya. Bumuga ito ng hangin mula sa bibig.

"Sorry about that. Medyo creepy lang talaga 'yong si Menriz. But he's nice, sometimes."

"You called the big boss with his first name?" nanlalaki ang mga matang tanong niya rito nang ma-digest ng utak niya ang kaninang eksena nito at ng CEO. "At sinabihan mo siyang istorbo? At nilayasan mo siya kanina!"

"I did." Tatango-tangong sagot pa nito na parang balewala lamang ang mga ginawa nitong iyon. Kahit saan pa niya tignan, he was kind of disrespectful to the CEO back there.

"What if he gives you a memo? Or worst fires you!" nanlalaki ang mga matang sabi nito. "Halika nga!" hinawakan niya ang kamay nito. Ang balak niya ay hilahin itong papasok sa loob ng production floor at pahingiin ito ng tawad sa big boss. He can't get fired! Paano na lamang niya itong makikita kung masisipa ito sa opisina? Hihilain na sana niya ito ngunit hindi man lang ito natinag sa pagkakasandal sa dingding.

"Don't worry, he can't fire me."

"Why not?"

"Because he can't."

Napabuga siya ng hangin. Bakit ba napaka-confident nitong hindi ito masisipa roon? He talked back to the CEO!

Sa gulat niya ay tumawa lang ito. Hindi yata talaga ito bothered na maaaring pinoproseso na ng boss nila ang termination nito. Ngunit parang nawala din ang pag-aalala niya nang makita itong tumatawa.Ilang araw na din ang nakalipas nang huli niyang makita ang tawa nito. And she admits she missed seeing him like that.

Parang nawala na sa memorya niya ang seryosong anyo nito kanina habang nakatitig sa monitor ng computer nito o ang pagsusungit nito kay Mr. Alcala. Napalitan na naman iyon ng imahe nitong nakangiti at tumatawa.

"You're laughing when it isn't even funny." Reklamo niya. Kahit papaano ay nag-aalala pa rin siya rito. Bahagya nga lang nabawasan dahil sa naging pagtawa nito.

"I was just happy to see you again." Nakangiting sabi nito sa kanya. At hayun na naman ang puso niya, nag-a-acrobatics na yata sa loob ng rib cage niya. Kaunting salita lamang at nakalimutan na niya ang kung anumang ipinaglalaban niya rito kanina. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Normal na yata iyon sa tuwing kasama niya ito. "You're blushing."

"I'm not. Mainit lang dito." Gasgas na ang palusot niyang iyon ngunit wala naman na siyang maisip na idahilan dito.

Nagulat pa siya nang maramdaman ang paglapat ng palad nito sa pisngi niya. Lalong nag-init ang mga pisngi niya.

"I like it when I see you blushing like this." Nakangiting sabi nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nabura na ang lahat ng frustrations niya ng mga nakaraang araw na hindi niya ito nakita. "Why were you at our department by the way?"

She stiffened.

"Ha? Ah..eh"

"What's that?" ibinaba nito ang kamay mula sa pisngi niya at itinuro naman ang paperbag na bitbit niya. Napangiwi siya. Bakit ba sunod-sunod itong magtanong ng mga bagay na hindi siya makahuli ng kasagutan?

Napatingin siya sa paperbag na hawak. Pinuntahan niya si Ethan sa area nito para ibalik iyon. Might as well do what she already planned in the first place. Iniabot niya rito ang paperbag na hawak. Tumingin lamang ito sa kanya pagkatapos ay sa paperbag.

"It's your jacket. Ang tagal na kasi nitong nasa akin maliban pa sa dalawang beses mo na itong naipahiram kaya ibabalik ko na sana kanina kaya lang busy ka at mukhang mangangain ka ng tao pag naistorbo kaya hindi ko na naituloy." Lakas-loob na sabi niya rito. Natawa lang naman ito sa sinabi niya. "Nilabhan at pinlantsa ko pa 'yan para wala kang masabi."

"You didn't have to. But thanks, anyway." Nakangiting sabi nito sa kanya. "I presume you are not busy anymore tonight?"

"Ha?"

"I told you to give this back when you have time to have dinner with me, right?"

"Y-yeah. May utang pa pala akong dinner sa'yo."

Lumuwag ang pagkakangiti nito nang marinig ang sinabi niya. Was he also looking forward to a dinner with her? Nabuhay ang pag-asa sa dibdib niya. Hindi lamang nito sinabing masaya itong nakita siya nitong muli, ngunit ngayon mukhang masaya rin itong sa wakas ay magdi-dinner na siyang kasama ito.

"I'll wait for you outside the office after your shift, then." Sabi nito at akmang aalis na nang biglang may maalala. Bumalik ito sa harap niya at napakamot sa batok nito na parang nagi-guilty. "By the way, I'm sorry I was not able to contact you these past few days. Something came up and I was occupied for a few days. I'll make it up to you, I promise."

Tinignan niya ang mukha nito. Ngayon lamang niya napansin na mukhang pagod ito. Bahagya ding nangangalumata ang mga mata nito. Hindi maipagkakailang ilang araw itong napagod at namroblema sa kung anong dahilan.

Parang may humaplos sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. When he asked for her number, it was not an obligation for him to contact her. Ngunit ngayon ay humihingi ito ng tawad dahil hindi siya nito kinontak na parang pagkalaki-laki ng kasalanang nagawa nito samantalang halata naman sa anyo nitong may mahalaga itong inasikaso kaya hindi siya nito natawagan.

"It's okay. No big deal.We were both busy, anyway." Nakangiting sabi niya rito upang pawiin ang kung anumang guilt na nararamdaman nito.

Pinakatitigan lang naman nito ang mukha niya bago unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. How he missed that smile so much. At ramdam niya sa puso niya ang kakaibang damdamin para rito. Na kahit pa siguro anong kasalanan ang gawin nito ay magagawa niya itong patawrin. She knows it was not wise pero anong magagawa niya. Sa iyon ang isinisigaw ngayon ng puso niya.

"I'll wait for you later." Masiglang sabi nito.